Throne High School - ENDING

21 1 0
                                    

Mia Wendy

Isa sa mga estudyante sa Throne High School na may potensyal para maging isang Assassin, Mafia o Killer.

May mga kaibigan siya sa Throne High School na ayaw niyang mapahamak. She's not a professional. Pero she will do her best para hindi na mauulit ang nangyari sa kaibigan niya.

" After the end. There's always a new beginning. "

Napatingin si Mia sa biglang nagsalita. Ngumiti siya at matipid na sinagot,

"I agree."

Tim James Westly

Palaging masungit, pero sobrang bait. Is a Mafia. Kaya niyang isakripisyo ang kanyang buhay para lang sa kaniyang mga minamahal sa buhay. Maraming mga tao na nawala sa kaniyang buhay, pero ngayon hindi niya na ito papayagan na maulit.

"Let's go back inside. It's cold out here.", Tumango na lamang si Mia at sumunod na pumasok sa loob ng room. 

"Uy Mia, patulong naman sa project. Ang hirap eh!"

Zemi Forester

Palabiro, gwapong gwapo sa sarili at mahina rin kapag tungkol sa tests, assignments, at projects. Pero siya'y matulungin, at mabait. Medyo lang. Isa siyang Killer. In his past, many things didn't really go well. Pero tinatago niya lamang ang mga ito na may kasamang ngiti.

"Hah?? Bakit ako?"

Napatawad na ng Throne High School ang Unicorn Blood High School. Malaki man ang kasalanan nila pero may punto talaga na kailangan na nilang patawarin sila. Imbis na, katulad nga ng mga ibang cliché telenovela, seeking revenge is the best option.

"Ano ba naman 'yan, Zemi. Ngayon mo palang gagawin. It's already due tomorrow and there's a possibility na makatulog ka pa habang ginagawa 'yan."

May Shafina

Medyo may pagka-perfectionist. Masungit, at palaging galit. Is a Mafia. Also, dahil sa mga kaibigan niya na nakilala niya sa Throne High School, nagbago ang buong pagkatao niya. Well, i wouldn't say buong pagkatao. Let's say nabago ang pagtingin niya when it comes to friendship. At dahil ito sa isang tao na nakilala niya noong nag-transfer siya sa Throne High School.

"Kaya nga nagpapatulong diba? Sheesh. Ang harsh mo naman sakin. Bakit yung sayo tapos mo na?"

Napatawa nalang si Mia. "O tama na. Mas mabuti pang magtulungan nalang tayo kasi hindi ko pa rin nagagawa yung sakin eh. Hehe.."

"Same. Busy kasi ako eh."

Tonya Zoella

Chismosa, Isang Assasin, tingin sa sarili savage. Pero in the inside, she's always nervous. Minsan hindi alam kung tama ba talaga ang ginagawa. Palaging nagkakaroon ng existential crisis. Mabait naman siya at loyal sa kanyang mga kaibigan, dahil iniintindi niya na marami silang pinagdadaanan kaya she stays quiet everytime na may point na sobrang seryoso ang lahat at support nalang. Buti pa siya noh?

"Well.. I also have to admit di parin ako tapos."

"Tignan mo na. Ikaw rin naman pala."

"Pfft. Di ko kasalanan na kailangan kong linis yung library."

"Bakit mo pa kasi nilinis?

Satoshi Ansatsu

President sa classroom of their section. Kasama rin siya sa Student Council. Kasama niyang president si Quona sa classroom nila dahil parehas na parehas sila ng votes. Isang killer. Dahil sa last name niya, hindi siya isang Assassin. Hindi masiyadong marami ang nakakapansin kay Satoshi dahil hindi naman siya ganun ka-social. Mostly kasi, si Quona nalang palagi. Pero dahil sa isang kaibigan niya, na sobrang hyper. Medyo nagiging open din naman siya.

"Para tumaas naman grades ko sa Technology and Livelihood. Medyo bumababa na kasi eh. Pero i guess i have to raise my Social Science for this project too. Aish.."

" 'Yan napapala ng masiyadong masipag."

"Masipag mo mukha mo. Atleast siya nga tina-try niya best niya. Eh ikaw?"

"Ay lumalaban yata si Zoella sa isang poging katulad ko."

"Saan banda?"

"You guys are annoying. Gawin niyo na nga yung project."

"Biglang nagtatagalog si boss ah. Nice one. Hehe.", At tumawa nalang ang lahat.

Chain Adams

Loko-loko, hyper, mapalakaibigan, wala sa mundo, at higit sa lahat, mapagmahal. Is a half-assassin and half-killer. Mapagmahal sa mga kaibigan, na parang sariling pamilya. Mawala man siya sa mundong ito,

Walang makakalimutang alaala na binigay niya sa mga kaibigan niya dito.

"Hay naku... Mukhang masaya yung ginagawa nila! Sayang naman oh!"

---

E N D

After the end, there's always a new beginning.

Throne High School Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon