"Tapos na 'kong ayusan ka."nakangiting sabi ni Marissa kay Carla. "You are very beautiful tonight." puri nito at tuwang-tuwa dahil naging maganda ang kinalabasan nito sa pag-aayos sa kanya. Ito kasi ang tumayong make-up artist ng dalaga.
Agad namang humarap ang dalaga sa salamin at namangha siya. Napakaganda nga niya ng gabing iyon, ibang-iba sa postura at kilos niya. "A-Ang ganda. Maraming salamat Ma'am Marissa sa pagprisintang ayusan ako."nakangiting sabi niya sa dalaga.
"Ano ka ba? Wala 'yon no? 'tsaka h'wag mo na 'kong tawaging Ma'am, hindi mo naman na ako amo. Ituring mo na rin akong isa sa mga kaibigan mo."
"Sige."nakangiting sang-ayon niya rito.
"Anyway, nasa'n na ba si Chad at hanggang ngayon ay wala pa rin siya? He should be here by now or else you'll be late for the party."litanya ni Marissa na kinuha pa ang sariling cellphone nagsimulang mag-text.
"Papunta na raw siya."sagot niya sa dalaga. Tumingin siya sa orasan at nakita niyang mag-a-alas otso y medya na ng gabi.
"Well i'm excited to see Richard's face kapag nakita niya kung gaano ka kaganda ngayong gabing ito. Hindi na rin ako magtataka kung ora mismo ay manligaw siya sa'yo."ngingiti-ngiting sabi ni Marissa.
"M-Marissa!"namumulang saway niya rito.
Natawa na lamang ang dalaga sa reaksyon niya.
"Carla, anak..."
Napalingon agad si Carla sa pintuan ng kanyang kwarto pagkarinig sa kanyang ama. "Tay, pasok po kayo."nakangiting yaya niya rito.
"Napakaganda mo ngayon anak."nakangiting sabi nito at nasa mukha ang tuwa habang pinagmamasdan siya.
Nangiti na lamang siya sa sinabi nito.
"May gusto sana akong ibigay sa'yo."sabi nito at may kinuha mula sa bulsa.
Bahagyang napakunut-noo siya ng makitang inilabas nito ang isang kwintas. Simple lang ang disenyo nito na may ga-butil na mais na diyamante. "Para sa'kin po ba yan?"
Nakangiting tumango ang matanda. "Pag-aari ito ng inay mo. Ang sabi niya pamana iyan sa panganay na babae ng pamilya nila. Kaya nga ibinibigay ko na sa'yo ito dahil ito na ung tamang pagkakataon na mapasaiyo ito."saka ito lumapit sa kanya at isinuot mula sa likuran niya ang kuwintas.
"Salamat,tay."nakangiting sambit ni Carla na yumakap pa rito.
Napakislot lang siya ng makarinig ng pagtawag sa labas ng kanilang bahay.
"Oh my God, i'm sure si Chad yan."excited na sabi ni Marissa. "Ako na ang magpapapasok sa kanya sa sala."saka ito lumabas ng kwarto.
"Ready ka na ba, anak?"tanong ni Mang Nilo. "Pakiramdam ko tuloy ay debut mo ngayon. Napakaganda mo."
Natatawang naiiling si Carla. "Si tatay talaga. Makikipag-birthday party lang naman ho ako. Yun nga lang eh mayayamang tao ang mga makakaharap ko kaya kailangang presentable ang itsura ko."
"Mag-enjoy ka dun ha?"
Tumango siya at muli ay niyakap ang matanda. "Opo,Tay."
"Oh sige na 'nak lumabas na tayo at nandyan na ang prinsipe mo."tudyo nito.
Natatawa at naiiling na tumayo na lang siya at lumabas ng kwarto. Bakit ba tinutudyo siya ng lahat kay Chad?
~~~~
Pagkalabas na pagkalabas ni Carla sa pintuan ng kanyang kwarto ay agad nagtama ang mga mata nila ni Chad. Namangha siya sa porma ng binata. Napaka-gwapo nito ng gabing iyon. Bagong gupit ito at nakatuxedo. Ibang-iba sa Chad na kilala niyang naka polo shirt at suot ang eyeglasses. Napaka-simpatiko nito ngayon. Lahat ng kababaihan ay maiinggit kapag nakitang ito ang ka-date niya.
BINABASA MO ANG
Just The Way You AreBy Camille Belmonte
HumorBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...