Kababata 2

308 5 0
                                    

Arthur's P.O.V. (2008)

Nagising ako sa alarm ng phone ko. Tsk tsk!! Inaantok pa ko eh!!!!

Kinuha ko yung phone at pinindot ang off ng alarm. Then mabilis akong naligo at mala-late nanaman ako. Well, it has always been my attitude na maging late sa klase. Ewan ko ba at hindi ako magising ng maaga aga para hindi sana malate. Ngayon pa at president na ko ng student council, kailangan ko na talaga ng sleeping buddy na manggigising.

Hindi naman pwedeng si mama at baka makita niya ang mga kababalaghang ginagawa ko sa room. Normal lang naman yun sa mga lalake diba mga dudes?? Hindi din pwede yung mga kasambahay namin. Pano kaya kung si Krystal??? Kaso baka gapangin ako nun. Bahala na nga!!!

Matapos ko maligo ay bumaba na ko sa hagdan.

"Ma, may meeting kaming student council mamaya sa school. Pasabi na rin kay Dad, kung uuwi man siya" paalam ko kay mama.

Si mama na lang kasi ang kasama ko lagi sa bahay namin, well pati mga kasambahay namin, si Dad kasi eh once in a blue moon lang kung umuwi. Pero sinisiguro naman niya na pag uuwi siya eh may family bonding kami. Kaso iba pa rin talaga yung feeling na may kasama kang Daddy. Ewan ang emo ko hahahaha!!!

Pagdating ko sa school eh agad akong linapitan ni Krystal, nakangising aso nanaman.

"Itsura mo!! Hahaha panget!!" Asar ko.

"Ikaw ang aga aga ako nanaman ang nakita mo" inis niyang usal.

"Biro lang" ako

"Anyway, i have something to tell you!!!!" Kinikilig na sabi nito.

"Oh ano yun?" Ako

"Well well, look who's sitting beside your favorite chair" nakangiting sabi nito.

"Si Chris malamang. Yun lang ba?" Sabi ko.

Napangiti naman si Krystal ng todo.

"Nope. Pinalipat na si Chris. Tignan mo kasi yung upuan mo ahh!!!" Pagpupumilit ni Krystal.

Ng liningon ko yung upuan ko ay nakita ko siya, si Calvin.

"How on earth?? Wag mong sabihing kinausap mo ang daddy mo para palipatin siya sa klase natin?!?!?!" Gulat na tanong ko.

Daddy kasi ni Krystal ang may ari ng school, or should i say sa halos lahat ng business establishments dito saamin.

"Well. Connections baby, connections" nakangiti nitong tugon na animo'y si sarah geronimo.

Umiling na lamang ako ng bahagya saka nakayukong naglakad patungo sa aking upuan. Itinakip ko yung hawak kong libro sa gilid ng aking muka upang sa gayon ay hindi niya ako makita.

Teka, bat nga ba ko nagtatago sa kaniya, ayysss kainis!!!

Pagkaupo ko sa upuan ay medyo tumalikod ako ng konte. Kaso papansin yung libro ko, nasagi ko kaya naman naglikha iyon ng ingay.

Pupulutin ko na sana ng biglang may kamay na nagabot saakin nun.

"Here" tugon nito habang hawak ang libro ko.

"Thanks" sagot ko sabay mabilis na tumalikod.

Kaso bigla niyang hinablot ang balikat ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya.

Kay Calvin.

"About what happened last time?" Saad nito.

"Last time? What do you mean?" Pagkukunwari ko.

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon