Pagtsagaan niyo na lang tong nagawa ko. Sana magustuhan niyo hahaha.
Kababata - Si Turo at si Bentong
Matapos ang eksenang iyon sa CR sa pagitan naming tatlo ni Benjie at Calvin ay wala namang pinagkaiba sa pakikitungo sakin si Benjie.
Ano nga ba kasing nangyari nun.
Flashbackkkk.....
"Naghalikan kami. Bakit, may problema ka?" Diretsahang sagot ni Calvin na halos ikaguho ng araw ko.
Lalong nanlaki ang dalawang mata ni Benjie.
"Biro lang" sabay bawi ni Calvin.
Wew!!! Akala ko yun na. Buti na lang!!! Kung sabagay, kasalanan niya din naman kung bakit kami nakita ni Benjie.
"Hahaha gago. Kala ko totoo na. Sasali sana ko" sabi niya na ikinagulat namin ni Calvin.
Tinitigan namin siya na parang nagtatanong.
"Biro lang. Ano, tara na?" Aya niya saamin.
Bumalik kami sa classroom na parang walang nangyari. Pero sa isip isip ko, inaalala ko pa rin ang kakaibang naramdaman ko ng magdampi ang labi namin ni Calvin.
Parang may nagsasabi sa loob ko na ginusto ko naman. Pero meron ding nagsasabing "malandi ka. Haliparot!! Pamigay!!". Ayan pati utak ko bagtit na din.
Bahala na. Let it be sabi nga ng kanta.
Pagkasabi ko nun ay tumapat sa harap ng muka ko ang muka ni Calvin. Agad naman akong nagtakip ng bibig.
Mahirap na. Baka magloko pa tong hayop na to.
Tapos biglang ngumiti si Calvin at nagbigay ng mahinang tawa.
Sa di kalayuan ay napansin kong nakatinginsaamin si Benjie.
End of flashback.
"Hoy Arthuro. Di ako sasabay sayo mamayang lunch. May date ako" sabi ni krystal.
"Hala??!! Alam mo namang hindi ako sanay kumain magisa dito sa school. Sino ba kasi yang date mo??" Tanong ko.
Sino ba naman kasing matutuwa na magisa kang kumakain sa canteen. Ang lungkot kaya nun.
"Si Chuster. Yung taga section 2" sabi nito.
Chuster... Ah yung varsity ng kabilang section. Yung mukang kano.
"Aba. Iba ka na ngayon ah. Akala ko ba kay Calvin ka lang" sabi ko.
Wala pa naman kasi si Calvin sa upuan niya kaya ayos lang mag name DROP.
"Muka namang di siya interesado sakin. Isa pa gwapo din naman si Chuster" sagot niya.
Kung sabagay. May itsura talaga si Chuster. Siya nga ang dahilan kung bakit tuwing may laban ng basketball sa gym namin eh dumadagundong ang buong school.
Tapos biglang may mga bulugan akong narinig sa likuran ko.
Napatingin ako sa pintuan.
"Shit" sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Kababata
Teen FictionSabi nila, iba daw talaga ang lalim ng pagkakaibigan kapag simula bata pa lamang ay magkakilala na kayo. Marami kayong masasayang ala ala na babauin sa pag tanda. Hanggang sa lalo pang lumalim ang pagkakaibigan ninyo at nauwi ito sa isang relasyon...