Kababata 5

171 4 0
                                    

Arthur's P.O.V.

"Ito pala yun" sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang nakita kong Naruto Figures sa Comic Alley.

Nakita ko kasi once sa kaklase ko yung collection niya ng naruto nung once na magpunta kami dun. May isang set siya na wala ako kaya napagpasiyahan kong bumili din. Feeling rich eh hahaha.

"Miss. Magkano to?" Tanong ko sa babaeng nagbabantay.

"P1450 po sir." Sagot nito.

Wow, not bad para sa ganyang set.

"I'll get it." Sabi ko sa nagbabantay.

Mabilis naman itong umalis para kumuha ng stock ng bibilhin ko.
While waiting eh naglibot uli ako sa shop. At mabilis na naagaw ng atensyon ko ang Action Figure ni Ichigo!! With swords pa.
Ayun linapitan ko agad. Bumilis pa nga yung heartbeat ko sa excitement eh dahil sobrang ganda talaga nun.

"Kuya magkano to?" Agad kong tanong.

"P3150 po. Kasso reserved na po yan eh." Sagot nito.

"Wala na po bang ibang stock?" Ako.

"Wala na po. Special order lang po yan ng isang costumer namin. Bayad na din po yan kaso di pa niya dinadaanan kaya nakadisplay muna siya diyan."

Shit!! I need to get this!!!

"Eh kuya baka naman pwedeng kumuha na lang uli kayo? Ako na muna bibili nito" pagpupumilit ko.

"Sige po sir. Mukang matagal pa kukunin samin to eh" sagot niya.

Yun naman pala!! Buti pa sa branch na to ng comic alley, napapakiusapan ang nagbabantay hahaha!!!!
So ayun, kinuha ko siya. Plus sangkatutak na fairy tail, naruto, bleach, full metal alchemist, code geass, na wallpapers, necklace and pendants ang binili ko.

Ng babayaran ko na eh medyo napalunok ako.

"P7585 po lahat sir" sabi ni kuya.

Wala eh, talagang adik lang ako.
Iaabot ko na yung bayad ng bigla akong kalabitin ng lalakeng nagassist saakin sa Ichigo Figure ko.

"Sir pasensya na po. Per..." Hindi pa nito natuloy ang sasabihin niya ng sumingit ang boses ng isang lalake.

"Siya ba yung bumili? Pre, nabayaran ko na kasi yun. Kaya pwede sana ibigay mo na sakin" sabi nito.

Nasa likod siya ng nagaassist kaya hindi ko kaagad naaninag ang muka nito.

"Baka naman pwedeng balato mo na sakin to? Next time mo na lang kunin?" Ako.

"Hindi pwede pre" sagot nito at naglakad palapit saakin.

"Calvin?!!" Gulat na sabi ko.

Naningkit ang mga mata nito na parang may inaalala.

"Pres?" Siya.

"Yeah." Ako sabay napangiti na din.

Sa huli eh sa kaniya pa rin napunta si Ichigo. Talaga daw kasing may pagbibigyan siya nun.

Nauna akong nagbayad. Tapos walang sabi sabing naglakad ako palayo sa kaniya.

Habang inihahakbang ko ang mga paa ko ay unti unting bumalik sa aking isipan ang text ni Calvin kagabi.

Napa shit tuloy ako!! Aalis na ba ko o aantayin ko siya? Putek!! Ayun huminto na lang ako sa labas ng pintuan ng comic alley.

"Oh Pres buti inantay mo ko, kala ko iniwan mo na ko eh!!" Magiliw niyang sabi.

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon