Jiji VS Leyvi- CHAPTER 19

29 2 0
                                    

( Satoshi's POV )

"Sana naman maging maganda laban today. " Sabi ni May habang umiinom ng milkshake. "Marami kasing mga maaarte diyan." Dagdag niya pa habang tumitingin sa isang babae na taga- UBHS.

"Wow. Bad mood today si Ate May hah! What happened ba?" Tanong ni Chain sa kanya. "Well, a certain someone pulled a prank on her on the way here which is one of the twins in UBHS." Sabat ni Tim. Prank lang naman pala bakit pa kailangan magalit. "Sana nga siya yung maging kalaban ko ngayon eh." 

"You'll never know." Sabi ko. 

"Hello, Hello, Hello! And welcome to High School VS High School, and i am your host for today my name is MISS V! Today is a fresh day so grab your weapon and start your engines, today is the day to beat up those other HIGH SCHOOL SUCKERS! .....No offense, joke lang po yun!"

Everyone laughed pagkatapos yun sabihin ni Miss V. Comedian siguro comedian siya noon. Yung facial expression niya kasi nakakatuwa. Pero, knowing that she has a perfect body kung titignan, siguro model siya.

"Huy! Satsu! Okay ka lang ba diyan? Nakatunganga ka nanaman diyan hah! Baka mamaya ma-paralyze ka!" Biglang sigaw ni Chain sakin. "Shush. Wag ka ngang maingay diyan. Masiyado kang O.A." Sagot ko sa kanya. "Sorry naman! Napa-shout lang!"

"And here we are today! Ready to see our 2 high schoolers na lumaban ngayon,today, and tomorrow!"

"Hindi ba't tinagalog niya lang yung 'today' sa 'ngayon'?" Bulong ni Chain. "Ganun nalang talaga." Sagot ni May.

( Mia's POV )

Nag-spin na ang dalawang slot para i-decide kung sino ang maglalaban today.

Nag-stop ito, revealing Jiji from UBHS at ang babaeng nangangalang 'Leyvi' from Black&White HS. Si Leyvi ay isang babae na maganda, mukhang popular. Short hair, blonde, at mukhang masikip ang outfit niya.

Si Jiji, relax relax lang habang pumupunta sa battle field. Hay naku.. Mukhang confident siya, kapag confident na confident ka sa isang laban, mananalo ka! Kasi may tiwala ka sa sarili mo! Pero minsan natatalo ka, kasi masiyado kang mayabang sa pagtitiwala sa sarili mo! Ganun 'yon!

( Chain's POV )

"3... 2... 1! START!"

Umatake silang dalawa ng sabay. Si Leyvi isa siyang Mafia. Ang Mafia ay isang taong professional sa pag-atake, may dala-dalang weapon palagi, at isang masamang tao.

Pero, si Jiji ay isang Killer. Mas masama pa ito sa Mafia. Pinapatay kung sino ang gusto patayin. Ang Mafia ay pinag-iisipan kung sino ang papatayin. Ganun talaga ang buhay!

Nagiging boring na nga yung fight eh! Kasi patuloy-tuloy lang sila sa pag-atake at pag-dodge. kahit mukhang badass ang fight nila, parang hindi ako nae-entertain eh! Hay naku.. Gumawa naman sila ng move na hindi natin ini-expect! Kailangan yung may surprise attack o whatsoever!

Biglang napatumba ni Leyvi si Jiji. Hala? Tapos na? Yung lang? Ano ba naman!!!

Tumingin ako sa mga ibang taga- UBHS na naka-ngiti. Nakakatakot sila.. Pero parang alam nila kung ano yung sunod. Diyos ko po! Ano kayang mangyayari sunod!

"Congratulations Black&White High School! Panalo kayo ngayong araw na ito--"

"Sandali lang po!"

"...Tumayo siya! I repeat, Tumayo siya!" Sigaw ko. "Shhh! Pipe down!" Suway sakin ni Kuya Timmy.

"Sorry! Hindi naman kasi ako natapos eh! Geez, masiyado naman kayong nagmamadali!" Sabi pa niya. "E-Eh!?"

Throne High School Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon