Just The Way You Are by: Camille BelmonteChapter Two:

1.8K 49 0
                                    

"BAKIT na late kayo?! Hindi ba't sinabi ko na sa inyong ayoko sa lahat yung nale-late sa trabaho?!"
Hindi magawang makapagsalita ng dalawa. Natatakot sila sa nakikitang reaksyon ng kanilang amo.
"Bakit hindi kayo makasagot na dalawa?"may galit sa tono ng boses na tanong ni Chad. Tumingin siya kay Carl. "Ikaw Carl, anong dahilan ninyo at na-late kayo ng ganito?"


Napahinga ng malalim si Carl. Mabuti na lang at hindi sila narinig ng kanilang amo sa pinag-usapan nila ni Vicky kani-kanina lang. "Napaaway ho kasi ako Sir Chad."saka siya napatungo.
"What? Nakipag-away ka?"gulat na sabi ng binata.


"M-May bumastos ho kasi sa'kin sa daan Sir."maagap na pagsalo ni Vicky. "Ipinagtanggol lang po niya ako at naisipang turuan ng leksyon yung lalake."

Tiningnan ng husto ni Chad si Carl. "Ginawa mo iyon?"

Atubiling itong nag-angat ng paningin. "Oho Sir Chad."

Bumuka ang bibig ng binata. May nais sana siyang itanong kay Carl pero nagbago ang kanyang isip. Napabuntung-hininga siya. "Alright. Sige na, magtrabaho na kayo dahil marami tayong customers ngayon. Ayoko ng ma-late pa kayo sa trabaho, maliwanag?"

"Yes Sir!"panabay na sabi ng dalawa sa kanya.
Nagpaalam na ang dalawa sa kanya at palabas na ang mga ito ng locker room ng mapansin niya ang kamao ni Carl.

"Carl, sandali lang."tawag niya rito.

"H-Ho?"atubiling lumingon si Carl.

Sinenyasan niya itong lumapit.

Atubili man ay lumapit ito sa kanya.

"Kailangan mong gamutin yang kamao. May galos at namamaga na yan oh."turo niya sa kamao ni Carl.

Napatingin naman ito at nakita nga nito ang namumula at namamaga ang kamao nito.
Pinaupo niya ito at kinuha niya ang first aid kit nila na nasa medicine cabinet ng locker room.


=====

PARANG nakukuryente ang pakiramdam ni Carla habang hawak- hawak ni Chad ang kanyang kamay at ginagamot ang kanyang kamao. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam. Para siyang kinikiliti na ewan.

Napaigik siya ng maramdaman ang hapdi ng dampian ng betadine ni Chad ang may galos niyang kamao. Napatingin ito sa kanya. "Masakit ba? I'm sorry."

Ngiwi lang ang isinagot niya rito. Nangunot ang noo niya ng makitang natatawa ito. "B-Bakit ho kayo natatawa Sir?"

Umiling iling ito habang natatawa pa rin. "Wala 'to. Naisip ko lang kasi, ang tapang mong inaway yung nambastos kay Vicky. Pero etong simpleng betadine lang eh nasasaktan ka na."

Hindi na niya kinontra pa ang sinabi ng kanyang amo. May point ito. Kanina nga ay halos bugbugin niya yung nambastos sa kaibigan niya pero ngayon ay napapaigik siya sa panggagamot nito sa sugat niya.

"Girlfriend mo ba si Vicky?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. "S-Sir naman! B-Ba't ninyo naman naisip yun? Magkaibigan lang ho kami. Kababata ko po siya. Itinuturing ko po siyang tunay ko ng kapatid kaya ayokong may nambabastos sa kanya."mabilis niyang sagot rito.

Napatango tango ito. "Pero hindi mo siya type?"

"Hindi!" mabilis niyang sagot rito.

Napatitig ito sa kanya. "Bakit naman?"

Nakaramdam siya ng pagkailang sa paraan ng pagtitig nito. "K-Kaibigan lang ho ang turing ko sa kanya."

Kumibot kibot ang labi ng binata at tila iniisip ang sasabihin. "Eh nililigawan meron ba?"

"W-Wala ho, Sir."

Napakanut-noo ito. "Bakit naman? Sa edad mong yan pwede ka ng manligaw. Dapat marami ka nang napapaiyak na babae nyan."saka ito tumawa.

Napakamot siya sa ulo. "Sir naman. Wala pa po sa isip ko ang ganyang bagay." Lihim siyang napangiwi. Kung alam lang sana ng amo niya ang totoo na hindi siya tunay na lalake.

Ngumiti lang ang binata. "Okey na 'tong sugat mo. Huwag mo lang masyadong pwersahin."saka binitawan na ang kanyang kamay.

"Salamat Sir."sabi niya habang hawak ang kamay na kanina lang ay hawak ng lalake. Nagpaalam na siya rito at tinungo na ang pinto.

Hindi na niya nakita ang binatang nakasunod ang tingin sa kanya. Maraming katanungan ang gumugulo sa isip nito ngayon. At kung ano man ang mga iyon ay tanging si Chad lamang ang makakapagsabi.

======

DAHIL sa pamamaga ng kanyang kamao, hindi muna siya hinayaan ni Chad na magsilbi sa mga customers ng café. In-assign muna siya nito as cashier.

"Carl, baby!"

Natigil sa pagbibilang ng pera si Carl ng gabing iyon kung saan magsasara na sila. Nauna nang umuwi sa kanya si Vicky dahil may lakad pa raw ito. Napangiti siya ng bumungad sa kanyang harapan si Marissa- partner ni Chad sa cafe at bestfriend din ng binata. Magaan ang loob niya rito dahil napakabait nito.

"Ma'am Espiritu, good evening po."magalang niyang sabi rito.

Gigil na pinisil nito ang kanyang pisngi. "Ang cute-cute mo talaga kahit pagod!"

Napa-aww siya sa ginawa nito. "Si Ma'am talaga."

"Si Chad nga pala?"tanong ng dalaga sa kanya.

"Umalis ho eh, di po sinabi kung saan ang punta."sabi niya habang pinagpapatuloy ang pagbibilang ng pera.

Napatangu-tango naman ito. "Tulungan na kita dyan,Carl."tukoy nito sa pagbibilang niya ng mga kinita nila sa araw na iyon.

"Naku Ma'am huwag na po. Kaya ko na po ito."

"I insist."pagpupumilit nito at nagsimulang lumapit sa kanya.

Nangiti na lamang siya at tiningnan ito. Malapit na ito sa kanya ng bigla itong matapilok. Mabilis ang mga kilos na nilapitan niya ito para maiiwas ang dalaga sa pagkabagsak sa sahig. naging mabilis din naman ang reflexes ni Marissa at mabilis na kumapit at yumakap sa kanya.

"Ay dibdib!"tili ng dalaga habang nakayakap sa kanya ng mahigpit. Pero awtomatiko din itong napakalas ng yakap sa kanya at nanlalaki ang mga matang tiningnan siya. "M-May d-dibdib ka? B-Babae ka?!"

Kumabog ng husto ang dibdib niya sa kaba. Lagot na! buking na siya! "M-Ma'am..."natatarantang sabi niya sa nanlalaki pa rin ang matang si Marissa.


TBC.

—  


Just The Way You AreBy Camille Belmonte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon