UBHS Information - CHAPTER 4

61 4 0
                                    

( Zemi's POV )

"Ano ba kasi yung hahanapin natin dito. Eh yung old library na 'to eh. Yung ginagamit ng school natin ngayon ay yung bago.", Eh totoo naman kasi. And besides, ano naman yung mahahanap namin dito. Maalikabok na yung mga libro, madaming spider webs dito. And also, halos puro history lang ng mga dating estudyante ang nandito, at yung mga how-to-do-this-and-that-and-those books.

"Wag ka ng mag-reklamo, Bakla." Pag-sumbat sakin ni Tonya. "Hoy, wag mo nga akong tawaging bakla. Nagse-selos ka lang kasi wala kang love life!" Sigaw ko naman sa kanya. Well, hindi ako bakla. Okay na yung playboy, basta wag lang bakla. "Huy, wag ka ngang sisigaw dito, library to noh." Pag-sermon sakin ni Chain. Say that to yourself.

"Whatever. Nandito tayo dahil sabi ko kay Chain na samahan niya akong mag-hanap ng information dito sa UBHS. Pero, sinama niya kayo, so i don't think that's a problem." Sabi pa niya na hindi ako tinitignan. Rude. "Hah? Meron palang ganun? So.. Magkaibigan ba yung Throne High School at Unicorn Blood High School noon?" Tanong ni Mia. "I wish!" Sigaw ni Chain. "Akala ko bawal sumigaw." Sabat ko sa kaniya. "Hindi naman 'to yung new library eh!", God, why must you create this girl to be so weird than me. Not that, i'm saying na weird ako. Basta, weird lang ako.

"Let's start searching!"

"Saan tayo magsisimula? Eh, kahit old na 'tong library na 'to parang malaki pa rin yung place eh."

"Let's still search!"

---

"Kanina pa tayo naghahanap dito. I'm pretty sure na late na tayo para sa next subject, which is now Ma'am Kate's subject.", Hanap na kaya ako ng hanap dito eh wala nga akong makitang 'UBHS' na related dito.

"Teka, ano 'to?" Biglang sabi ni Mia na may hawak-hawak na libro, siguro yun na yung hinahanap namin. "Well, i wasn't expecting someone, including me, find it." Sabi naman ni Tim. Kinuha ni Chain ang libro kay Mia ang libro at binasa ito. "Ito na nga yun! Pero masiyadong maraming page. It will take ages para mabasa natin lahat 'to!"

Inagaw naman ni Tonya ang libro at inilagay ito sa bag niya. Rude, again. "Ang hahanapin lang natin dito ay ang mga importanteng bagay. And, magre-research nalang ako sa bahay namin. Tawagin ko nalang kayo." Sabi pa niya. "O.M.G! Sleepover!" Sigaw ni Chain.

"Well, tanong ko muna sila Mommy at Daddy kung pwede ako." Sabi pa ni Mia. "Same, my parents are strict when it comes to staying at someone else's house. But i think they'll agree. Since, tungkol naman ito sa 'High School Business' " Sabi naman ni Tim. "Teka, nasan ba si Ate May?" Sabi ni Chain habang tumitingin kung saan saan.

"I'm here, nagbabasa lang."

"Oh well, takbo na tayo sa classroom! Baka mapagalitan pa tayo ni Ma'am Kate!...Ulit!"

---

( Chain's POV )

"Naku naman... Kailangan natin mag-sneak in..." Bulong ko. "Follow my lead" Sagot ni Ate Tone tapos pumasok sa loob casually, nagsusulat yung mga ibang estudyante ng tahimik. Teka, hindi ba siya mapapahamak? Umupo lang siya sa desk niya tapos kinuha ang notebook niya at nagsulat. Hindi siya pinagalitan? Ma-try nga!

Pumasok din ako katulad ni Ate Tone na normal na naglakad.

"Bakit kayo late. Adams, Westly, Forester, Shafina, And Wendy. Kabago-bagong estudyante, Late?" Pag-sermon ni Ma'am Kate habang tinitignan kami ng masama. Aish! Ano ba naman 'tong si Ate Tone! Ginamit pala yung Unnoticable Walk technique! Hay naman... Unfair!

Umalis sila sa tinataguan nila at pumasok sila. "S-Sorry po, Ma'am Kate." Pagkautal ni Ate Mi-Mi. "Why are you apologizing?" Tanong naman ni Ma'am Kate. "I'm just asking why you guys are late." Dagdag pa ni Ma'am Kate sa sinabi niya, sabay tawa.

Throne High School Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon