"HAHAHAHA! Bakit mo naman sinabi na he's not good in bed? Bakit? nag-sex na ba kayo? Haha!" Tanong ni Bea kay Dennise. They were walking towards the seaside.
"Uhhhm hindi" nahihiyang sabi ni Den. "Pero kahit na. Nakakainsulto naman sa lalaki yun dba?" dagdag pa ni Den.
"Yea yea" sagot ni Bea, dismissing the topic. "So, little miss two timer ka pala Ate." Bea just smirked at Den.
Pinanlakihan naman ito ng mata ni Den "What did you just call me?"
"Uhhhm. Two timer?" sagot ni Bea.
"San na tinapon ni lord yung respeto mo sa akin ha!"
"At least, I'm telling the truth. Bakit? Guilty?"
Napaisip si Den. "Yeah, you're right. I'm guilty of loving two persons pero I don't consider it two timing, di ko naman sila pinagsabay."
"Okay. Point taken" sagot ni Bea.
They were walking and walking hanggang sa natanaw na ni Dennise ang ice cream kart ni Mang Danny.
"Mang Danny!" sigaw ni Den sa matandang lalaki. Naiwan si Bea sa likuran niya.
Mang Danny's eyes grew small. He's trying to recognize the person who's calling him. When he recognized the person he smiled in zest "Dennise!" sigaw ni Mang Danny na kumakaway kaway pa kay Den.
"Mang Danny kumusta po kayo?" tanong ni Den habang hinahagod ang likod ni Mang Danny.
"Eto Den. Okay naman. Matanda na. O sino naman itong kasama mo?" he paused looking at Bea intently "Si Alyssa na ba yan? Natuloy ba yung pangarap niyong dalawa ha? Mga Doctor na ba kayo?" tanong ni Mang Danny.
Den smiled and looked at Bea. "Ikaw talaga Mang Danny. Ang labo na talaga ng nata niyo. Si Bea po yan kaibigan ko. Bea si Mang Danny, Papa namin ni Ly." Dennise winked at Bea.
"Ahhh. Hello po Mang Danny, Bea po. Kaibigan ni Ate Den." She waved her hand.
"Pasensya ka na hija. Akala ko si Alyssa ka eh. Hawig mo kasi tindig niya."
"Okay lang po yun. hehe"
"Mang Danny pinapapunta ko po secretary ko rito para po hanapin kayo. Di niyo naman po daw siya pinapansin. Kapag di naman ako busy at pumupunta rito di ko naman kayo maabutan." sabi ni Den.
"Di lang siguro talaga meant to be, anak." sabi ni Mang Danny.
"Pacheck ka na po sa akin Mang Danny. Tumatanda ka na rin kailangan mong magpacheck up."
"Den, ang bata bata ko pa. 64 pa lang ako. Malakas pa. Wag kang magaalala sa akin. Pangako, sayo ako unang lalapit kapag mai-istroke ako hahaha"
"Hindi naman po yun nakakatawa" sabi ni Den. She frowned.
"Anak naman. Nagloloko lang ako eh haha"
"Sige po Manong. Since ayaw niyo naman po ng tulong ko. Papakyawin ko na lang yung ice cream mo. Gusto ko rin kasi na matikman ni Bea yung signature choco-ube with chili icecream combo niyo"
Bea's went wide at what she heard. Chocolate mixed with ube tapos may sili pa. How in hell would that taste like sabi ni Bea sa isip niya.
"O sige sige ba" Kumuha na si Mang Danny ng cone at nilagyan ng ice cream. Binigay niya naman ito kay Bea.
Bea examines the icecream. Mukha pa nga lang ng icecream ang weird na.
"C'mon Bei. Don't be a baby. Masarap yan" sabi ni Den while teasing Bea. She's currently eating her ice cream too.
BINABASA MO ANG
Take Me to Church
FanficThe wind howled through the window. The girl sat huddling her knees waiting for the storm to be over. Another day has passed; another day should be faced with total equity. She seemed too caught up in this routine. Money, fame, luxurious life, she w...