( Mia's POV )
"Ate.""Hmm... Ano..."
"Ate!""Hah?!"
Nahulog ako sa kama ko, "Ow! Ano ba kasi!", Si Hannah naman oh! Ang sarap ng tulog ko tapos ginising pa niya ako! Ano ba nanaman kasi! "Hindi ba't Christmas Party niyo ngayon?"
Naku naman oh! Baka tapos na yung Christmas Party! Excited pa naman ako para dun!"Hala! Nakalimutan ko! Lagot! Anong oras na ba?", Naku! Dapat maka-punta ako doon ng maaga! "6:00 palang ng umaga. Wag kang mag-panic." Sabi niya. "Maligo ka na kaya ate. Pinag-luto ka pa ni Mommy ng masarap na pagkain."
Hindi ko nalang sinagot ni Hannah at pumunta nalang sa loob ng banyo para maligo.
"Masaya... Ano kayang masaya sa pagiging ganun."
---
"Ate Mi-Mi! Halika dito!" Sigaw ni Chain. Tumakbo ako papunta kung saan yung party. "Wow, ang cool ng mga suot ninyo!" Sabi ko habang nakatingin sa mga damit nila. Parang pinag-handaan talaga nila yung Christmas. Siguro magiging masaya talaga yung pasko ngayon!
"Ate Mi-Mi! Parang good mood ka ngayon ah!"
"Masama ba?""Hala! Back to good mood! Ayaw ko yung bad mood!", Napatawa nalang ako sa sinabi niya. "Ang ganda ng pag-decor niyo dito sa Christmas Party hah." Sabi ko habang tumitingin sa mga decorations. "Oo nga eh! Sayang naman, umalis pa ko para sa task! Sana hinantay niyo nalang kami para tulungan din kayo sa pag-decor, ako kasi yung pina-decor para sa Christmas Party eh. Diba tinawag ko lang kayo para tulungan ako sa pag-decor? Parang hindi naman kasi fair kung kayo yung gagawa ng pag-decor."
"It's okay. We understand anyway."
"Fruit punch?"
"Okay!"
"Parang prom lang yung Christmas Party natin hah." Sabi ko. "Hah? Prom? Eh sana naka-gown tayo!" Sagot ni Chain. "Seriously? Prom was seriously bad last year. It was very BAD." Sabat ni Tim habang nakaupo sa isang desk. "Ano ka ba naman Kuya Timmy! Uupo ka pa diyan sa lamesa, eh may upuan naman eh!"
"I dont care. It's life."
---
( Chain's POV )
"Kuya Zemi, okay ka lang ba?", Kanina pa kasi naka-upo habang naka-salukbaba si Kuya Zemi eh! "Alam mo naman yung rason, bakit mo tinatanong." Sagot niya. "Ay.. Yung tungkol sa daddy mo pala..""Hayaan mo, siguro bibisita din yun. Baka isu-surprise ka ng daddy mo." Sabi ko sabay thumbs up. Ayaw ko kasi palaging sad yung mga friends ko eh! "Thanks." Matipid na sagot niya na may ngiti. "Sa wakas! Ngumiti na din siya!" Sigaw ko na para bang bata.
"Wag ka ngang sumigaw diyan." Pag-sermon sakin ni Kuya Zemi. Si Kuya Zemi talaga oh! Halatang tinatago yung ngiti! "Parang hindi ka sanay noh!" Sagot ko sa kanya. "Mukha bang sanay ako?" Sagot pa niya.
"Oi, love birds. Tonya needs to talk to you both."
"Parang hindi kayo love birds ni Ate Mi-Mi ah!"
"Whatever."
Napa-shrug nalang si Kuya Zemi.
Pumunta kami kung nasaan si Ate Tone na nagre-research sa laptop niya sa loob ng library.
"Oh, ano nanaman yung kailangan mo, Tone?"
"Parang galit ka hah."
"Eh galit ka palagi sakin eh. Revenge lang."
"Nevermind. But anyway, gusto ko lang sabihin kay Chain na parang may gusto kumausap sayo. Hindi ko kilala, it's surprising kasi parang mag-kamukha kayo ng konti. baka isa sa mga relatives mo. And also Zemi, na-aksidente yung daddy mo."
BINABASA MO ANG
Throne High School
ActionINTRO Isang school. Assassin, Mafia, or Killer? Kung anong pipiliin ko, hindi ko rin alam. Pero noong nakapasok na ako sa school na ito. Buong buhay ko nagbago. Pero nang nakilala ko sila, hindi ko inasahan na ganito ang trato nila sa akin. Isang es...