"Kailangan ba talagang ito ang isuot ko?"iritableng sabi ni Carla habang pilit hinihila pababa ang kanyang maikling damit. Dahil sa wala siyang bitbit na damit ng magpunta sila ng farm dahil sa pagmamadali ni Chad, wala rin siyang maisuot sa pagbyahe pabalik nila ngayon sa Maynila. Okey naman sa kanya kung isuot niya na lang ang mga damit pangtrabaho na ginamit niya sa farm. Pero tumutol ang binata at sinabing bibilhan na lamang siya. Kahit gusto niyang tumutol,wala rin siyang magawa kundi ang pumayag na lang sa gusto nito.
"Bakit? Bagay naman sa'yo ah."ngingiti-ngiting sabi ni Chad na sinulyapan siya pababa sa suot niyang damit.
Naningkit naman ang mata niya sa sinabi nito. Saka inis na hinihila ang miniskirt na suot. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan. Pakiramdam niya kita na ang kaluluwa niya sa suot na maiksing palda. Hindi rin siya kumportable sa fit na blouse na suot niya ngayon. Mas sanay siya sa loose t-shirt at pantalon. Sobrang iritasyon tuloy ang nararamdaman niya para sa binata. Pakiramdam niya ay pinagtitripan na naman siya nito. Alam na nga nitong ayaw niya sa ganung damit pero pinagsuot pa rin siya nito ng ganun.
"Huwag ka ng mainis dyan."pagkuwa'y sabi ni Chad na tila nababasa ang iniisip niya. "Di magtatagal at masasanay ka rin sa ganyang mga damit."
She rolled her eyes. "Wala akong balak na sanayin ang sarili ko sa ganitong kasuotan. Kaya huwag mo ng ipilit ang gusto mong mabago ang pananamit ko."
Tumawa lang ang binata. "Ako ang amo mo. Kaya sa ayaw mo't sa gusto,susundin mo lahat ng inuutos ko sa'yo kasama na dyan kung ano ang susuotin mo,kung ano ang kakainin mo,oras ng pagtulog mo at kung anu-ano pa."
"Ewan ko sa'yo."inis niyang sabi saka humalukipkip.
Nagkibit-balikat na lamang ang binata saka muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.
"Dadaan muna tayo sa cafe bago tayo pumunta sa condo ko."maya-maya'y sabi ng binata.
Agad namang napaunat sa pagkakaupo ang dalaga. "P-Pwede ba tayong dumaan kay tatay?"
"Bakit?"agad na tanong ng binata na nasa mata ang pagdududa.
Nakaramdam nanaman ng iritasyon si Carla sa nakikitang reaksyon ng binata. "Pupuntahan ko ang tatay ko. Kailangan kong malaman kung kumusta na siya. Hindi ba't sinabi ko na sa iyong maysakit siya? Kung iniisip mong tatakas ako, hindi. Iniisip ko lang ang kalagayan ni tatay."
"Fine! Fine! Pero saglit lang tayo at ayoko ng magbyahe ng gabing gabi."sabi ng binata.
Tumango siya bilang pag-sang-ayon at sa unang pagkakataon mula ng mabuking siya ng binata ay nginitian niya ng buong tamis ang binata.
Saglit namang natulala si Chad sa pagngiting iyon ng dalaga saka agad na itinuon ang pansin sa daan. Carla looks so cute on her outfit. Naisipan lang niya itong bilhan ng ganung damit para pagtripan pero nagulat siya ng makitang napakaganda pala nito sa suot nitong blouse at miniskirt. Lalo pa itong gumanda ng ngumiti ito. She's so cute and petite and he find her attractive that moment.
Bahagya niyang naipilig ang ulo sa naisip. What was he thinking? Wala siyang balak ma-attract sa kanyang magiging maid.
******
"C-Carla? Is that you?"sabi ni Marissa na pilit kinikilala ang babaeng kasama ni Chad ng pumasok ito sa office ng cafe.
Kiming tumango lamang si Carla.
Nanlaki naman ang mata ng dalaga saka maya-maya ay sinugod ng yakap ito. "Oh my God, di kita nakilala. Anong nangyari at ganyan ang itsura mo? You look so beautiful! Anong ginawa sa'yo ni Chad at napagsuot ka niya ng ganyan?"
"H-Ho?"namumulang sabi ng dalaga.
"Hoy ikaw Richard! Ano ginawa mo kay Carla sa farm ha? Pinahirapan mo ba siya dun?"pangungulit ni Marissa na hinarap naman ang binata.
"Hold your horses,Marissa. Kadarating lang namin at nagpuputak ka na agad dyan."awat naman ng binata rito.
"Ano ngang ginawa mo sa kanya doon?"pangungulit ng dalaga.
Napabuntung-hininga naman ang binata sa kakulitan ng kanyang bestfriend. "Ginawa ko siyang trabahador sa farm. Pero nagkasakit siya kaya iniuwi ko na lang siya dito."
"What??! Oh My God!"agad tsinek ni Marissa si Carla. "Okey ka na ba? May masakit pa ba sa'yo?"
Napangiti naman ang dalaga sa nakitang pag-aalala ni Marissa bago umiling dito. "Wala na po. Magaling na po ako. At saka si Sir Chad naman po ang nag-alaga sa akin."
Taas ang kilay na lumingon si Marissa sa matalik na kaibigan. "Is that true?"
Natatawa na naiiling naman ang binata sa nakikitang kakulitan ng kanyang kaibigan. "Opo Lola. Inalagaan ko siyang mabuti. Dahil baka magalit ka kapag hindi."nang-aasar na sabi niya rito.
Inirapan naman siya ng dalaga. "Mabuti kung ganun."saka ito muling humarap kay Carla. "Dito ka na lang sa Cafe magtrabaho. Mas gamay mo ang mga trabaho dito."
"She's not going to work here."agad na sabat ni Chad saka tumingin kay Carla na nakasimangot sa kanya.
Agad na lumingon si Marissa sa kanya na nasa mukha ang pagtataka. "What do you mean?"
"Isasama ko siya sa Condo ko. Siya na ang magiging personal maid ko simula ngayon."
"What?!"taas ang boses na tanong ni Marissa. "Ano na namang kalokohan 'to Chad? Hindi ka ba naaawa kay Carla?!"
Umirap ang binata. "Pumayag naman siya sa gusto ko eh. Sandaling panahon lang ang itatagal ng pagiging katulong niya. After that,quits na kami."
Napailing-iling na lamang si Marissa. "Ewan ko sa'yo." maya-maya ay hinarap nito si Carla saka binulungan. "Huwag kang mahiyang magsumbong sa'kin kapag pinapahirapan ka ng kolokoy na yan ha? Akong gaganti para sa'yo."
Natatawa man ay tumango na lamang si Carla.
"Tara na Carla. May pupuntahan pa tayo at gusto ko na ring magpahinga."yaya ni Chad at hindi na hinintay ang tugon niya at nauna ng lumabas ng office.
"Aalis na po kami Ma'am."nakangiting paalam niya sa mabait na amo.
Ngumiti din ang dalaga sa kanya. "Ingat ha? At ikaw na rin ang bahalang mag-pasensya kay Richard. Anyway,you really look good on your new outfit."
Pinamulahanan naman siya ng mukha sa sinabi nito. "S-Si Ma'am talaga. Napagdiskitahan lang ho ako ni Sir Chad na pagsuotin ng ganito."
Lalong lumapad ang ngiti sa labi ni Marissa sa sinabi niya. "Well, i think sa lahat ng ginawa ni Chad,yan lang tama. I'll suggest him to buy you clothes like that."
"M-Ma'am naman!"
Napahagikgik tuloy ang dalaga sa nakikitang reaksyon niya. "Joke lang. Pero honestly, bagay talaga sa'yo ang ganyan. Hindi malayong magustuhan ka ni Chad."
Lalo tuloy siyang namula sa sinabi nito. "Ma'am naman eh!"
"Malay natin ikaw ang magpatibok ulit sa puso ng masungit mong amo."nakangiti ng sabi ni Marissa.
Napakunut-noo naman siya. Magpatibok ulit sa puso ni Sir Chad? Nainlove na ba ang binata noon?
"Carla, halika na!"
Gulat at natigil sa pag-iisip ang dalaga ng makita ang nakasimangot at tila inip na inip na binata na nakasilip sa may pintuan.
"N-Nandyan na po!"agad niyang sabi saka kinawayan na lamang si Marissa bilang pamamaalam saka sinundan na ang binata.
ITUTULOY..
BINABASA MO ANG
Just The Way You AreBy Camille Belmonte
HumorBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...