Isang malakas na suntok sa panga ang ibinigay ni Carl sa lalakeng nasa harapan niya ngayon. "Gago ka ah! Sa lahat pa ng babastusin mo ang kaibigan ko pa!" gigil pa niyang sabi habang dinuduro ang lalaking bumagsak dahil sa ibinigay niyang suntok dito.
"A-Ano bang pinagsasabi mo dyan? W-Wala naman akong ginagawang masama ah."bahagyang nahihintakutang sabi ng lalake sa kanya.
Naningkit ang mga mata ni Carl sa galit. "Anong sinabi mo?"galit niyang sabi rito habang unti-unting kumu-kuyom ang kanyang kanang kamay tanda ng pagbangon ng galit sa kanyang puso.
Mabilis niya itong nilapitan at kwinelyuhan. "Gago ka! Ako pang lolokohin mo! Kitang kita na nga kita magkakaila ka pa!"
Handa na sana niya itong patikimin ng isa pang malakas na suntok nang maramdaman niya ang pagpigil ng isang kamay sa nakaumang na niyang kamay.
"Carl, tama na yan! Bugbog sarado na yang tao sayo."pang-aawat sa kanya ng kaibigan niyang si Vicky.
Mabilis niyang hinila ang kamay niyang hawak nito. "Hindi pa ako tapos sa kanya. Tuturuan ko pa siya ng leksyon!"
Napapalatak naman ang dalaga sa kanya. "Tama na yan sabi eh! Lagi ko nang sinasabi sa'yo na tigilan mo na yang pag-aasta mo na parang lalake dahil hindi dapat! Alalahanin mo, babae ka! BABAE!" Pagdidiin at tila nanenermon na sabi pa nito sa kanya.
"B-Babae ka??"hindi makapniwalang sabat ng lalakeng kanyang sinuntok na nakikinig na pala sa kanila ngayon.
"Bakit?! May problema ka ba do'n?"mabagsik niyang tanong dito.
"W-Wala!"sabi nito at bago pa niya ito mapigilan ay mabilis na itong nakatakbo.
"Hoy! Bumalik ka dito hindi pa ako tapos sayo!"sigaw niya rito pero ni hindi man lang siya nito nilingon at mabilis na pa ring tumakbo palayo sa kanila.
Inis namang napalingon si Carl sa kaibigang si Vicky. "Tingnan mong nangyari! Nakatakas tuloy! Gusto ko pa naman siyang tirisin na parang kuto."sabi pa niya na kinukuyom ang mga kamao.
Natigil lang siya ng may pumingot sa kanyang tenga. "Araaaay! Vicky, ano ba masakit!!"
Matapos siyang pingutin ay pinamengawan siya nito. "Lagi ko nang sinasabi sayo na tumigil ka sa kakaasta na parang babae Carla Bueno."
Napalabi siya. "Kumikilos lamang ako sa kilos na komportable ako."
"Alam ko, pero nagpapanggap ka na nga na lalake sa Cafe De Amor hanggang sa labas pa rin pa ba naman ng trabaho?"
Inismiran na lamang niya ito. Siya, si Carla Bueno ay madalas pagkamalang lalake. Sa kilos at pananamit, mapagkakamalan mo talaga siyang lalake. Idagdag pa diyan na payat siya at maiksi lang ang kanyang buhok. Madalas siyang tawaging Carl. At nakasanayan na niya ang ganung palayaw. Hindi siya tibo. Alam niya sa puso at isip niya na babae siya. Komportable lang talaga siya sa ganoong kilos at porma. Kung kelan siya aastang babae, yun ang hindi niya alam.
"Lagot! Late na tayo!"narinig niyang sabi ni Vicky.
Napatingin siya sa kaniyang relo. "Shit! 8:30 na!"
"Ikaw kasi! Pinatulan mo pa yung lalakeng yun!"paninisi sa kanya ni Vicky.
"Ipinagtatanggol lang kita sa nambabastos sa'yo."
Inirapan lang siya nito at saka sila sabay na naglalakad papuntang Cafe De Amor. Nagtatrabaho sila roon bilang mga waitress at barista. At patakaran sa Cafe doon na 8:30 pa lamang ay nandoon na sila.
Mag-i-8:45 na ng umaga ng makarating sila ng Cafe. Dali- dali silang nagpunta sa locker room para makapagsuot ng uniform nila.
"Ang cute mo talaga diyan sa uniform mo!"sabi ni Vicky saka gigil na pinisil ang kanyang pisngi. "Mukha ka talagang totoy."
"Ssshh..huwag ka ngang maingay diyan at baka may makarinig sa'yo."saway niya rito.
Pareho pa silang nagulat ng biglang bumukas ang pinto ng locker room.
"You two are late! Bakit nandito lang kayo at nagke-kwentuhan?"
"S-Sir Chad..."gulat at kinakabahang sabi ni Carl. Narinig kaya sila ng binatang amo niya?
TBC.
—
BINABASA MO ANG
Just The Way You AreBy Camille Belmonte
HumorBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...