Flashback (Fourth Year College Part II)
Alyssa smiled at what Dennise said...
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tok! Tok! Tok!
Rinig ni Dennise at Alyssa na may kumakatok pala sa glass door ng museleo.
"Ma'am Dennise, ikaw po ba yan?" sabi ng lalaki sa labas ng pinto. Napatayo naman ng tuwid sina Aly at Den tila nahihiya sa kamuntik na nilang paghahalikan.
"Uhhhm. ahhh. Opo." sabi ni Den at agad na naglakad papunta sa glass door. Naiwan naman doon si Alyssa na ngingiti ngiti na lang habang kinakamot ang ulo niya.
"Mang Danny!" sigaw ni Dennise sa lalaki na nasa harap niya.
"Den, anak. Long time no see ah? Kumusta ka na?" sabi ni Mang Danny.
"Eto. Okay naman po. Kaibigan ko po pala si Alyssa. Ly, si Mang Danny. Siya yung caretaker ng museleo"
Aray! Ay, Oo nga pala. Kaibigan lang pala ako. isip ni Alyssa. "Nice meeting you po" sabi ni Alyssa at binigyan ng ngiti ang lalaki habang naglalakad palapit kay Den.
"Ahhh. Ma'am Alyssa, yung kotse niyo po di niyo po ata na-off yung hazard"
"Alyssa na lang po" sabi ni Ly at agad na pumunta sa sasakyan niya para i-off ang hazard light.
"Kumusta po kayo Mang Danny? Yung pamilya niyo po kumusta na?" sabi ni Den.
"Ganon pa rin hija. Inaatake pa rin ng asthma yung anak ko. Di ko na alam anong gagawin sa kanya" malungkot na sabi ni Mang Danny.
Pagako naging Doctor tutulungan kita Mang Danny sabi ni Den sa isip niya.
"Ilang taon na po ba yung anak ninyo?" tanong ni Alyssa na pabalik na kina Dennise at Mang Danny.
"18 na Alyssa"
"Ah ganon po ba? Teka lang."
Agad kinuha ni Alyssa ang wallet niya. Merong calling card doon at sinulatan ni Alyssa ng note sa likod saying,
Tita, charge this one on me :) -Alyssa Valdez
"Eto po. Calling card. Magaling po na Doctor yan. Multiple specializations. Bigay niyo lang po yan sa secretary niya" nakangiting sabi ni Ly.
Habang binabasa ni Mang Danny ang calling card, sumulip naman ng kaunti si Dennise. Nakalagay doon kung saan ang clinic nung doctor at syempre ang pangalan niya.
"Dr. Marjorie Ravena, MD" basa ni Den. Napalaki naman ang mata niya sa nabasa. Tumingin ito kay Ly pero agad na binawi ang tingin niya rito. Napayuko na lang siya. Close talaga yung pamilya nila. How can I compete with that? sabi ni Den sa isipan niya. She was so drown into her thoughts nang mapansin niyang Alyssa grabbed her by the waist pulling Den a little closer to her.
"Ahhh. Ma---Alyssa, di ko matatanggap to. Nakakahiya" sabi ni Mang Danny sabay abot kay Alyssa ng calling card.
"Mang Danny, ayos lang po yun. Isipin niyo na lang sweldo niyo yan sa pamilya ni Den dahil sa pagcacare taker niyo rito" sabi ni Ly, still holding Den.
BINABASA MO ANG
Take Me to Church
FanfictionThe wind howled through the window. The girl sat huddling her knees waiting for the storm to be over. Another day has passed; another day should be faced with total equity. She seemed too caught up in this routine. Money, fame, luxurious life, she w...