Nagising na lang akong nakayakap ako sa katawan ni Calvin habang siya'y nakatingin sa akin na tila ba'y pinagmamasdan ang pagtulog ko.
Sa gulat ay agad akong napabalikwas ng higa at humiga ng tuwid. Ang kaso may sumisigaw ng "For Spartaaaaa" sa pagitang ng hita ko. Agad ko naman itong tinakpan ng unan. Napansin ko ring medyo napatawa si Calvin.
"Normal lang yan, tinakpan mo pa. Meron din ako nyan" sabi nito at ibinuyangyang sa aking harapan ang sariling version niya ng sparta.
"Ulul" sabi ko na lang.
Ilang sandali pa ay bumaba na kami at nag gayak papasok sa school. Pinahiram ko na lang si Calvin ng uniform at underwear at siguradong malelate siya sa klase pag umuwi pa sya para magbihis.
Pagkarating namin sa classroom ay parang artistang pinagkakaguluhan si Benjie. Sino ba naman kasing hindi magugulat diba? Hindi ko namalayang napatagal ang pagtitig ko sa kinaroroonan niya at napansin ko na lang na nakatitig na rin ito sa akin.
Binigyan ko na lamang ito ng isang ngiti sabay upo sa aking upuan. Hindi pa rin talaga ako makagalaw ng maayos pag nariyan siya. Gulong gulo ang isip ay hindi ko namalayang naisusulat ko na ang palayaw ni Benjie sa notebook ko.
"Bentot?" Tanong ni Calvin.
"Huh?" Sagot ko sabay tago ng notebook.
"Sino yang Bentot'?" Tanong nito
"Bentot? Ben10 ang sinulat ko. Ano ka ba Calvin, magpaayos ka na ng mga mata mo. Hahaha" ang pag arte ko. Sana kagatin mo.
"Ah. Pasensya naman" maikling sagot nito dahil nagvibrate ang kanyang phone.
Tinalikuran na niya ako at sakto namang dumating si Krystal.
"Hayy. Ang gwapo ni Chuster talaga!!" Pag bungad nito.
"Wag ka masyadong magpauto dyan. Basketball player yan, mahilig tumira. Sige ka" sagot ko
"Sama mo naman. Iba si Chuster. Sigurado ako. At bakit nagkakagulo dun?" Tanong niya sabay turo ng dalri sa mga nagkukumpulang studyante
"Bentot" ang wala sa sariling sagot ko ng mapansin kong nakatingin sa aking kinaroroonan si Benjie
"Bentot?" Takang tanong ni Krystal.
"Benjie sabi ko" sagot ko naman.
"Ah" sabi niya.
Buong maghapon ay naiilang ang pakiramdam ko dahil tila may dalawang nanpares ng mga mata ang nagmamasid sa akin. Nariyan ang nga titig ni Benjie na animoy sinusubaybayan ang bawat galaw ko. At ang minsang napansin oong pagtitig ni Calvin sa akin. Iniisip ko na lang na baka may dumi ako sa muka. Pero ng manalamin ako ay wala naman.
Maguuwian na ng magpaalam si Calvin sa akin. Speaking of Calvin, maghapon din siyang hindi nangungulit, na nakakapanibago dahik hindi siya ganun. Balak ko sana siyang tanungin kaya lang naisio ko na baka pribado ang kalagayan nya.
"Ge" maikli kong tugon ng sumenyas siya na mauuna na siya.
Mula sa kanyang likuran ay napansin kong bumagsak ang mga balikat niya. Halatang halata na may bagay na bumabagabag sa kanya.
Sa kaiisip ay hindi ko namalayang nasa dulong parte na ako ng eskwelahan. Teka, bat nga pala ako nandito. Kanina lang nasa may gate ako ng school.
Napabuntong hininga na lang ako saka tumalikod upang tunguhin ang gate ng school.
Ngunit nagulat ako sa aking nakita.
"Benj?" Takang tanong ko rito
"Thur" sagot niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Dugtong niya.
Ako mismo hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Kaya ibinalik ko na lang sa kanya ang tanong niya..
