Nanginginig sa takot si Carl ng mga oras na iyon. Matapos siyang mabuking ni Marissa na may dibdib siya at siya'y isang babae at nagpapanggap lang na lalake ay dali-dali siya nitong dinala sa locker room at ngayon ay matiim na tinitingnan habang paroo't parito sa harapan niya.
"Paano mo nagawa sa'min to, Carl? Ba't ka nagpapanggap na lalake?! Hindi ako makapaniwalang niloloko mo lang pala kami!"naghihinanakit na sabi ni Marissa na tumigil sa harap nya.
"H-Hindi ko po intensyon na lokohin kayo Ma'am Marissa. Nawalan lang po ako ng choice kundi magpanggap na lalake."naiiyak na sabi ni Carl.
Napakunot-noo ang dalaga. "Anong ibig mong sabihin?"
Sinimulan niyang magkwento dito.
Nagsimula iyon ng makilala niya si Chad five months ago.*flashback*
Kasalukuyang naglalakad-lakad ng umagang iyon. Naghahanap siya ng trabaho ng mga oras na iyon. Kailangan niyang magka-trabaho dahil maysakit ang kanyang tatay. Sobrang nag-aalala siya sa sitwasyon nito dahil hindi na yata nawawala ang ubo nito at tila lumalala pa. Pinatigil na niya ito sa pagko-construction worker para makapagpahinga ito. Ang tatay na lamang niya ang meron siya at natatakot siyang mawala ito. Kaya eto at gumagawa siya ng paraan para magkapera para mapagam0t ang kanyang tatay.
Pero ilang araw na siyang naghahanap na trabaho at hanggang ngayon ay hindi siya matanggap tanggap sa mga ina-apply-an niya. Naiinis siya sa mga rason ng mga nag-reject sa kanya sa mga in-apply-an niya. Kesyo hindi raw pleasing ang kanyang personality at hindi fit para sa in-aaplayan nitong trabaho bilang saleslady. Ganoon din ang sinabi sa kanya ng mag-apply siya as cashier sa isang supermarket. Mukha daw siyang lalake at hindi ito magandang tingnan sa isang babaeng cashier. Naiinis talaga siya sa mga dahilan ng mga ito. Naniniwala siyang hindi nasusukat ang kakayahan ng isang tao base lamang sa pananamit at kilos nito kundi sa determinasyon nitong magtrabaho at kung paano itong magsumikap na umangat ang buhay mula sa kahirapan. At saka anong magagawa nila kung ganito siya manamit at kumilos?
Nag-iisang anak lamang siya ng kanyang tatay. Namatay na ang kanyang ina ng siya ay isinilang nito. At dahil dalawa na lang sila ng tatay niya ang magkasama sa buhay, nagagaya na niya ang kilos at pananamit nito. Mahirap lamang ang pamilya nila kaya madalas kung ano ang napagliitan na damit ng tatay niya ay iyon ang kanyang ginagamit. Maikli rin ang kanyang buhok na abot hanggang batok. Mas gusto niya ang ganoong hairstyle dahil hindi mahirap ayusan. Hindi na kailangan itali at suklayan lagi. Namana naman niya ang payat na pangangatawan sa kanyang tatay kaya madalas ay pagkamalan na totoy. Madalas siyang bawalan ng tatay niya na baguhin at ayusin ang kilos niya pero hindi siya nito masaway. Komportable siya sa ganoon itsura eh.
Naglalakad-lakad siya noon at tumitingin tingin ng mga paskil kung may mga hiring ng may biglang bumangga sa kanya. Gulat na gulat siya at muntik nang masalya sa kalsada. Buti na lamang at nai-balance niya ang kanyang sarili at hindi tuluyang natumba. Napatingin siya sa lalakeng nakabangga sa kanya. Hindi man lang ito tumigil para mag-sorry sa kanya at tuluy-tuloy lang sa pagtakbo na tila may tinatakasan. Naningkit ang mata niya sa galit. Pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat iyong mga taong walang pakialam kahit nakasakit na ng kapwa.
Mabilis niya itong hinabol. "Hoy! Tumigil ka nga! Hindi ka man lang marunong humingi ng sorry!"Nilingunan lang siya nito ngunit binilisan ang takbo.
Lalo siyang nakaramdam ng galit sa ginawa nito. Binilisan din niya ang pagtakbo. Nang malapit na siya rito ay hinablot niya ang bitbit nitong bag kaya naisalya niya ito. Galit na bumangon ito at minura siya. Mabilis itong tumayo.
"Hoy ibalik mo ang bag ko!"
Napatingin siya sa pinanggalingan niya kanina at nakita niya ang isang lalakeng matangkad na palapit sa kanila. Napabalik ang tingin niya sa lalakeng hinabol niya kanina ng hablutin nito ang bag na nahablot niya mula rito. Kaya pala nagmamadali ito ay dahil sa magnanakaw ito. Pero bago pa ito makatakbo muli ay hinila niya ang t-shirt nito at ng pagharap nito sa kanya ay binigyan niya ito ng suntok sa panga. Bagsak ito sa semento. Siya naman ay napangiwi at iwinasiwas sa ere ang nasaktan na kamao.
"Salamat sa pagtulong mo na mahuli ang nagnakaw sa bag ko."sabi ng isang tinig ng lalake. Napatingin siya at nakitang ang matangkad na lalake iyon. Ang tangkad nito. Nasa six feet ito marahil samantalang siya ay five feet lamang kaya kailangan pa niyang tingalain ang lalake. Napansin din niyang gwapo ito. Bagay na bagay ang singkit nitong mata sa eye glasses nito. Matangos din ang ilong nito at mapula ang labi.Nakita niyang pinulot nito ang bag nito at binuksan upang i-check kung may nawawala sa gamit nito. Nang matantiyang walang nawawala sa mga gamit nito ay muli itong isinara at isinukbit sa likod nito. "Salamat ulit sa pagtulong mo. Kung hindi dahil sayo baka wala na ang mga laman nito."
Nginitian niya ito. "Wala po iyon. Ang totoo nga niyan, hinabol ko yung lalake kasi binangga niya ko. Naghahanap kasi ako ng mga hirings dito ng mabangga niya ako."
"Naghahanap ka ba ng trabaho? Tamang-tama kailangan ko ng waiter sa cafe ko. Kung okey lang sa'yo as a way of saying thank you sa ginawa mong pagtulong sa'kin, iha-hire kita as waiter. Kailangan ko din kasi ng lalakeng waiter. Umalis kasi yung isa kong tauhan doon. Ano okey lang ba sa'yo iyon pare?"
Natigilan siya. Kung tama siya ng iniisip, napagkamalan siya nito na lalake. Gusto sana niyang i-correct ito at sabihing babae siya pero natigilan ng maisip na chance na pala niya iyon para magka-trabaho. At pag nagka-trabaho siya, mapapagamot na niya ang tatay niya. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin. Napatingin siya sa lalake, hindi naman siguro masama kung magpapanggap siyang lalake, tutal kilos lalake naman siya. Gagawin lang naman niya iyon para sa tatay niya. Yun lang. "Ah, oo. Okey lang sa'kin yun. Kailangan na kailangan ko din kasi ng trabaho dahil maysakit ang tatay ko."
Napatango-tango ito. "Sorry to hear that. Huwag kang mag-alala hindi naman mahirap ang trabaho doon kasi coffee shop iyon. Anyway, I'm Richard Yuan. Chad for short."
"ako naman si C-Carl. Carl Bueno."napangiwi siya. Carla ang tunay niyang pangalan at naiilang yata siyang gamitin ang Carl bilang pangalan.Nakipagkamay sa kanya ang lalake. Umasta naman siyang lalake na nakipagkamay rin rito. Gusto niyang mailing sa ginagawa niya.
Matapos noon ay dinala siya ni Chad sa cafe nito. Pagdating doon ay trinaining na siya at binagyan ng uniform. Nalaman din niyang doon nagta-trabaho ang kaibigan niyang si Vicky. Pagkakita pa lang sa dalaga ay agad niyang sinabihan ito na huwag sabihin na babae siya. Noong una ay pinapagalitan siya nito pero ng sabihin niya rito ang dahilan kaya ginagawa niya iyon ay sumang ayon na rin ito at naunawaan ang dahilan niya.
Simula nga noon ay nakilala na siya sa Cafe De Amor bilang si Carl at hindi bilang si Carla.*end of flashback*
"Y-Yun nga po yung mga pangyayari kaya napilitan akong magpanggap na lalake."sumisinghot singhot na sabi ni Carl matapos ikwento kay Marissa ang lahat.
Nakaramdam naman ng awa ang dalaga para rito. Napabuntung-hininga ito. "Paano kapag si Chad na mismo ang nakatuklas ng lihim mo? Hindi mo ba alam na pwede kang matanggal sa trabaho dahil sa ginawa mo? Masamang magalit si Chad alam mo yan."
Lalong naiyak si Carl sa sinabing iyon ni Marissa. Paano na ang tatay niya kapag nagkataon? "Ma'am tulungan po ninyo ako. Huwag ninyo pong sabihin kay Sir ang totoo. Nagmamakaawa po ako sa inyo!"Rumehistro ang pagkabahala sa mukha nito. "Malalagay pa ako sa alanganin sa'yo nyan eh." napabuntung hininga ito ng makita ang pag-iyak niya. "Sige na. Oo na. But you have to promise na ipagtatapat mo ang lahat kay Chad pagdating ng panahon."
Nagulat pa si Marissa ng bigla niya itong yakapin. "Salamat Ma'am!" nangiti na lamang ang dalaga. Kung sigurong lalake lang si Carl baka kinilig na siya sa ginawa nitong pagyakap pero hindi pala sila talo.
Nagulat pa silang dalawa ng biglang bumukas ang pinto ng locker room."WHAT IS THE MEANING OF THIS?!!!"
Kapwa nanlaki ang mga mata nila Carl at Marissa ng tumambad sa kanila si Chad na nakakunut ang noo. Sabay pa silang napalunok ng laway ng maramdaman ang galit at pagkagulat sa tinig ng binata."Anong ibig sabihin nito?! At bakit magkayakap kayo?!! Would you please explain this to me? NOW!!" maawtoridad na sabi ni Chad.
TBC.
![](https://img.wattpad.com/cover/55962689-288-k95437.jpg)
BINABASA MO ANG
Just The Way You AreBy Camille Belmonte
HumorBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...