Kababata 4

212 6 0
                                    

Nakaupdate din sa wakas hahaha. Enjoy po :))))

Kababata 4

"Iuwi na kita?" Tanong ni Calvin.

Nagulat at napatingin ako sa kaniya dahil dun.

"Iuuwi mo ko?"

"A-ang ibig kong sabihin eh ano. K-kwan, uhmmm. Iuuwi na kita sa bahay niyo. Yun!!" Nahihiyang sagot nito.

Bat parang nagblu-blush tong lalakeng to.

"Ah ganun ba"

Akala ko pa naman kung ano na. Ay peste, bat ba ako nagiisip ng ganun. Bat parang gusto ko ngang iuwi niya ako sa bahay nila. Takte naman oh!!!!

"Iuwi mo na ko kung iuuwi mo ko. Masakit talaga eh" ako.

Dali dali niya naman akong inakay. Seryosong seryoso ang muka nito habang patuloy ang pagalalay sa aking mga braso.

Inalalayan niya ako papuntang sakayan hanggang sa makarating ako sa bahay namin. Walang tao, tanging kaming dalawa lang ang nandun bukod sa isang stay-in na Boy namin.

"San ang kwarto mo? " siya

"Duon sa taas. Pero ayos na ako dito sa sofa."

"Sure ka?"

Tumango lang ako.

Gaya nga ng inaasahan ko eh magiging awkward kami sa isat isa.

"Ah" ang parang choir na sabay naming bigkas.

"Sige mauna ka na" ako.

"Ikaw na muna"

"Sige na. Ikaw na"

"Itatanong ko lang naman kung saan banda yang pilay mo" siya

"Hindi ko din alam. Basta medyo masakit yung sa may ankle ko"

"Ay pres, masakit nga yan" alalang sabi niya.

"Saan banda ba pres?" Tanong niya kasabay ng marahang paghawak niya sa binti ko.

Para akong kinuryente ni volta ng oras na yun. Nakakaground si calvin!!!

"Diyan lang sa may ankle nga" ako.

Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kaniya.

Nagmungkahi siya na masahiin ang injury ko. Sa kabutihang palad ay talaga ngang marunong itong si Calvin magmasahe. Naturuan daw siya ng kaibigan niyang Physical Therapist.

"Salamat" ako

"Wala yun. Next time kasi tingin ka sa dinadaanan mo. Baka mapano ka na sa susunod eh" siya.

Sandali ng katahimikan uli.

Sa kada pagtahimik naming dalawa ay laging rumerehistro sa ip ko ang ginawa kong paghalik kay Calvin.

Hindi ako pinapakalma ng konsensya ko kaya naman napagpasyahan ko na lamang na harapin iyon.

"Calvin. Tungkol sa kanina" pagputol ko sa katahimikan.

"I was about to ask you the same thing, para san yun Pres?" Siya

"Sorry. Nabigla lang talaga ako"

Ayun. Inexplain ko sa kaniya ang lahat lahat. Ngunit sabi niya na hindi daw siya ang humalik saakin sa SC room. At kaya daw siya nasa school ay pinuntahan niya yung teacher na nagpatawag sa kaniya.

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon