The Battle Begins - CHAPTER 17

28 2 0
                                    

( Mia's POV )

"Ate Mia?"

"Bakit nanaman?"

"Galit ka ba sakin?"

"Hah? Pano mo naman masabi 'yun? Alam kong palagi akong naiinis sayo, pero hindi ako magagalit sayo. Ano ka ba."

"Wala lang. Marami kasing umiiwas sakin."

"Hay naku. Pabayaan mo sila. Basta alam ko na maganda ka kasi iniiwasan ka nila. Nasisilaw sila sa cute na cute mong mukha.", Totoo naman eh! Mana kaya 'yan sakin. "Basta, nandito si big sister para hindi mo na feeling na iniiwasan ka hah? Sige, pumasok ka na sa school. Papasok na rin ako eh."

"Salamat Ate!" Sigaw niya, sabay takbo palabas. "Hay naku, Mia. Kailan ka pa ba hindi nagalit sa kapatid mo? Eh halos araw araw kayo nag-aaway na para bang mga bata."

"Mommy naman eh! Hindi naman kami palagi nag-aaway noh!"

"Maniwala ako sayo. O sige, umalis ka na rin para maaga ka maka-punta sa school."

"Okay!"

( Chain's POV )

"Ate May. Okay lang ba 'tong suot ko?"

"Lahat naman okay sayo eh. Atsiyaka, today is the day para makipag-fight tayo sa mga ibang private schools. Okay lang 'yang suot mo."

May sasabihin pa sana ako nang biglang dumating na si Ate Mi-Mi. "Andito ka na pala Ate Mi-Mi!"

"Late ba ako?" Tanong niya. "Nope! Just in time lang! Andito na rin sila Kuya Zemi at Timmy pero may aayusin daw sila. Si Ate Tone naman kausap si Kuya Satsu."

"Satsu?"

"Ay oo nga pala, hindi mo pa siya kilala. Siya yung president natin sa classroom diba? Satoshi Ansatsu yung full name niya. Mas tinatawag siyang Satoshi, at Sato, pero mas gusto ko siyang tawaging Satsu. Para bang shortcut ng full name niya."

"Pati ba naman pangalan nire-renew mo pa?" Sabat ni Ate May. "Oo naman! Para may bago! Hindi yung usual usual na 'yan!"

"O sige na. Ikaw na. Push mo 'yan teh."

May na-notice ako. Ang ganda today ni Ate Mi-Mi! Clean na clean yung itsura. Usually kasi, palaging naka-lawlaw buhok niya kasi maliit lang. pero ngayon, naka-pony tail siya, ang cute cute niya! "Siguradong sigurado ako palagi ka niyan tititigan ni Kuya Timmy!"

"Hah?! Ba't bigla mo naman siyang binanggit? At anong ibig-sabihin mong tititigan? Papatayin niya ba ako?" Sagot niya na para bang na-shock. "Wag ka ngang mag-isip ng ganyan Ate Mi-Mi! Ang sinasabi ko lang dahil sa itsura mo. Ang ganda mo kaya!"

"Kahapon ikaw, ngayon si Mia. Kailan pa ba tayo hindi naging maganda?"

"We're back. We already fixed all the stuffs that are needed to be fixed. Wag niyo na tanungin kung ano.", Si Kuya Timmy pala. "May tinatago ka noh?"

"Nevermind. I'm a little tired though."

"Natulog ka ba?"

Nag-shrug lang si Kuya Timmy bilang sagot. Hindi niya alam kung natulog siya o hindi? Ina-ano ko ba si Kuya Timmy! Tinatanong ko nang maayos tapos ganun yung sagot niya. Hindi ako marunong sa body language na 'yan hah!

"Asan na pala si Note?"

"Sino si Note?", Bagong kaklase ba? Wala akong kilalang Note yung pangalan eh! "Pinagbali-baliktad ko lang yung pangalan ni Tone."

"Ganun ba? Andoon na siguro sila sa battle field."

"May battle field pa pala?", Tanong ni Ate Mi-Mi. "Of course! Ganon talaga kapag may battle na nangyayari. Dinadagdagan mo lang ng field!"

Throne High School Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon