Ka.....ba?

49 0 0
                                    

Kinabukasan, akala ko ay magbabago ang pakikitungo sa akin ni Benjie. Ngunit hindi, ganun pa rin. Parang walang nangyari. Best buddy na ang tawag niya sa akin. Nakakailang oo, dahil ilang taon din kaming casual sa isat isa. Pero heto at tinatangka niyang bumawi, syempre sino ba ako para tumanggi. Mahalaga sa akin si Benjie, sobra. Siya ang unang taong pinahintulutan kong pumasok at manatili sa puso ko.

"Best buddy may lakad ka mamaya?" Tanong ni Benjie.

Katabi ko ngayon si Calvin, si Krystal naman ay wala at may date daw sila ni Chuster.

Napansin kong napatingin kay Benjie si Calvin, sanay balik muli ng mata sa kanyang cellphone.

"Wala naman. Bakit?" Sagot ko.

"Ayos! 7pm. Daanan kita sa bahay niyo" sabi nito sabay alis.

Napakunot na lang ako ng noo. Ang random talaga ng lalaking yan. Napaka unpredictable. Kahapon lang todo ang iyak, ngayon eh walang pagsidlan ang mga ngiti. Weird.

"Close na pala talaga kayo" ang sabi ni Calvin. Habang hindi pa rin iniaalis ang mga mata sa cellphone at ang nga daliri sa keypad.

"Oo naman. Sama ka gusto mo?" Yaya ko.

Napatigil naman siya sa pagpindot saka ipinaling ang ulo paharap sa akin. Binigyan niya ako ng napakatalim na titig.

"Seriously?" Sabi niya sabay cellphone ulit.

Isa pa tong lalaking to. Napakaweird din.

Lumipas ang mga araw na parating si Benjie ang kasama ko. Talagang pinaninindigan niya yung sinabi niyang babawi siya. Masasabi kong napakasaya ko sa mga oras na magkasama kami. At tungkol naman sa nararamdaman ko kay Benjie, nalilito pa rin ako. Alam ko sa sarili ko na may pagtingin pa rin ako sa kaniya, pero natatakot ako na umamin gaya nung first year kami. Marahil siguro ay mas gusto kong panghabang buhay ang relasyon namin, at makakasiguro lang akong magiging ganun nga kung hanggang kaibigan lang ang turingan namin. Diba totoo naman? Kahit gaano mo kamahal ang isang tao, walang kasiguraduhan na hanggang dulo kayo pa rin ang sa isa't isa. Kaya ayaw kong isugal ang relasyon namin ni Benjie.

Hindi na ako magpapakaplastic, oo nakakaramdam.ako ng kilig pag nagpapasweet si Benjie. Meron yung bubuhatin niya yung bag ko. Meron pa madalas kakantahan niya ako habang nagrereview kami sa bahay nila. Napakaganda ng boses ni Benjie. Sa mga ganung pagkakataon, naiisip ko na napakaswerte ng taong makakatuluyan ni Benjie. At tuwing naiisip ko yun, kasabay ay ang pamumuo ng nga luha sa aking mga mata.

May malaking bahagi ng puso ko ang nagsasabing mahal na mahal ko si Benjie, hindi lang bilang isang kaibigan, kundi higit pa.

............

Kasabay ng pagbabagong anyo ni Benjie ay ang pagsikat niya sa aming eskwelahan. Napakarami nang nagkakagusto sa kaniya, salamat kay Krystal at nababalitaan ko ang mga ito. Kungsabagay, napakagwapong nilalang talaga kasi ni Benjie. Ang pupula ng labi, parang ang sarap halikan.

"Hayyyystt!! Ano ba Arthurooo! Ano ba yang naiisip mo. Pinapahirapan mo labg ang sarili mo!!" Bulong ng konsensya ko.

Si Calvin naman ay tila nagbago. Kung dati ay sobrang close kami, ngayon ay parang normal friend na lang. Mabuti na lang talaga at andyan na ulit si bentot na nakakasama ko pag magisa lang ako. Kaya naman isang hapon ay inantay ko talagang maguwian at hinatak ko si Calvin sa Student council room para makausap.

"Bakit ba?" Iritang reklamo nito.

Hindi siya yan, hindi yan ang Calvin na kilala ko.

"May problema ka ba Calvin? Bat nagbago ka?" Tanong ko.

"At talagang sayo pa nanggaling yan" sagot naman nito sabay ngiti ng sarkastiko.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Balik ko.

"Hindi ko alam na nakakatanga pala ang pakikipagkaibigan kay Benjie" balik nito.

"Bakit nadamay dito si Benjie? Napakabait ng tao sa akin. Wala akong problema sa kaniya, ikaw ang may isue dito. Wag kang magsingit ng iba" inis na sabi ko.

Pati si Benjie idadamay. Nakakabwisit talaga.

At nakita kong napakuyom ang mga palad ni Calvin, kitang kita ang poot sa mga mata nito.

Akmang tatalikod na siya ng hilahin ko ito paharap. Ngunit nabigla ako...

Walang kalaban laban niya akong hinalikan ng napakasidhi. Naestatwa ako sa aking pagkakatayo habang nakapikit. Hanggang sa parang maalat ang nalalasahan ko. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. At nakita kong nakapikit din si Calvin habang magkalapat ang aming mga labi, umiiyak ito, kaya marahil maalat ang lasa ng kaniyang halik. Tila baga isang napakalungkot na halik, damang dama mo ang pighati at kawalan ng pagasa.

Mula duon ay itinulak ko siya ng bahagya. At napamulat na siya

"Sorry" sabi nito at nagpunas ng luha gamit ang kanyang p.e. t -shirt. Nakita ko tuloy ang kanyang abs na unti unti ng nafoform. Napakakinis niya. Napakaputi.

"Calvin. Para san yun?" Tanong ko.

Isang malalim na buntong hininga ang una niyang isinagot.

"Gusto kita Arthur. Gustong gusto kita" sabi nito na ikinagulat ko.

"Gusto kitang laging kasama. Laging nasa tabi ko. Gusto ko na ako lang ang tinitignan mo parati. Dati siguro nararamdaman ko iyon, pero ng dunating si Benjie, nagiba ang takbo storya. Lagi na lang siya ang kasama mo. At ako, laging naiiwan" malungkot niyang paglalahad.

Ngayon naiintindihan ko na. Nagseselos si Calvin kay Benjie.

"Pero bakit kailangan mong lumayo?" Tanong ko

"Dahil isa lang dapat Arthur. Alam kong may pagtingin ka kay Benjie. Nakikita ko sa mga mata mo." Sagot niya.

Nagulat ako sa rebelasyon niyang iyon. Napakahalata ko ba para masabi niyang may gusto ako kay Benjie. O baka hinuhuli niya lang ako.

"Paano mo naman nasabi" Balik tanong ko na bagamat kinakabahan na ay nagawa pa ring umarte na tila baga hindi naapektuhan.

"Dahil ganun din ang mga matang ipinupukol ko sa iyo sa tuwing pinagmamasdan kita" maikli pero napakamakatotohanan niyang sabi.

Muli ay namutawi ang katahimikan sa amin.

Sa katahimikan ay tinanong ko ang aking puso, handa na ba akong magpapasok ng isa pang tao sa aking puso. Muli ay sinulyapan ko si Calvin na ngayon ay nakasalampak na sa sahig gaya ko. Nakita ko ang pagkamiserable ng itsura nito. At duo'y nalaman ko rin ang kasagutan sa aking tanong.

Handa na nga ako. Baka?

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon