Pagal na napasandal sa dingding ng rest room si Carl. Anim na araw na niyang suot ang pesteng damit pambabae na iyon at lagi siyang nangangati. Ano ba kasing pumasok sa kokete ng amo niya at naisipan siyang papag-suotin ng maid uniform? Si Vicky naman ay pinagsuot nito ng butler's uniform.
Sa pagkaka-alam naman niya ay maayos ang kita ng negosyo ng amo niyang sina Chad at Marissa kaya hindi niya talaga ma-gets kung bakit kailangan pa ng ganitong pakulo ni Sir Chad.
Gusto na nga niyang mag-walk out kanina nang pagsuotin siya nito ng headband. And take note, may ruffles pa yung headband. Kaya nga halos buong araw siyang wala sa mood dagdag pa ang pananakit ng ulo niya at katawan. Kaya imbes na patulan ang mga trip ng amo niya ngayon ay tahimik na lamang siyang sumusunod.
Mahirap na at baka mawalan pa siya ng trabaho. Madalas pa naman niyang mapansing pinagmamasdan siya ng binatang amo.Naka-pout na humarap siya sa salamin ng restroom. Hindi siya mukhang boyish ngayon.
Naka- one sided kasi ang maiksi niyang buhok. Hindi katulad ng nakaugalian niyang nasa gitna ang hati ng buhok niya. Ang itsura niya ngayon ay isang cute na payat pero mestisang babae. Madalas namang sabihin ng tatay niya na maganda siya. Pero hindi naman niya iyon pinaniniwalaan. Sino ba naman kasi ang magsasabing maganda siya gayong umaasta at nagdadamit pa siyang lalake?
Minsan tuloy naiisip niya kung may magkakagusto ba sa kanya sa itsura niya.Natigil lamang siya sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng restroom at Makitang papasok si Sir Chad."Mukhang pagod ka yata ah."puna sa kanya ng binata nang pumunta ito sa tabi niya at naghugas ng kamay sa may faucet doon.
"Hindi naman po. Medyo masakit lang po ang ulo ko ngayon.""You should rest for a while. Wala namang masyadong customers ngayon."nakangiting sabi sa kanya nito.Alanganing ngiti ang ibinigay niya rito. "Oho. Salamat po."saka na siya nagsimulang lumakad papuntang pintuan ng restroom."Sandali lang Carl."tawag sa kanya ng binata.Takang lumingon siya rito.
"Bakit po sir?"Nakita niyang napatingin ito sa may likurang bahagi ng palda niya. "May dugo sa palda mo."Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa likurang bahagi ng kanyang palda. May bahid nga ng dugo ang palda niya!Mabilis pa sa alas kwatrong nagtungo siya sa isa sa mga cubicle ng restroom.
"Shit! Bakit ngayon pa 'ko dinatnan?"anas niya habang bahagyang winisikan ng tubig ang palda at kinukusot ito hoping na mawawala ang mantsa. Kaya pala masama ang pakiramdam niya, yun pala eh dadatnan siya ngayong araw na 'to. Hindi tuloy niya napaghandaan.Nagsimula na siyang kabahan.
Ano na ngayon ang sasabihin niya Carl kapag nagtanong ito kung bakit may dugo sa palda niya? Siguradong magtataka iyon.She started biting her finger nails. Hindi na siya mapakali ngayon. Parang gusto na niyang magpalamon sa lupa sa mga oras na iyon."Carl..."Lalo siyang kinabahan sa pagtawag na iyon ng binata sa kanya. Kinatok pa siya nito sa may cubicle kaya lalo siyang di mapakali."Lumabas ka diyan sa cubicle, gusto kitang makausap.
"Napapikit siya nang mariin. "Diyos ko, hindi po ito nangyayari."mahina niyang usal."Lalabas ka dyan o gigibain ko ang pinto na yan para lang lumabas ka dyan."Nakaramdam siya ng takot sa tono ng boses ng binata. Ngayon niya naalala ang sinabi ni Ma'am Marissa na iba kung magalit si Sir Chad.
Kaya no choice siya kundi ang lumabas na lamang.nanginginig pa ang kamay na hinawakan niya ang seradura ng pintuan ng cubicle. And she bited her lips when she saw Chad looking at her intensely."Lumapit ka rito."maawtoridad na utos nito sa kanya.Alumpihit na lumapit siya rito.
"HOW COULD YOU DO THIS TO ME?"Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa amo. Nababasa niya sa mga mata nito ang galit at hinanakit. At nakakaramdam siya ng takot rito.
=============
This must be his lucky day!Sinong mag-aakalang mabibisto niya ng harapan si Carl. Ang gagawin na lamang niya ngayon ay paaminin ito. At kung ano ang susunod niyang gagawin, BAHALA NA."Don't act as if you don't know what I'm talking about young lady." Matalim ang matang sabi niya rito.Lalo yatang nanlaki ang mata nito sa sinabi niya.
"A-Alam ninyo na po?""Alam na ano? Alam na babae ka pala? Yeah, I just heard nung minsang kausap mo si Marissa."sarkastikong sabi niya rito."N-Narinig po ninyo 'yon?"hindi makapaniwalang sabi ng dalaga sa kanya."Yes!"malakas niyang sabi rito. "And you totally disappointed me! I trusted you so much pero ganito lang pala ang ginawa mo."Marahil dahil sa takot ay napa-atras si Carl at hindi namalayang napupunta sa lababo roon.
"H-Hindi ko naman po kagustuhang lokohin kayo."nangangatal na sabi nito habang patuloy na umaatras."Oh really. Gaya ng hindi mo kagustuhang magpanggap na lalake ka ganun ba?"galit na sumbat niya kay Carl na sinusundan ito."Hindi po. Napagkamalan ninyo po kasi akong lalake."depensa nito.
"And you never corrected me, God dammit!"Narealize na lang niya na wala na palang takas sa kanya si Carl dahil nasa may lababo na ito at nakaharang ang katawan niya rito."You'll pay for this."galit pa ring sabi niya rito.
===============
Hindi makapaniwala si Carl nang biglang hawakan ni Chad ang magkabila niyang pisngi at saka siya nito sinibasib nang halik sa labi.She couldn't even think. Her body froze and she just let this angry man kiss her.
Halos walang pag-galang ang paghalik nito sa kanya. Animo'y nagpaparusa sa kasalanang ginawa."T-Tama na."mahina niyang sabi rito.Ngunit hindi siya nito pinakinggan at diniinan pa nito ang paghalik sa kanya.
Nagsimula siyang magpumiglas pero mas malakas sa kanya ang binata. Pero ibinuhos niya ang kanyang buong lakas para maitulak ito at nagawa naman niya.
Pagkatapos nun ay sinampal niya ito."Walang hiya ka!"galit niyang sigaw rito."Nababagay lang yan sa'yo dahil niloko mo ako!"galit ding balik nang lalake sa kanya.Hindi niya mapigilang umiyak. Hindi niya sukat akalaing gagawin ito sa kanya ni Sir Chad.
"A-Aalis na lang ako!"Hindi na siya nakapalag nang mahigpit na hawakan ni Carl ang braso niya. Napangiwi pa siya sa higpit ng hawak nito sa kanya. "B-Bitawan mo ako.""You are not going to resign."
"P-Pero—""Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito habang palabas na sila ng restroom."S-Saan mo ako dadalhin?""You'll know it when we get there.
"sabi nito na nasa mukha ang pagkauyam at galit.Dire-diretso siya nitong dinala sa parking lot ng café. Nakita niyang napasunod sa kanila sina Marissa at Vicky. Nasa mga mukha ng mga ito ang pag-aalala at pagtataka. "Ken, anong nangyayari?"nag-aalalang tanong ni Marissa.
"Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng 'to."sagot ni Chad habang pilit siyang ipinasasakay nito sa kotse.
Nang magawa iyon ay muling ang binata kina Marissa at Vicky. "Pagkatapos ko dito sa babaeng ito, kayo naman ang kakausapin ko!"Hindi na hinintay pa ng binata ang reaksyon ng dalawa at sumakay na sa kotse.
Nanlalaki naman ang mga mata ng dalawang dalaga. Hindi nila sukat akalaing mabubuking na ang kanilang kaibigan. Nakaramdam tuloy sila ng pag-aalala para kay Carl.
![](https://img.wattpad.com/cover/55962689-288-k95437.jpg)
BINABASA MO ANG
Just The Way You AreBy Camille Belmonte
HumorBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...