Kababata 8 - Halik

230 4 0
                                    

Buong maghapon ay nawala ang konsentrasyon ko sa klase. May mga pagkakataong napagalitan ako dahil sa nakatulala ako sa labas ng bintana. Ang masaklap pa ay ang pinakamasungit na teacher ang nakahuli sakin. Kaya ayun, pinatawag ako sa Faculty. Inutusan lang naman ako maglinis ng hallway!!! Kung hindi ka man din mamalasin no???

Nakakahiyang isipin na President ng SC tapos nagwawalis sa daanan, i mean dapat ako ang role-model, pero ito ko ngayon nabigyan ng sanction!!!

May mga gustong tumulong pero matindi si mam, talagang binabatnayan ako sa lahat.

"Putek" sabi ko na lang sa sarili ko.

Nakita ko kasing naka dalawang sako na ako ng dry leaves, at last na tong ikatlong sako. Pagkatapos kong mawalis ang pinakahuling tutong dahon ay agad din namang umalis si Mam, ni hindi man lang ako kinongratulate!!!

Buhat buhat ang dalawang sako ay mabilis akong tumakbo papunta sa garbage pit sa likod ng St. John Buillding, ang pinaka-creepy na building sa school. Pinakaunang gusali ito sa school namin kaya nakakatakot talaga tignan.

"Tsung!!!" Tunog ng basurang hinagis ko sa butas sabay takbo ng mabilis.

Naalala ko may isa pa pala, kaya ayun tumakbo uli ako pabalik sa tapunan at mabilis din namang nakaalis sa lugar. Hingal na hingal akong umupo sa bench, pawisan pa.

"Ayos ka lang?" Ang biglang sulpot ng pamilyar na tinig.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig at hindi nga ako nagkamali.

"Benjie" ang mahina kong sambit.

Umupo siya sa tabi ko sabay akbay saakin.

Shit

Shit talaga

Shit to the highest level

Paking tapeeee!!!!!!

Agad kong hinawi yung mga braso niya. Para tuloy siyang nahiya sa ginawa niya.

"Iba ka na talaga" sambit nito tapos ngumiti pa.

Shit ulit!!!!

"Bat di ka pa umuuwi?" Tanong ko.

"Inaantay kita"

"Wala namang lakad ah? Bat mo ko hinihintay?"

"Masama ba? Bestfriend kaya kita" diretsahan niyang sabi.

Napatingin naman ako sa kanya dahil don. Nagkunot ang mga noo ko sa aking narinig.

"I see, meron ka na nga palang ibang bestfriend" sabi niya. Ramdam mo sa bawat pagsambit niya ng mga katagang iyon ang lungkot na nadarama nito.

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko dahil don. Alam ko kasi sa sarili ko na sobrang mahalaga para saakin ang lahat ng pinagsamahan namin ni Benjie. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong amuin siya.

"May sinabi ba ko?" Mahina ngunit makahulugan kong sabi.

Biglang nanumbalik ang kinang sa mga mata nito at unti unting gumuhit ang mga ngiti sa kaniyang mapupulang labi.

"So best-buddies parin tayo?" Tanong niya.

"Hep hep hep. Buddies lang, hindi best. Ano ka hilo!!" Sabi ko.

"Hmmm sige ayos na din yan, atleast buddies na tayo. Pasasaan ba at"

"At ano?" Pagputol ko kay Benjie.

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon