Be Brave

157 7 1
                                    

Benjie's POV

Hinding hindi ko malilimutan ang unang beses kong nasilayan ang muka ni Arthur. Kaya ko lang naman siya pinagdidiskitihan dahil naiinis ako, naiinis ako dahil buo ang pamilya niya, masaya siya, walang problema sa buhay.

Dahil nga sa inis kong yun ay madalas kong binubully si Arthur sa klase. Pero imbis na maibsan yung inis ko eh lalong nadadagdagan sa tuwing makikita ko ang mga inosente niyang muka.

Sa tuwing masisilayan ko ang mga mukang iyon ay parang may kung anong gumagalaw sa aking sikmura. Kaya naman mas umigting ang galit ko sa kaniya.

Habang tumatagal ay parang hinahanap hanap na ng mga mata ko si Arthur. Walang araw na hindi ko siya binully. Hindi kumpleto ang araw ko ng hindi ko siya nakikita. Hnggang sa may mga oras na natatagpuan ko na lamang ang aking sarili na pinagmamasdan siya mula sa malayo.

Unti unti ay naging malapit kami ni Arthur. Napakasaya ko sa mga sandaling iyon. Nuon ko lang din anranasan ang may magpahalaga, hindi lang dahil sa aking itsura, kundi dahil sa kung sino ako. Nagawa ni Arthur na pakisamahan ang ugali ko, oo inaamin kong masama ang ugali ko, pero alam niyo naman na kung bakit.

Huling araw ng pasukan ng magpasya akong magtapat kay Arthur. Napangako ko sa sarili ko na magpapakatino sa oras na mahalin din ako ng taong pinakamamahal ko.

Matagal tagal ko na ring pinagiisipan ang baguhin ang aking anyo, hanggang sa mapagdesisyonan ko na nga. Nagpakulay ako ng buhok, pinatanggal ko yung piercing ko, at hindi na rin ako naglagay ng eye liner sa mata.

Marahil lahat ay nagtataka ng masilayan ang bago kong itsura. Pero sa kasabikan kong mahanap at makita si Arthur ay wala ni isa sa kanila ang pinagaksayahan ko ng oras.

Maging si Arthur ay nagulat, kitang kita sa mga muka nito ang pagkabigla sa nakita. Napangiti ako dahil dun, siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagbago eh.

Nuong araw ding yun naranasan ko kung paano masaktan ng lubusan. Nagpabalik balik ako sa bahay nila Arthur ngunit maging ang mga magulang niya ay itinatago ito. Hanggang sa magpunta na nga ako sa Amerika.

Pagkauwi ko sa Pilipinas ay hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si arthur. Gumuho ang mundo ko ng magtapat ako sa kaniya. Kaya naman nanumbalik ang galit sa dibdib ko, galit sa aking sarili hindi para sa kaniya.

Nang magpasukan na ay hindi maiiwasang magkita kaming muli ni arthur.

"Benjie o_O!!" Tanong nito.

Muli ay nasasabik akong masilayan siya sa kabila ng sakit na dimaranas ko. Ngunit tila may kung anong humaharang sa aking bibig.

Ng papalapit na sa akin si arthur ay parang may pwersang lumabas sa aking mga kamay at naitulak ko siya.

"Hinay hinay lang pre" ang sabi ko.

Kitang kita ko sa mga mata ni Arthur ang pagkabigo. Lalo tuloy akong nasaktan.

Mula ng araw na iyon ay madalas ko ng nakikita si Arthur na nakatulala, wala sa sarili. Lagi kong sinisisi ang sarili ko sa kalagayan ni arthur. Hanggang sa isang araw, may naisip akong paraan upang maibsan ang sakit na nararamdaman ni Arthur.

"In one condition. Papayag kang pakasalan ako after grumaduate sa college" sabi ng babaeng kausap ko.

I was too desperate, too naive. Hindi ko alam kung bakit, pero napapayag niya ako sa kaniyang gusto.

"Just make sure na magiging masaya ulit siya" paglilinaw ko.

"Sure thing" sagot nito sabay gawad ng isang matamis na halik sa aking pisngi.

"Hey. Hindi pa ko graduate!" Pagtutol ko.

"Okay. See you around Benjie" paalam nito.

"You too, Krystal" sambit ko.

Unti unti ay nakikita ko ang pagbabago ni Arthur. Nagiging masayahin itong muli.

Sa paglipas ng panahon ay hindi ko ng iniisip pa ang naging kasunduan namin ni Krystal. Napakabata pa namin at marami pang bagay na maaring mangyari.

At ngayon nga, hindi ko napigilan ang aking sarili. Hinila ko papalapit saakin si Arthur at ginawarn ko ito ng halik. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Napakasaya na parang ewan. Hnggang siya na mismo ang bumitaw.

"What are you two doing?" Ang biglang sulpot ni Calvin.

Arthur's POV

Gulat na gulat ako ng makita kong nakatayo si Calvin sa likod ko.

"W-wala. Halika na sa loob. And you Benj, umuwi ka na" utos ko.

Nakatitig lang saakin si Calvin ng mga oras na yun.

"I'm sorry" ang huling salitang nasambit ni Benjie bago ito umalis.

Pumasok na kami ni Calvin sa loob. Nagmano ito kay mama at dumiretso na kami sa kwarto ko.

Calvin's POV

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nasaksihan ko kanina. Right in front of me i saw them kissing. Parang may pinunit na isang bahagi ng puso ko. Ewan. Hindi ko maipaliwanag. I just found myself sweating heavily.

"Di ka makatulog?" Tanong ni Arthur. Marahil ay hindi pa rin ito dinadalaw ng antok.

"Yeah" tipid kong tugon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay arthur.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong nito at humarap saakin.

Ang ginawa ko ay humarap din ako sa kaniya.

"Arthur" bulong ko ng magkatapat na ang mga muka namin.

"Yep?" Sagot nito saka kumunot ang nuo na wari ay nagtataka.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, napatitig ako sa kaniyang mga mata. Para akong nahipnotismo sa ganda nito, tila isang bagay na magdadala saiyo sa kabilang dimensyon ng mundo.

"What's hapening to me!!" Sabi ko sa aking isip.

Bakit ganyan na lagi ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko yang mga matang yan.

At unti unti ng nilamon ng kadiliman ang aking mga mata.

Itutuloy....

Dati ang tunog ng mga ahas ay "ssssss", ngayon "bes" na.

So alam niyo na hehe.

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon