Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Ano mang pagkakahalintulad nito sa anu mang tunay na pangyayari ay sadyang nagkataon lang.
Kababata - Benjie
Kinabukasan sobrang good vibes ko. Pagkagising ko palang nakangiti na ko.
Ligo time..
Wisik wisik.
Gwapo na na ulit!! Wahahaha
Yan lang routine ko araw araw. Syempre paminsan minsan naglalaro kami ni Elmo (if you know what i mean :") )
"Oh anak, saya mo ata?" Tanong ni mommy.
"Syempre ma, ang ganda ng unang taong nakita ko. Talagang mapapangiti ako!!" Sagot ko.
"Abat nambola ka pa. Ito ang P500 dagdag mo sa allowance mo" sabi ni inang mahal.
"Beautiful is an understatement." Ako sabay abot ng pera.
Dagdag good vibes diba. Magkaroon ka ba ng mommy na galante!!!
"Ma sige pasok na ko" paalam ko.
Ay teka, hindi ko pa nga pala nasasabi kung bakit ako nasa mood. Di pa din kasi ako makaget over sa regalo ni Calvin kagabi. Binigay niya sakin si Itachi!!!! At isa pa, libre kong nakuha hahaha!!!!
Habang binabaypbay namin ng driver yung daan papuntang school, hindi ko mapigilan yung ngiti ko hahaha. Para talaga kong timang >_<.
Tinignan ko yung phone ko, wala man lang text si Calvin. Ay bat parang nadismaya ako ng walang text si Calvin. Eh ano naman ¥_¥
Sa school..
Pagkapasok ko ng classroom, dahil maaga pa, naisipan kong makipagkumpulan muna sa mga ugok kong kaklase.
At as usual, umaga pa lang puro kabulastugan nanaman ang pinaguusapan nila. Si Benjie ang bida, ang badboy ng eskwela (oh debah rhyme!! Hahaha).
"Nako pre, sinasabi ko sa inyo. Subukan niyo rin kasing pumunta dun, madaming chica babes" ang naabutan kong litanya ni Benjie.
"Oh Arthur, andiyan ka na pala" sabi nito at inakbayan ako.
"Kanina kanina lang chica babes yang bukambibig mo, tapos ngayon ako trip mo? Walang talo talo dude!!" Biro ko sa kaniya. Atleast ngayon nasasabi ko na sa kaniya ito ng hindi naiilang.
"Gwapo mo kasi fafa" sagot naman nito sabay kurot sa tagiliran ko.
At nagtawanan ang buong sangka-ugukan.
"Maiba ko. Thur, nakapunta ka na ba dun sa computer shop nila Kuya Pando?" Si Rydell. Ang pambansang kontrabida ni Benjie.
Hindi ko alam kung paano naging magkaibigan tong dalawang to. Basta bigla bigla na lang isang araw na magkaclose sila. Si Rydell kasi yung tipo ng taong palaaral, seryoso tignan, seryoso din gumalaw, pero magaling din pagdating sa kabulastugan. Diyan marahil sila nagkasundo ni Benjie.
"Oo naman. Bat mo natanong?" Ako
"Kasi tong si Benjie, marami daw chica babes dun. Maiigsi daw ang palda, totoo ba?" Tanong nito na nanlalaki pa ang mga mata, bakas na bakas ang pagkawili.
"Aba eh malay ko. Hindi naman babae pinunta ko dun, computer shop yun. Hindi pokpokan" biro ko.
"Tammo. Imbento ka lang ata Benj eh" si Rydell.
BINABASA MO ANG
Kababata
أدب المراهقينSabi nila, iba daw talaga ang lalim ng pagkakaibigan kapag simula bata pa lamang ay magkakilala na kayo. Marami kayong masasayang ala ala na babauin sa pag tanda. Hanggang sa lalo pang lumalim ang pagkakaibigan ninyo at nauwi ito sa isang relasyon...