Arthur's P.O.V. (2008)
Mahimbing akong natutulog sa kama ng biglang may isang mabigat na bagay ang gumising saaking ulirat.
Ng idinilat ko ang aking mga mata ay isang lalakeng hindi maaninag ang muka ang pilit na yumayakap saakiin.
Kahit anong pilit kong kumawala ay tila nawalan ako ng lakas. Gustuhin ko mang sumigawe ay walang lumalabas na tunog saaking bibig. Hanggang sa hinila niya papalapit ang aking ulo at unti unti niyang inilapit ang kaniyang labi saakin. Isang napakamapusok na halik ang iginawad ng misteryosong lalake saakin. Hanggang sa maipasok niya ang kaniyang dila saaking labi kasabay ng madiiin na pagsipsip saaking dila.
Tila ba nagkaroon ako ng sapat na lakas upang maitulak ko siya at makaiwas sa kaniya. Gumulong ako pakaliwa sa kama ng biglang..
Buugshhhh!!!!
Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa aking kwarto.
"Aray!!" Habang hinihimas himas ko ang aking ulo.
Pagdilat ko saaking mata ay nakahiga na ako sa sahig, pawisan.
"Panaginip lang pala!"
Hindi ko mawari ang aking nararamdaman, tila ba totoo ang mga pangyayari saaking panaginip. Ramdam na ramdam ko pa rin ang labi ng lalake at ang kaniyang mariin na pagsipsip saaking dila.
Ibinaling ko ang aking paningin sa small cabinet na katabi ko. At nakita ko ang isang kwintas. Duon ko naalala ang lahat ng nangyari kagabi. Sa SC room, ang pagnakaw ng halik saakin.
Mahigpit kong tinakpan ang aking labi saka ako bumangon para maligo.
Isang paraan upang mabilis kong masubaybayan ang taong gumawa saakin nuon. Ang maghintay at magogserba sa mga taong papasok sa eskwelahan, sa gate ng school.
Marami rami na rin ang taong dumadaan ngunit wala ni isa ang kahina hinala. Bukod sa ilang mga estudyanteng bumabati saakin sa gate ay wala naman ng iba.
Napagpasiyahan ko ng lisanin ang lugar dahil na rin sa kainipan at malapit na rin magsimula ang aking klase.
Pagpasok ko ng classroom ay sinalubong ako ni Krystal.
"BF!! Late ka ata?" Siya.
"Inasikaso ko kasi kagabi yung event proposal" palusot ko.
There's no way i'm gonna tell this madaldal na babae kung ano talaga ang nangyari kagabi. Mahirap na at baka i blackmail niya pa ko. Although confident naman akong hindi niya ikakalat, still mas maganda ng sarilinin ko na lang ito.
"Ganun ba?" Siya na nakangiti.
"Oh bat nakangiti ka ng ganyan?"
"Kasi naman pooo. Look who's here" siya sabay lingon sa bandang upuan ko.
"Si Calvin, pumasok. Ang cute niya talaga BF!!!"
Liningon ko na rin. At isang bagay ang nagpagulat saakin.
"Oh, bat parang nakakita ka ng multo?" Siya
"W-wala ito. Sige punta na ko sa upuan ko"
"Sure kang okay ka lang? Kanina ka pa tensed ah?"
"Yeah i'm fine"
Dahan dahan akong naglakad papalapit saaking upuan. Minabuti kong dumaan sa gilid ni Calvin upang makasiguro. At ng makita kong muli iyon ay kumpirmadonh yuon nga.
Umupo ako sa upuan ko, gulong gulo ang isip. Si Calvin naman eh parang may malalim na iniisip. Ng magkasalubong ang aming paningin ay nginitian niya lamang ako. Samantalang hindi ko man lamang siya masuklian ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Kababata
Teen FictionSabi nila, iba daw talaga ang lalim ng pagkakaibigan kapag simula bata pa lamang ay magkakilala na kayo. Marami kayong masasayang ala ala na babauin sa pag tanda. Hanggang sa lalo pang lumalim ang pagkakaibigan ninyo at nauwi ito sa isang relasyon...