"Ikaw, ano rin ginagawa mo dito?" Sabi ko.
"Pauwi na ko tapos nakita kitang papunta dito, nagtaka ako kaya sinundan kita" sabi nito
"Ah" tugon ko ng mapansing madilim na pala ang paligid.
Kaya naman nagsimula na akong kabahan. Naalala ko ang mga kwento dito sa school namin.
Mukang nabanaag ni Benjie sa mga mata ko ang takot, kaya unti unti ay naglakad siya papalapit sa kinatatayuan ko.
"At isa pa, alam ko namang takot ka sa multo. Kaya inantay ko ang pagalis mo sa lugar na to. Eh kaso nakita mo ko. Kaya sasamahan na kita. So anong meron nga dito at bat nandito ka?" Sabi ni Benj.
Napansin kong napakalapit na niya sa akin. Halos dalawang talampakan na lang ang pagitan namin sa isat isa. Ang kaninang takot ko sa dilim ng kapaligiran ay napalitan ng panibagong kaba. Kabang minsan ko ng naranasan. Bahagyang naglakad pa siya papalapit sa akin hanggang magkatapat na ang aming mga muka.
Nagtama ang aming mga mata, kasabay ng pagbuga niya ng mainit na hangin mula sa kanyang mapupulang mga labi.
"Arthur. Best. Turo" malungkot nitong turan.
Damang dama ko ang pangungulila sa bawat katagang lumabas sa bibig nito.
"Anong nangyari satin?" Sunod niyang tanong.
Dito ay nakita kong kumikinang ang malatsokolateng mata ni Benjie. Nagbabadya ng pumatak ang mga luha nito.
"Benj. Hindi ko alam" sagot ko.
Hindi ako handa sa ganitong tagpo. Ilang taon na ang lumipas, matagal na dapat akong nakapagipon ng lakas ng loob sa ganitong pagkakataon. Pero hindi, nawalang parang bula ang naimbak kong tapang sa aking dibdib dahil lamang sa mga salitang binitiwan ni Benjie.
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tapang at nagawa kong titigan sa mata si Benjie, na ngayon ay tuluyan ng umiyak.
"Ilang taon ang pinalampas ko, sa pagaakalang magbabago ang nararamdaman ko sayo. Pero nabigo ako, imbis na mawala, mas lalo pang tumindi. Sa araw araw na nakikita ko ang mga ngiti mo, nasasabi ko sa sarili ko. Sana ako ang dahilan ng mga ngiting yan. Pero hanggang imahinasyon na lamang ako" ang paglalahad niya habang humihikbi gawa ng walang katapusang pagagos ng luha sa mga mata nito.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Nanatili lamang akong nakatayo sa harapan ni Benjie. At gaya ng sabi ko kanina, hindi ako handa sa ganitong tagpo.
"Halika na. Hatid na kita sa inyo" pagyayaya nito sa akin sabay punas ng nga luha gamit ang kanyang panyo.
Napansin ko ang nakaburdang pangalan sa panyong gamit niya. Arthur. Marahil iyon ang brand ng panyong iyon, pero sa nakikita ko ngayon. Iba ang dahilan ni Benjie kung bakit niya gamit iyon.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa amin. Basta natagpuan ko na lang ang sarili ko harap ng bahay namin, kaharap si Benjie.
"Mauna na ko. Magpahinga ka na arthur" pagpapaalam nito.
Gaya kanina, walang ni isang salita ang namutawi sa mga labi ko. Nakatayo lamang ako, pinagmamasdan ang unti unting paglamon ng kadiliman sa anyo ni Benjie.
"Mahal pa rin ata kita Bentot" bulong ko sa hangin.
BINABASA MO ANG
Kababata
Teen FictionSabi nila, iba daw talaga ang lalim ng pagkakaibigan kapag simula bata pa lamang ay magkakilala na kayo. Marami kayong masasayang ala ala na babauin sa pag tanda. Hanggang sa lalo pang lumalim ang pagkakaibigan ninyo at nauwi ito sa isang relasyon...