( Mia's POV )
"Nagugutom na talaga ako... Papatayin yata nila ako sa gutom eh!..."
Diyos' ko, nagsalita pa ko eh wala naman akong kausap. Siguro konti nalang mababaliw na ako. Ang lamig pa dito! Parang naka air conditioner lang! Pero, hindi kaya ako sanay kapag naka-aircon, kapag naiinitan lang ako ng sobra, doon ko kailangan ng malamig na place na pwede ako mag-relax. Hindi yung kapag nalalamigan ka na, mas malalamigan ka pa!
Nakakatakot din dito. Parang ilang taon na ba ako nandito? 2000 years? Heh, parang ganun. Noong bata ako, naniniwala kasi ako sa mga haunted house. Naniwala din ako na, kapag tumagal ka sa loob ng isang haunted house, kahit 2 hours, siguro mga 20 decades ka nang nandoon sa loob ng hauned house. Para bang, mas mabilis yung oras sa labas. Parang ibang dimension lang yung napasukan mo.
Pero, back to the topic. Anong oras na ba?! Sino ba kausap ko?! Mamamatay na ako dito!!!!
"There you are!"
Nagulat ako nang nakita ko si Tim. Sa wakas! Teka, ba't mag-isa lang siya? Hay naman... Kailangan niya pa talaga pumunta mag-isa?
"Are you okay? Did they hurt you or something? How are you feeling? Bakit hindi ka nagsasalita?"
"Grabe ka naman. Okay lang ako. Hindi nila ako sinaktan, eh hindi ko nga sila nakita. Kasasabi ko lang na okay ako, wala akong sakit. Nagsasalita na ako eh.", Sagot ko sa lahat ng tanong niya. "You really don't have to answer all that.", Eh nasagot ko na nga, anong magagawa natin? "Alisin mo nalang 'tong tali sakin. Ang sakit eh."
Hindi niya nalang ako sinagot at tinanggal ang tali gamit ang isang kutsilyo.
Tumayo ako at nag-stretch. "I wonder if the others are okay though."
"Teka, may kasama ka pala? Nevermind.. Ba't mo naman sila iniwanan?!"
May kasama pala siya.. Hehe. Peace! Lahat ng tao nagkakamali po!
"I didn't leave them. They stayed themselves." Matipid niyang sagot. "Akala ko nga nakalimutan niyo na ako. Hindi naman ako ganun ka-importante eh."
"Saan yung school mo?"
"Sa Throne High School, malamang."
"Estudyante din ba kami diyan?"
"Oo naman. Ba't mo pa ba kasi tinatanong? Ano naman yung point dun."
"You're our friend and you're our classmate. Why the hell are you not important?", May point siya dun hah. At hindi ko napansin. Hehe. "Sige na. Umalis na kaya tayo dito. Bago pa ako mabaliw."
Lumabas kami sa classroom. Sinundan ko nalang si Tim na para bang may malalim na iniisip. Hindi naman sa nangingialam ako. Hindi talaga siya namamansin hah.
---
Long Silence Walk. Para bang horror movie. "Bakit ba parang down ka diyan? May problema ba?" Sabi ko, breaking the Long Silence Walk. Kanina pa kaya kami tahimik sa buong pag-lakad. Hindi ko nga alam kung nasaan na kami eh! Alam ba ni Tim kung saan pumunta?
"Nothing. Just thinking about stuffs."
"Pwede bang mag-stop muna tayo? Ang sakit na kasi ng mga paa ko eh."
"I guess."
Sumandal ako sa pader at bumuntong-hininga.
"Kailangan ko ba talaga sumali?"
"What do you mean?"
"Sa High School VS High School."
"Well, yeah. You need to, of course. You're really not that bad when it comes to these kind of things."
BINABASA MO ANG
Throne High School
ActionINTRO Isang school. Assassin, Mafia, or Killer? Kung anong pipiliin ko, hindi ko rin alam. Pero noong nakapasok na ako sa school na ito. Buong buhay ko nagbago. Pero nang nakilala ko sila, hindi ko inasahan na ganito ang trato nila sa akin. Isang es...