( Mia's POV )
"Ugh..... Ano..? Eh?"
T-Teka, nasaan na ba ko? Wag n'yo sabihin na isa nanaman 'to sa mga training kung saan kailangan mo mag-escape. D'yos ko po..! Tinatamad na nga ako eh! Atsiyaka, mahigpit yung pag-tali nila sakin hah. Paano naman kaya ako makaka-takas dito.
Parang hindi ko naman kilala 'tong room na 'to. Sigurado ako na ibang school ito. Nasa loob ako ng classroom na hindi kamukha ng mga classroom namin . Mas weird pa nga kaysa sa classrooms namin. At parang hindi naman 'to isang training kasi dati nung nakikipag-laban ako kay... Caymi ba yun? Akala ko kasi dati na training lang. Pero, hindi na yun importante. Ang importante ay makatakas ako dito. Hindi ko nga alam kung saan ito. At suot ko parin yung jammies ko! Hay naman.. Ang dilim pa nga dito eh. Buti nga maaga ngayon. May nanggagaling lang na ilaw sa bintana.
"Hello?... May tao po ba dito?"
Walang sumagot. Sigurado ako na iniwan ako dito mag-isa. Pero madali akong makakatakas kung basta iiwan lang nila ako dito. Sigurado din ako na may mga CCTV camera's dito. May mga guards yata sa labas, pero natutulog lang. Parang yung mga nasa movies lang. Dapat ganyan din yung mga iba diyan. Manood ng mga action movies para marunong din sila tumakas kung sakaling ma-kidnap sila. Maganda din naman yun diba? Makaka-panood ka na ng magandang movie, may matututunan ka pa!
Ngayon... Paano nga ba ako makakatakas dito?
---
( Zemi's POV )
"Cant you drive any faster? You've been driving for 3 and a half hours."
"Relax ka lang Kuya Timmy! Makaka-punta din tayo dun! Nag-short cut nga ako eh!"
Ayan nanaman si Chain. Kung magiging kaibigan mo si Chain, dapat tandaan mo na kapag tungkol sa pagpunta sa isang lugar, hindi siya magaling diyan. Magaling siya sa pakikipag-laban, pero kung tungkol ito sa lugar na pupuntahan kasama siya, dont make her drive the car.
"Alam mo ba kung saan tayo papunta?" Tanong ni May. "Oo naman. Siguradong sigurado ako na tamang-tama ang dinadaanan natin--"
"JESUS CHRIST"
Bigla kaming nabangga sa isang puno na humaharang sa daan. "Tamang tama pala hah? Next time, mas maganda kung tumingin ka muna sa dinadaanan mo. Buti nga hindi tayo napahamak eh.", Sermon ko kay Chain. "Sorry na! Oo na! Kasalanan ko na! Hmph!"
"Where are we anyway?", Tumingin ako sa paligid. "Andito na pala tayo eh!"
"Ano?", Oh. Andito lang pala yung UBHS. Yung usual parin yung itsura ng school nila, hindi nagbabago. "I guess tamang tama nga yung daan.", I take back what i said before. "Sa back door nalang tayo dumaan. There's a trap at the front."
---
"Why did you even bring a make-up kit?"
"Its called, style. Mag-hantay lang kayo diyan, mabubuksan ko naman 'to eh." Sagot ni May while picking the lock. "Ang laki pala ng school nila! Mas malaki pa sa school natin." Sabi naman ni Chain habang pinagmamasdan ang laki ng school. "Wag mo nang i-admire pa yung enemy's school." Sabat ko habang naka-cross ang arms ko.
"Ano ka ba Kuya Zemi! Ang tawag dito, kaplastikan!"
"Sa tingin mo, sa ugali mong 'yan magmumukha kang plastik?"
"Eh sa itsura ko?"
"Pwede rin. Maganda ka. Pwede ka rin maging mukhang maldita dahil maganda ka."
Bago pang mag-salita si Chain, biglang tumunog ng 'click' ang pinto. "Okay, bukas na." Sabi ni May. "Grabi ka sakin Kuya Zemi. Maswerte ka lang hindi pa kita pinatulan." Napa-buntong hininga nalang ako at hindi nalang sumagot. "I'll go in first.", Pagbukas ni Tim sa pinto at naunang pumasok. Pumasok na din kami at hindi na rin sinarado ang pinto para merong 'escape door'. Malay ko ba kung anong tatawagin dun. Hindi talaga ako marunong kapag tungkol ito sa mga pangalan kaya, wag niyo na ako sisihin.
---
"I dont think there are any lasers here.", Pinagmamasdan ni Tim yung paligid at tinitignan kung mayroong mga traps.
"May plano sila."
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Tone out of nowhere. "Paano ka naman nakapunta dito?!"
"Wag kang sumigaw. Sinundan ko lang kayo. Hindi niyo ko sinama eh. Not to mention, hindi niyo rin ako ginising." Sagot pa niya. "Edi sorry na. Nakalimutan namin eh. Kaya, wag ka nang magalit pa." Sagot ko na rin sa kanya.
