( ???'s POV )
"Kailan na nga ba ang laban?"
"After this year. Which is the second year."
"May bago nanaman sila."
"Mia Wendy ang pangalan niya. She's not that strong type to me."
"Whatever. We're gonna take her down.", I said habang hawak-hawak ang litrato ni 'Mia Wendy'. She seems very familliar, parang nakita ko na siya once but i don't really remember nor care. She doesn't seem like the strong type indeed. Pero, Throne High School must have something coming. And i will definitely gather information about this woman.
"Well, she seems cute,nice,and harmless so i guess there's no reason she could fight sa High School VS High School.", Sabi niya with a grin forming on her face as she bit her index finger. Psycho. "Kung ganon lang naman edi patayin na natin siya! Nakaka-boring naman kasi yung mga iba diyang so-called kings and queens. And also, baka naman secret weapon siya. So, why not?"
"We can't make a move without permission from Ma'am Jane.", i grabbed my phone from my pocket at nag-text kay Caymi. "Wala tayong magagawa but to rely this on her."
"Hah? Siya nanaman? Ano ba naman 'to! Puro nalang siya!" He said and slammed his hand to the table. "We have no choice. Wag ka nang mag-reklamo pa. Malapit na ang pasko diba? Relax muna tayo", Ngumiti nalang ako at umalis.
---
( Mia's POV )
"N-Nakakatakot naman nun! Paano ka naka-survive doon?!" Sigaw ko sa kanya habang hawak-hawak ang kamay niya. Kinuwento sakin kasi ni Chain yung tungkol sa dati nilang bahay. Nakakatakot daw doon! At meron na din siyang nakitang white lady! Buti nga buhay pa siya eh!
"Hah? Takot ka sa white lady? Hindi naman yun kumakain ng tao! Nananakot lang! Awooooo~"
"Ano ka ba naman Chain. Wag mo na siyang takutin." Sabi ni May at umupo sa tabi ko. "And besides, ghosts aren't real, kaya wag ka nang matakot. Dito, makakakita ka ng blood and organs. Kaya, dito ka nalang matakot.", Isa pa 'tong si May, nanakot rin kaya siya!
"Anyway kailangan mo na mag-training."
"Hah? Training nanaman? Hindi ba't nag-training na ako kanina?", Tinatamad na ko eh, parang gusto ko na matulog. "Well. You can't complain to that, Ma'am Kate wanted you to practice how to do this and that. So, i guess wala kang magagawa kundi sundin nalang siya." Sabat ni Tim habang hawak hawak ang ID ko.
Teka, pano napunta sa kanya yung ID ko?!
"Huy! Ibalik mo yan!", Hinabol ko siya nang tumakbo siya papunta sa halls na halatang halata na naka-ngisi, "Ibalik mo sakin yan! Magagalit si Ma'am kung nawala yan! Uy!!"
"Try and catch me then."
---
( Chain's POV )
"Ano nanaman ba yung plano ni Kuya Timmy.", Ano ba naman 'tong si Kuya. May plano tapos hindi sasabihin, sinaniban ba siya ng isang lalaking bata na para bang assassin at relative ni Ate Mi-Mi tapos kinuha yung ID niya? Ganun ba yun?
"Basta, kung ano man yung ginagawa niya sana naman hindi siya uminom ng alak." Sagot ni Kuya Zemi habang nagbabasa ng libro. "Hah? Alak agad? Si Kuya Zemi talaga pala-biro. 19 palang si Kuya Timmy noh! Okay lang sana kung 20 na siya!" Pag-sermon ko sa kaniya. "Oo na. Ikaw na. Alam mo ang weird talaga ng mga actions mo. Una, para kang bata kung sumalubong ng isang tao na para bang may dalang regalo. Pangalawa, kapag nag-salita ako na para bang inappropriate na naging mommy mode ka. Pangatlo, mukha kang isang dalagang babae na gusto ng mga lalake diyan pero yung personality mo lang yung problema!"

BINABASA MO ANG
Throne High School
ActionINTRO Isang school. Assassin, Mafia, or Killer? Kung anong pipiliin ko, hindi ko rin alam. Pero noong nakapasok na ako sa school na ito. Buong buhay ko nagbago. Pero nang nakilala ko sila, hindi ko inasahan na ganito ang trato nila sa akin. Isang es...