New School,New Life,New Friends - CHAPTER 1

272 8 1
                                    

(Mia's POV)

"Ate.....Ate.. ATE!"

"Huh- Ano-- Why?"

"Gising na daw sabi ni Mommy."

"Hahh.... Maaga pa ah..."

"Hindi ba first day of school mo ngayon? Akala ko excited ka!" Sabi ng cute,mabait, at makulit kong kapatid na si Hannah. "Ay! Oo nga pala. Ba't hindi mo sinabi kanina."

Napa buntong-hininga siya, "Basta. sabi ni Mommy baba ka na daw. Baka ma-late ka pa." Sabi niya. "Wow, parang matanda ka lang magsalita ah." Sabi ko sabay ngisi. "Whatever. Ako rin naman papasok." Sagot niya tapos umalis. "Hay naku... Kailan pa ba niya natuto sumagot."

Pumunta na ako sa loob ng banyo para maligo. Siguro dapat ibahin ko na yung character ko, so i can fit in with them. Besides, siguro mga mababait naman sila kasi private school yun eh. Tinanggal ko ang damit ko at pumunta sa loob ng shower..

"...AHHH ANG INIT! ANG INIT!"

---

"What's for breakfast?!" Sabi ko habang tumakbo pababa.

"Nuggets." Sabi ni Mama na naka ngiti.

Umupo ako sa upuan at kumain. "Anong oras na ba?" Tanong ko. "7:00 am." Sabi ni Hannah habang hawak ang bag niya at bag ko. "Ay shoot! Mala-late na ko." Kinuha ko ang bag ko kay Hannah sabay beso kay Mommy.

Tumakbo ako papunta sa bagong school ko habang may tinapay sa bibig.

"Mom, magiging okay ba si Ate?"

"Siguro."

---

Tumingin ako sa paligid. Papasok palang sila? Hay.. Nagmadali pa talaga ako.

"Hey!,Hey!,Hey!"

Biglang rinig ko na sigaw sa likod.

"Hi!"

Isang babae na long-black-haired at may kakaibang uniform... Teka, napansin ko lang na puro iba yung uniform ng lahat. Ang akala ko ako lang yung may weird na uniform eh "U-uhm... Hi?", pagkautal ko. "Ehhh? Shy lang ang peg?" Sabi niya. "Magkakilala ba tayo...?" Tanong ko ng maayos, "Hah? Who say's we know each other. Ngayon lang kita nakita dito eh. Kaya, gusto kong magpakilala. The name's Chain. Chain Adams. Hindi yung Adam's Family na pinapanood ah. Magka-apilido lang." Sabi niya na nakangiti. Para namang hindi niya binibitawan yung ngiti niya ah. Ang weird niya.

"Siguro ikaw si....Mia! Mia Wendy!" Sigaw niya. "Uy, wag naman malakas. Nakakahiya." Sabi ko habang tinatakpan bibig niya.

"Get used to it."

Biglang pagsabi nung lalaking jet-black ang buhok, masiyadong badass ang uniform, cool. Holy-- First crush yata? Nah. di kami bagay. Hindi ako ganon ka-cool noh. "Hey,Hey,Hey! Kuya Timmy!" Sigaw ni Chain doon sa dark-haired. "Wag mo kong tawaging Timmy. It's embarassing." Sabi niya. "Hay naman.. Gwapo ka nga, kaso masungit lang. Ito nga pala si Tim James Westly. Ang pinaka masungit na lalaki sa buong school!, Kaya let's go! You have to meet everyone na!" Sabi niya sabay pag-hila sa amin sa Classroom.

"Wait! Teka lang!"

---

"Can you stop dragging new students, and of course along with me and the others, into the classroom. " Sabi ni Tim. "Parang kapag nag-sermon ka ikaw yung nanay ko. Chillax ka lang, diba palagi mong sinasabi na, 'After the end, There's always a new beginning.' Pero kapag naging serioso ka parang after the end, there's no new beginning na talaga eh." Sabi ni Chain habang nakapameywang.

" Nang-aasar ka ba?" Sagot ni Tim habang nakatingin ng masama kay Chain. "T-teka lang. Relax lang kayong dalawa." Pagkautal ko, Ulit. Hay naku..Kailangan ko talagang umiwas diyan sa pagkautal-utal ko. Hindi bagay sa character ko noh! Masiyadong shy-shy.

Throne High School Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon