Hindi malaman ng dalawa kung ano ang sasabihin ng mga oras na iyon. Gulat na gulat sila at hindi nila ine-expect na darating si Chad. Para tuloy silang mag-nobyo na nahuli sa locker room na may ginagawang "something".
"A-Ano kasi C-Chad...S-Si Carl kasi..."sabi ni Marissa na hindi malaman ang sasabihin sa binata.
Nahintakutan naman si Carl. Sasabihin na ba ni Ma'am Marissa ang sikreto niya?
"Ano yung tungkol kay Carl, Marissa?"kunut-noong tanong ng binata habang pinaglilipat ang tingin sa dalawa.
Saglit na tumingin si Marissa kay Carl. "Ah, si Carl kasi umiiyak. Hindi pa rin kasi nawawala ang ubo ng tatay niya. Nag-aalala kasi siya sa sitwasyon nito."
Tiningnan ng binata si Carl. "Totoo ba iyon?"
Marahan siyang tumango rito. Napatungo siya. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ni Marissa. Hindi rin pala siya nito ibinuko kung gayon.
"Pero bakit kayo nandito sa locker room? Anong ginagawa ninyo dito? At magkayakap pa kayo."sabi ng binata na naka-kunot noo pa rin."Kino-comfort ko lang siya. Kaibigan na rin ang turing ko sa kanya, Chad."pagdedepensa ni Marissa.
"Kahit pa! hindi magandang tingnan."nakahalukipkip na sabi ni Chad.
"Oo na po, Lolo Chad. Masungit ka na naman."sabi ni Marissa sa kanyang bestfriend.
Napailing- iling na lamang ang binata.
"Halika na Carl at magsara na tayo."yaya ni Marissa rito para makaiwas sa iba pang katanungan ni Chad sa kanila.
Mabilis namang tumalima si Carl at sumama na sa kaniya habang si Chad naman ay kunut-noong nakatanaw sa kanila.
==========
"MA'AM Marissa, salamat po at hindi ninyo ako ibinuko kay Sir Chad."sabi ni Carl rito habang nagliligpit sila sa Café.
"Wala iyon. Naiintindihan naman kita. Pero gaya nga ng sabi ko sa'yo. Kailangan ikaw mismo ang magsabi niyon kay Chad. Huwag mo ng hayaang mabuko ka pa niya. Mahirap na at baka kung ano pa ang magawa niya sa iyo."pag-papaalala sa kanya ni Marissa.
Saglit siyang napa-isip. Magagawa kaya niyang aminin sa kanyang amo ang totoo? Parang natatakot ata siya. Paano kung paalisin siya nito sa trabaho? Paano na niya tutustusan ang pangangailangang medical ng kanyang ama?
Natigil siya sa pag-iisip ng makitang papalapit si Chad sa kanila. "Okey na ba ang lahat?"tanong niya sa dalawa.
"Oho Sir Chad. Nakapag ligpit na po kami ni Ma'am Marissa."sagot ni Carl rito.Napatango- tango ang binata. "Mabuti naman. Kung ganon, umuwi na tayo. Ihahatid ko na kayo."
"Dala ko ang kotse ko. Si Carl na lang ang ihatid mo."sabi ni Marissa saka nginisian si Carl.
Nanlaki naman ang mata niya sa ideyang ihahatid siya ng kanyang amo. "Naku Sir huwag na po. Kaya ko naman pong mag-commute."
"Sumabay ka na sa'kin, Carl. Tara na. it's getting late."sabi ng binata at hindi na hinintay na makatanggi pa siya at nauna na itong lumabas.
Napakamot na lamang siya sa batok.
"Ingat kayo sa pagba-byahe."sabi ni Marissa na may pilyang ngiti sa labi. "You know what, kung magpapakababae ka lang sana talaga, alam mo yun, yung magbibihis babae ka at kikilos na parang dalagang pilipina, hindi malayong magustuhan ka ni Chad."
"Ma'am naman!"gulat niyang sabi rito. "Kahit sa panaginip hindi ko naiisip yan. Saka magsuot ng damit pambabae?"umiling-iling siya. "Naaalibadbaran po akong magsuot ng ganon. Mas komportable po ako sa t-shirt at maong na pantalon."
Tumawa lang ang dalaga. "How I love to see you turn into a beautiful swan."
Napalabi na lamang si Carl. Ayaw niya yata sa idea na naiisip ni Ma'am Marissa.
"DITO na lang po ako Sir Chad."sabi ni Carl ng nasa kanto na sila papunta sa kanyang bahay."Saan diyan ang bahay ninyo?"tanong ng binata na tumingin pa sa kalsada.
Itinuro naman iyon ng dalaga. "Doon po Sir sa pangatlong bahay sa dulo, yun pong may green na gate."pagtuturo niya rito.
Napatango- tango naman ang binata pagkakita sa itinuturo niyang bahay. "Dalawin ko na lang ang tatay mo kapag hindi na ako busy."
Natigilan naman siya. Si Sir Chad? Pupunta sa kanila? Bigla niyang naalala ang tatay niya. Hindi nito alam na nagpapanggap siyang lalake para makapag-trabaho. Baka maibuko siya nito ng di sinasadya kapag nakilala nito si Chad. "Naku Sir, huwag na po. Nakakahiya naman po sa inyo. Makakaabala lang po iyon sa inyo. Sasabihin ko na lang po na pinakukumusta po ninyo siya."agad niyang sabi rito.
Saglit siyang tinitigan ng binata pagkuwa'y napabuntung-hininga. "Okey. If that's what you want. Pakisabi na lang na magpagaling siya."pagkatapos ay may dinukot ito sa pantalon. Inilabas nito ang pitaka at naglabas ng dalawang libo. "Here, take these. Ipa-check up mo ang tatay mo."
"Naku Sir huwag--"
"Accept it. Alam kong kailangan mo yan. At ayokong tinatanggihan ako."seryosong sabi nito at inilagay sa palad niya ang pera.
Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ito. Totoo namang kailangan niya ng pera pampagamot sa tatay niya. "S-Salamat po."
Bahagyang ngumiti ang binata sa kanya. "I'll go ahead then."
Pagkatango niya rito ay pinaandar na nito ang kotse nito at umalis na habang siya ay hinatid na lamang ito ng tanaw.
======It was eleven o'clock in the evening. Pagkauwi sa bahay at matapos makapaghilamos at makapagpalit ng damit ay pagal na nahiga si Chad sa kama.
What a day!
Hindi siya makapaniwala sa mga natuklasan niya ngayong araw na'to. It all started ng mauliningan niyang sinasaway ni Carl si Vicky to keep quiet at baka mabuking sila. He got curioused. May itinatago bang sikretn si Carl?
Hanggang sa kanina ngang pagbalik niya sa cafe ay may narinig siya ng pag-iyak. He was surprised to hear that Carl was crying at kasama nito si Marissa. Kaya nga kahit mali na mag-eavesdrop siya ay nakinig siya sa ginawang conffession ni Carl kay Marissa sa tunay nitong pagkatao.
At ngayon ngang alam na niya ang pagkatao ni Carl, siguro'y kailangan na muna niyang magpa-imbestiga para sa karagdagang detalye tungkol sa pagkatao nito.
At habang ginagawa niya yun,gagawa din siya ng paraan para lumabas ang tunay nitong pagkatao.
BINABASA MO ANG
Just The Way You AreBy Camille Belmonte
HumorBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...