( Zemi's POV )
Tapos na ako kumain at kinuha na yung bag ko.
"Anak, yung Papa mo oh." Sabi ni Mama na binigay sakin ang cellphone. Ano nanaman ba yung kailangan ni Papa, baka ma-late pa ako eh.
"Bakit 'pa?"
"Anak, Hindi ako makakapunta ngayong pasko."
"Bakit naman? Hindi ba't promise mo na dadalaw ka sa pasko? Hindi ka na nga nakakadalaw mula nung umalis ka eh."
"Every year dumadami kasi yung mga problema dito. Wag kang mag-alala, mag-papadala nalang ako ng regalo diyan para sa inyo. Okay ba yun?"
Napa-buntong hininga nalang ako. "I guess.."
Binalik ko yung cellphone kay Mama at tumakbo agad papunta sa school. Ano ba naman, it's been 9 years. Ngayon hindi pa siya pupunta.
NAKAKAINIS!
---
"Kuya Zemi! Kuya Zemi!", Bigla nalang tumakbo si Chain papunta sakin at may pinakitang poster. "Ano ba nanaman yung kailangan mo.", Bad mood na nga may dagdag pa. "Ako yung piniling magde-decorate ng Christmas Party natin dito sa school! Isn't that awesome! Pero, hindi ko naman kaya mag-isa, so kailangan ko ng tulong niyo nila Ate May, Kuya Timmy, Ate Mi-Mi, at si Ate Tone!"
"Ah, yun lang ba? O sige."
"Naku... Kuya Zemi, May sakit ka ba?" Sabi niya habang nakatingin sakin na para bang nakakita ng multo. "Hah? Pano mo naman nasabi na may sakit ako.", Kung may sakit ako, edi sana nasa bahay parin ako. Si Mama kasi nagiging masiyadong worried kapag may sakit ako. "Wala lang. Feel ko lang."
"Uy Chain! Anong klasing mga Christmas Decorations pa yung pwedeng idagdag."
"Bakit parang excited ka?"
"Wala lang. Hindi kasi masaya kapag sa bahay ako nag-celebrate eh. Weird kasi."
"Eh, nasaan na pala sila Tim, May, At Tonya."
"Nasa loob ng school nagde-decorate habang yung mga estudyante nasa loob ng mga classroom nila."
---
( May's POV )
"Ilagay mo yung mga ito kung saan bagay." Sabi ko kay Zemi and handed over the box of decorations. He shrugged at ginawa nalang yung sinabi ko.
"Ang weird niya ngayon noh?", Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Chain at tinuloy yung ginagawa ko. "Ate May, sa tingin mo ba bibisitahin si Kuya Zemi ng daddy niya?" Sabi ni Chain worriedly. "I don't know. Pero, sa tingin ko he will visit him. It's been a long time."
"Sana nga. Miss na miss na kasi ni Kuya Zemi yung daddy niya. Pero ikaw, bibisitahin din ba kayo ng big sister mo ngayong pasko?"
I stopped for a moment. "She's gone."
"A-Ay! S-Sorry Ate May! Hindi ko na dapat pina-alala pa sayo!", Miss ko na rin si Ate. Last year pa siya namatay pero hindi ko na sinabi sa mga kaibigan ko. I kept quiet about it. I remember my memories with my big sister, she was the best sister anyone could ever have. Pero ngayon, wala na siya.
"Okay lang. I moved on anyway."
---
( Mia's POV )
"Ano sa tingin mo mas magandang kulay, yung red o yung green?"
"I think the red one looks much better." Sabi niya habang nag-susulat o kaya nagdo-drawing sa isang bond paper, hindi ko alam kung anong ginagawa niya, kaya tinanong ko nalang, "Ano ba kasi yung ginagawa mo diyan, hindi mo nalang ako tulungan isabit 'tong mga parol."
"Sorry, just busy."
"Busy sa ano?"
"Nothing."
Hay naku.. Common sense. Nakikita ko naman na may ginagawa siya eh dini-deny niya pa na may ginagawa siya. Ano ba naman 'tong si Tim. "Uy! Ate Mi-Mi! Tignan mo yung nakita ko!" Pag-takbo papunta sakin ni Chain na may binubuhat na dalawang kahon. "Ano yan?"
"Nakita ko sa basement! Na-curious kasi ako eh, ang ganda talaga nung mga portraits na ginawa nung mga estudyante noon!"
"Hah? Portraits?", Pwede namin siguro gamitin yun para sa Christmas Party Decorations pero kailangan muna namin ng pahintulot kay Ma'am Kate. Baka naman kasi sikreto nilang tinago yung mga portraits. "Patingin nga.", Binuksan ko yung kahon at tinignan kung ano yung mga litrato sa loob.
Mga self portraits?
"That's my mom right there." Pag-lapit ni Tim at tinuro yung self portrait ng mommy niya. "Ang ganda ng pag-paint nila, mas maganda pa kaysa dun sa mga 4 years ago." Tinignan ni May ang mga litrato at tinignan yung likod nito.
"Bakit mo pa tinitignan sa likod, Ate May?"
"Just looking kung may signature."
"Chain, Mia, kailangan daw kayo kausapin ni Ma'am Kate." Biglang pag-dating ni Quona. Siya yung Class President sa classroom namin. Kinuwento na ni Tim yung tungkol sa personality niya, mabait daw siya pero palaging seryoso. Parang siya lang eh.
"Tungkol saan daw?" Tanong ko.
"May task daw na ibibigay sa inyo."

BINABASA MO ANG
Throne High School
ActionINTRO Isang school. Assassin, Mafia, or Killer? Kung anong pipiliin ko, hindi ko rin alam. Pero noong nakapasok na ako sa school na ito. Buong buhay ko nagbago. Pero nang nakilala ko sila, hindi ko inasahan na ganito ang trato nila sa akin. Isang es...