"But as i was saying, sa tingin ko may plano sila. Porket ba, walang traps, wala ng plans?" Sabi niya habang tumitingin sa cellphone niya na para bang may hinahantay na message. "From what i heard here, ang mga estudyante dito ay palaging nagtatago at nagre-ready ng surprise attack. Kaya dapat maging alerto tayo in all times."
"Hindi na yun importante. Ang importante ay, matakas natin si Ate Mi-Mi. Baka nga hindi pa siya kumakain eh! Huwaa!! Baka mamatay siya sa gutom!"
Hay naku.. Si Chain kung mag-alala masiyadong O.A. Puro negative yung iniisip. Wala na bang positive? Kaya nga inimbento yung salitang 'Positive' para hindi masiyadong kabado sa mangyayari pagkatapos.
"Hindi mangyayari ang pinaplano niyo."
Napatingin ako sa babaeng may berdeng buhok, mukhang hindi siya nag-ayos at nakangiti lang siya na para bang abot na sa tenga at, kinakagat pa ang kanyang hintuturo. "Who is she? I've never seen her before."
"Shey. Shey Valerie. Bakit niyo po itatakas si Mia? Masaya naman po si Kuya na nandito si Mia. At magiging masaya din po si Mia kasama si Kuya." Sagot niya na nakangiti parin. Parang si Chain lang, pero nagiging mukha na siyang baliw eh. Ngayon ko lang nalaman na tumatanggap pala sila ng mga problema sa utak. No offense.
"I guess that we'll have to fight her."
( Chain's POV )
"I guess that we'll have to fight her"
Tumingin ako kay Kuya Timmy. Heh. Sa tingin ko hindi na kailangan yung we para dito. "Tumakbo nalang kayo at ako na bahala dito." Sabat ko. "What? Are you sure?"
"Pero Chain--"
"Basta, umalis na kayo. Kailangan kayo ni Ate Mi-Mi. Lalo ka na.", Tumingin ako kay Kuya Timmy na tumango nalang ng serioso. "Good luck." Tumakbo na sila sa kabilang daan. Pipigilan sana sila ni Shey, pero hinarangan ko siya bago pa siya maka-takas. "Ako muna yung harapin mo."
"Kung yun po ang gusto niyo, sige. Death battle po ba?"
"Huwag na. Ayokong may tumalsik pa ng maraming dugo at ako pa yung sisihin."
"Sige po."
Ako na ang nagsimula sa pag-atake pero umiwas siya. Nilabas ko ang kutsilyo ko na tinatago ko simula kanina at tinamaan siya gamit ito sa pisngi na naging maliit na sugat sa mukha. Sayang, soft pa naman yung pisngi niya. Pwede kaya siya maging model! Pero, wala nang oras para dun!
Nilabas niya naman yung baril niya at sinimulang pagbari-barilin ako. Umiwas naman ako, pero unfair naman eh! Akin kutsilyo lang tapos sa kanya baril! Pero, alam niyo naman yung mga sabi-sabi sa facebook, mas nanalo yung may kutsilyo kaysa sa may baril! Ganun 'yon! Kaso lang, ang problema kasi ay ayoko siyang patayin. Pinagbabawal yun sa school namin. Eh yung UBHS, pwede yun. Wala na kaming magagawa kasi pwede yun sa kanila. Unfair din naman yung ganun diba?
Na-ubusan na siya ng bala at binitawan ang kanyang baril. Sumugod siya sa akin na nakangiti parin at pinag-susuntok at pinag-sisipa ako. Pinigilan ko ang isang suntok niya at ini-head butt siya making her fall sa sahig. Sinipa niya naman yung paa ko habang naka-higa pa siya sa sahig, at muling tumayo. Tumayo na rin ako.
Tumigil muna kami at tumingin sa isa't isa. Nagka- eye contact muna kami ng ilang minuto.
Umupo siya sa sahig, at sinabing, "Hindi naman po namin balak siyang patayin. Ang gusto lang po namin, ay makilala siya ng personal."
"Sa tingin mo ba ganun ang pagkilala sa isang tao ng personal?"
"Hindi po. Sinasabi ko lang po ng kunwari."
"Bakit hindi niyo nalang siya pakawalan? Wala naman siyang kasalanan sa inyo, at bago palang siya sa klase namin."
"Nakaka-inip lang po ang buhay.", Muli niyang kinagat ang index finger niya, "Kaya, kailangan namin ng isang taong mapapaglaruan."

BINABASA MO ANG
Throne High School
AksiINTRO Isang school. Assassin, Mafia, or Killer? Kung anong pipiliin ko, hindi ko rin alam. Pero noong nakapasok na ako sa school na ito. Buong buhay ko nagbago. Pero nang nakilala ko sila, hindi ko inasahan na ganito ang trato nila sa akin. Isang es...