2018
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi, sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Maka ilang ulit ng nangyari ito, ilang linggo na akong nagigising mula sa pagkahimbing.
Napahawak ako sa parte ng puso ko, waring hinihimas himas upang sa gayo'y maibsan ang kabang nararamdaman ko.
Habang pinapakalma ko ang aking sarili'y parang may sariling pagiisip ang aking mata. Unti unting pumatak ang mga luhang naipon mula rito. Mga luhang nagpapaalala saakin ng aking nakaraan, ng aking masaya at mapait na nakaraan.
Parang isang bukal na walang katapusan sa pag-agos ang aking mga mata. Kasabay ng pagpatak ng mga luhang ito ay ang unti unting pananariwa ng mga ala-alang pilit kong ibinabaon sa limot. Mga ala-alang nabuo sa aming munting nayon kasama ang aking KABABATA.
Hinayaan ko na lang na manuyot ang mga luha sa pisngi hanggang sa makatulog akong muli......
10 YEARS AGO........
Arthur's P.O.V.
"Arthur!!! Dali!!!" Sigaw ng aking kaklase, si Krystal.
Napangiti na lamang akong tumakbo palapit sa kaniyang kinaroroonan.
"Ano ba kasi yang ipapakita mo?" Bungad ko sa kaniya ng makalapit na ako.
"Ayun oh!!!! Yung kwinekwento kong bagong lipat nating kaeskwela, yung galing dun sa public" magiliw nitong tugon kasabay ng pagturo sa puno ng Acacia.
"Asan diyan?? Yung puno?? Nagaaral na din yung puno??" Biro ko.
Isang marahan na hampas ang nakamtan ko dahil duon.
"Sira, ayun oh. Sa silong ng Acacia. Yung nakaupo dun" siya.
Kitang kita sa muka ng aking kaibigan ang pagkatuwa dahil sa bagong kaeskwela.
"Ah ayun ba. Edi lapitan mo, sabihin mo na matagal mo na siyang gusto. Ayain mo ng magpakasal" biro kong muli.
Kagaya ng kanina ay isang hampas ang ginanti nito.
"Aray naman.!!" Reklamo ko.
"Eh ikaw kasi. Crush lang naman yun no, gwapo kasi. Saka isa pa muka namang hindi ako magugustuhan nun, tignan mo siyang mabuti, mukang artista diba?" Tutol pa rin ang titig niya dito.
"Porke. Eh mas gwapo naman ako diyan eh." Ako.
Sa pagkasabi kong yon ay napatingin sa akin si Krystal.
"Oh bakit? Totoo naman eh" ako
Ngunit nakatitig pa rin si Krystal sa akin. Waring sinusuri ang bawat sulok ng aking muka.
"Parang hindi naman, o baka kaibigan kasi kita at nagsasawa na ko sa muka mo kaya hindi ko makita yang sinasabi mo" siya.
"Sira" ako.
Nakaisip tuloy ako ng isang ideya.
"Tignan mo tong gagawin ko." Sabi ko kasabay ng mabilis na paglakad patungo sa puno ng Acacia.
BINABASA MO ANG
Kababata
Teen FictionSabi nila, iba daw talaga ang lalim ng pagkakaibigan kapag simula bata pa lamang ay magkakilala na kayo. Marami kayong masasayang ala ala na babauin sa pag tanda. Hanggang sa lalo pang lumalim ang pagkakaibigan ninyo at nauwi ito sa isang relasyon...