In Zemi's Place - CHAPTER 16

37 2 0
                                    

( Chain's POV )

"T-Teka, hindi ko na-realize na pupunta pala tayo kari Zemi! Ate May naman! Hindi ako ready!"

Actually, kasama ko si Ate May ngayon. Naisip namin mag-shopping muna bago mag-ayos at mag-training sa place nila Zemi. Eh hindi naman yun ganun kadali! Hindi pa ako nakapunta sa bahay nila noh! Nakakahiya!

"Kanina excited na excited kang mag-training kari Zemi. Ngayon ayaw mo na? Ano ka ba naman. Hindi naman ito date eh.", Tama si Ate May! Pero... "Hindi naman sa ganun eh! Ang problema lang kasi.. "

"Kasi?"

"Basta! Alam mo na yun!"

"Hay naku.."

---

"Ate May? Okay ka lang ba?", Kanina pa kasi siya naka tingin sa labas ng bintana. Tumingin din ako sa labas ng bintana pero wala naman kung sino sa labas. "Hah? Anong ibig sabihin mo? I'm perfectly fine."

"Mag-bihis ka na nga! Tinatakot mo ako eh! Baka mamaya may sakit ka!"

"Oo na. Ikaw na ma-una."

"Tulungan mo ako mamili ng damit!"

"Kailangan pa ba?"

"Fashion Designer yung mommy mo diba? May fashion sense ka rin tulad ng mommy mo."

"Alright, fine. Patingin muna lahat ng damit mo."

( May's POV )

I looked at all her outfits; maganda naman yung mga damit niya, pero parang pang-action movie naman yung mga damit niya. May mga simpleng damit din siya, and i think she'll go perfectly well with these.

"Ito nalang yung suotin mo."

"Hah? Bakit naman 'yan? Wala na bang iba? Hindi kasi ako sanay mag-suot niyan eh."

"Basta. Palitan mo nalang yung damit mo nito. Mas alam mo pa sakin, diba gusto mo ako pumili ng damit mo? Edi ito na. Wag ka na kasi mag-reklamo kung hindi mo pa naririnig ang opinion ng iba."

"Sige na nga. Basta ikaw yung nag-sabi na ito yung suotin ko hah."

"Trust me."

---

( Chain's POV )

"Sigurado ka ba talaga dito Ate May?"

"Di na uso yung backing-out."

"Wehh? Di nga?"

"Hayaan mo nalang. Ang ganda mo nga diyan eh. Wala naman paki ang isang lalake kung ano yung suotin ng isang babae pero, dapat alam  ng babae ang lugar na nasaan siya sa dress palang para naman magandahan ang lalake sa kanya."

"Ah.. Ganun pala yun?"

"Nakuha ko lang yun sa mga books. So, sigurado ako na totoo talaga yun."

"Sige! Naniniwala ako sayo!"

Kumatok kami sa pintuan ng bahay nila Zemi. Pero, imbis na siya yung mag-bukas ng pinto, yung kapatid niyang si Joshua.  "Hi Joshua! Andito ba si Zemi pati yung iba naming kasama?"

"Ibang kasama?"

"Oo. Sila Ate Mia, Ate Tone, at si Kuya Timmy. Bakit? Wala pa ba sila?"

"Ahh.. Yun ba? Hindi ko alam eh. Ang ganda mo pala today Ate Chey!"

Napa-blush ako. Ano ba naman 'tong si Joshua. Oo, palagi kong naririnig na maganda ako, pero sa mga admirers ko lang. Si Kuya Zemi nga, palagi akong sinasabihan na isip bata. "Ikaw naman Joshua. Nambola ka pa talaga."

Throne High School Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon