Just the Way You AreBy: Camille Belmonte Chapter 20

1.4K 38 1
                                    

  Masaya ang lahat dahil naging maayos na ang kondisyon ng Ama ni Chad na si Ronaldo. Naging mabilis ang pag-galing nito at anumang oras ay pwede na itong ilabas ngunit naging mahigpit ang bilin ng doctor rito na huwag na munang magtrabaho para hindi ma-stress. Gusto mang tumutol ng workaholic na Ginoo ay wala na rin siyang nagawa dahil alam niyang pipigilan din ito ng asawa nito kapag nagpilit siyang magtrabaho agad.

"Carla..."

Agad na lumapit sa hospital bed ng Ginoo ang dalaga matapos marinig ang pagtawag sa kanya nito. Iniwan muna niya ang mga kakwentuhang mag-ina na sina Chad at Milda. "Ano po iyon, Tito? May masakit po ba sa inyo? Gusto ninyo po bang tawagin ko ang nurse?"sunud- sunod niyang tanong na hindi na hinintay pa ang sagot nito at akma na sanang aalis.

Ngunit naging maagap naman ito at pinigilan siya. "I'm okay. I just want to talk to you."

Natigilan naman siya at napatingin kay Chad. Nakita niyang nakatingin din ito sa kanila at tila hinihintay ang susunod na sasabihin ng ama sa kasintahan. Napaisip siya kung ano ang dahilan at gusto siyang kausapin ng Ginoo. Napakagat- labi siya. Sana naman ay hindi siya nito awayin. "B-Bakit ninyo po ako gustong makausap?"alanganing tanong niya.

"I want to thank you."anas nito.

"P-Po?"

"Thank you for saving me. I never thought that among others, ikaw pa na labis kong inaayawan ang tutulong at magliligtas sa akin. Milda told everything about it and I just don't know how to be thankful to you lalo pa't napagsalitaan kita ng 'di maganda noon. I-Im very sorry hija."sabi nito na pinangiliran ng luha sa mata. "P-Patawarin mo ako sa panlalait sa'yo at sa estado mo sa buhay. Tama si Milda, hindi lang pera ang pwedeng magpasaya sa isang tao. It is love and family that will make you be the happiest person in the world. And Chad is very lucky to have you. Dahil nakita na niya ang kaligayahang kukumpleto sa buhay niya."

Hindi rin niya maiwasang maluha sa sinabi nito. Nakita rin niya sa gilid ng kanyang mata ang naluluha ding si Milda habang si Chad naman ay nakita niyang napangiti sa nasaksihan dahil finally ay tanggap na tanggap na nito ang relasyon nilang dalawa.

Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ng matanda. "K-Kalimutan na po natin iyon. Ang importante po ngayon ay maayos na ang kalagayan ninyo at okay na po kayo ni Chad. Masaya na po akong nakikita kayong buo at masayang magpamilya."nakangiti niyang sabi rito.

Napangiti din ito. "Chad is really a lucky man. You're such a humble child. Maraming salamat,anak."

Hindi nakahuma si Carla sa narinig niyang iyon mula sa matanda. Tinawag siya nitong anak. Hindi niya napigilang yakapin ito. "Maraming salamat din po sa pagtanggap ninyo sa akin para kay Chad."at napangiti siya ng maramdaman ang pag-ganti nito ng yakap. Alam niyang ng mga oras na iyon ay nagkaroon na siya ng pangalawang tatay.

"Thanks dad at tinanggap ninyo na kami ni Carla."nakangiting sabi ni Chad na lumapit sa dalawa. Kasunod nito si Milda na nakangiti rin.

Napangiti naman ang matanda sa anak. "You deserve the entire happiness son."

"So it means hindi na talaga tuloy ang arranged marriage nila ni Emily?"tanong ni Milda.

Nagtaka sila ng makitang dumilim ang mukha ng matanda.

"Dad, what's wrong?"nag-aalalang tanong ni Chad.

"Ayoko nang Makita ang pagmumukha ng Emily na iyon kahit kailan."sabi nito na nasa tono ang galit.

"Bakit Ronaldo?"nagugulumihanang tanong ni Milda.

"She went to the house that day bago ako atakihin sa puso. She was demanding me to do something para mapigil ang kasal nila Chad at Carla. I told her na wala na akong magagawa pa sa bagay na iyon. She got mad and told me that I am useless. I never expected that she would say those words. Nagalit ako sa kanya pero doon na ako inatake sa puso. Humingi ako ng tulong sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin hanggang sa tinawanan niya ako sa kalagayan ko at iniwan. Doon ko naramdaman ang pagsisisi. Maling tao pala ang kinampihan ko. Maling mali pala ako sa desisyon ko noon na ipakasal kita sa kanya Chad."

"Oh my God."gulat na anas ni Milda na nabigla sa mga sinabi ng asawa.

Si Carla naman na tahimik lang ay gulat na gulat din sa mga ipinahayag ng matanda. Ngayon ay alam na niya ang dahilan kung bakit tila nagmamadali si Emily na makaalis sa mansion ng araw na iyon. Hindi niya maiwasang malungkot at maawa para sa dalaga. Kulang na kulang ito sa atensyon at pagmamahal.

Naikuyom ni Chad ang kamao sa narinig mula sa ama. Hindi niya sukat akalaing magagawa iyon ni Emily sa papa niya. "I need to teach that girl a lesson."

"Huwag, anak."pigil ng ama nito. "Dahil sa nangyari, I decided to end my business relationship to her family. I can't work with them anymore."

"Pero paano na po ang negosyo ninyo?"

"There is nothing to worry about it. Isa pa nandyan ka naman para tulungan mo ako hindi ba?"

Napangiti naman ang binata. "Sure Dad. I am going to help you from now on."

"Anyway, kailan ba ang kasal ninyo?"tanong ng matanda sa magkasintahan.

"Next month na po."sagot ni Carla.

"Gusto kong maging engrande ang kasal ninyong dalawa, Chad at Carla. You don't have to worry about the expenses. Ako na ang bahala doon."nakangiting sabi ni Ronaldo.

Gulat na gulat ang magkasintahan. Nagkatinginan pa silang dalawa dahil sa di nila inaasahan ang biyayang dumating sa kanila.

"Is that for real Dad?"

"Of course! My only son is getting married to the nicest girl in the world kaya kailangan kong pagkagastusan ito ng husto."

"N-Nakakahiya naman po yata."nakangiwing sabi ni Carla.

"Huwag ka nang mahiya hija."nakangiting sabi ni Milda. "We're family now, right?"

Nakangiting napatango siya saka tiningnan si Chad. Ngumiti ito sa kanya at ginantihan niya ito ng matamis na ngiti. Lihim siyang nagpapasalamat sa diyos dahil naging maayos na ang lahat.

*****

"Where have you been?"mabalasik na sabi ng ama ni Emily isang gabi pagkadating pa lamang niya ng bahay.

Napakunot-noo naman ang dalaga. This is the first time na nagtanong ang kanyang ama kung saan siya nagpunta. Madalas kasi ay wala ito at busy sa trabaho. "I went shopping."maarte niyang sabi.

"Have you heard the news about your Tito Ronaldo?"

Napataas lamang ang kilay niya.

"Inatake siya sa puso. But luckily Chad's girlfriend saw him at madali siyang naidala sa ospital."

Natawa siya ng pagak. "So that poor girl save him. Napakaswerte naman ng matandang iyon. I thought mamamatay na siya nung iwan ko."

"So totoo pala ang sinabi sa akin ni Milda. Ikaw ang dahilan kaya inatake sa puso si Ronaldo! Bakit mo ginawa iyon? Ni hindi mo man lang tinulungan ang Tito mo!"galit nitong sabi na napatayo pa para lapitan siya.

Hindi naman nakahuma si Emily pero maya- maya'y naging mataray ang itsura. "Bagay lang sa kanya ang ganoon! He is useless! Wala naman siyang nagawa para mailayo niya si Chad sa Carla na iyon! Dapat nga sa matandang iyon mamatay!"

Natigil lang siya ng padapuan siya ng sampal ng kanyang ama. Halos mabiling ang kanyang mukha lakas ng sampal nito at parang namanhid na ang kanyang mukha. "S-Sinampal mo ako?"di makapaniwalang sabi niya rito.

"You are such a disgrace into this family. I never thought you would do something like that. Alam mo bang dahil sa ginawa mo, pinull out na ng mga Yuan ang lahat ng mga business transactions nila sa atin? Naisip mo ba kung ilang milyon ang nalugi sa atin? Siguro hindi. Because you are to busy thinking about yourself! Wala ka nang inatupag kundi maglakwatsa, gumastos at magpaganda. Ni wala ka ngang pakinabang sa pamilyang ito! Kaya simula ngayon, I want you to be out of this house. I don't want to see you here anymore. I'm also taking away your access to your credit card and atm. Go and learn to live yourself on your own. Mas mabuti ng wala akong maging anak na tulad mo."

Gulat na gulat si Emily sa sinabi ng ama. "N-No. Y-You're just joking right?"

Umiling- iling ito. "I'm sorry but I'm serious about it. You can leave this house now."saka siya nito iginiya sa pintuan ng mansion.

"N-NO! Dad, please don't do this to me!"pagmamakaawa niya rito. Iniiwas niya ang sarili sa paglabas ng bahay.

"Get out of this house now!!"sabi nito at walang habas siya nitong itinulak papalabas ng bahay saka isinara ang pinto.

Napasubsob naman siya sa lupa pero agad siyang tumayo at di ininda ang galos na natamo sa pagkakasubsob. "Daddy! Please papasukin ninyo ako!"pagmamakaawa niya habang kinakalampag ang pinto. Pero kahit anong katok at tawag niya ay walang nagbubukas. "D-Daddy!"palahaw niya. Hindi niya sukat akalaing sa isang iglap ay mawawala sa kanya ang lahat ng dahil kina Chad at Carla. "Humanda kayong lahat. Gaganti ako, lalong lalo na sa iyo Carla."

*****

THE WEDDING DAY...

Dumating na rin ang araw na pinakahihintay nila Chad at Carla. Ang kanilang kasal. Maayos na ang lahat. And everyone is excited for this very special day. Lahat ay nasa simbahan na kasama na roon si Chad na excited nang Makita ang pinakamamahal na nobya. Naroon na rin sina Ronaldo, Milda, Nilo at Vicky na masayang nagke-kwentuhan.

"This is it Chad. This is the moment you've been so long."nakangiting sabi ng maid of honor na si Marissa sa bestfriend.

"Yes, heto na nga yung matagal ko ng hinihintay. I'm so happy and nervous at the same time."bahagyang nakangiting sabi ni Chad. Hindi niya talaga maiwasang nerbyusin ng mga oras na iyon. Ito na kasi ang matagal niyang hinihintay at ngayong mangyayari na ang lahat, parang gusto niyang himatayin sa tuwa.

"Congratulations, best. Masayang- masaya ako para sa iyo."sabi ni Marissa at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you so much."nakangiting sabi niya rito at niyakap din ito.

"Nandito na ang bride!"

Halos mapatalon si Chad s narinig. Dagli siyang pumunta sa may pintuan ng simbahan para Makita ang dalaga. At hayun nga at dumating na ang bridal car nito. Muli ay napangiti siya. Nandito na nga si Carla. Nandito na ang kanyang pinakamamahal na bride. Pero nawala ang ngiting iyon ng makitang may babaeng nakaitim na kasuotan ang pumasok sa bridal car ng dalaga.

****

"Aren't you glad to see me?"sarkastikong sabi ni Emily kay Carla matapos makapasok sa bridal car at tutukan siya ng baril. Maya- maya'y hinarap nito ang driver ng bridal car. "Ikaw, lumabas ka dyan!"utos nito sa driver na agad namang lumabas ng kotse sa takot.

"E-Emily..."nahihintakutang sabi niya.

Napapalatak ito. "Mukha ka ng mayaman ngayon ah."

"Emily... a-anong ibig ng lahat ng ito?"takot niyang sabi. Hindi niya sukat akalaing mangyayari ito sa araw ng kasal niya. Natatakot siya sa anumang gagawin ni Emily. Mukhang problemado ito. Miserable ang aura nito.

"You see this gun?"saka nito itinutok sa kanya ang baril. "Ito lang naman ang gagamitin ko para matapos na ang buhay mo. At gagawin ko iyon sa harap ng pinakamamahal mong si Chad."saka ito tumawa na parang demonyo.

"H-Huwag Emily..Matakot ka sa Diyos!"takot na sabi niya pero tila hindi siya nito narinig at kinaladkad siya nito palabas ng kotse. Halos magkandarapa pa siya dahil naaapakan na niya ang laylayan ng kanyang trahe de boda.

Napahiyaw siya ng marinig na nagpaputok ito ng tatlong beses sa ere. Narinig din niyang napahiyaw din sa takot ang mga tao sa simbahan.

"Chad!!"tawag nito sa loob ng simbahan. "I got your lovely girlfriend here. Maybe you want to witness how I will kill her."

Nakita niya ang tangkang paglapit ng nobyo sa kanila. "Carla!"alalang sabi nito.

"Hep! Don't you dare come near or else babaon ang bala sa ulo ng babaeng ito."banta nito kay Chad na natigilan sa nais gawin. Halos masakal naman si Carla sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Emily sa may leeg niya. At this point in time, naghahanap siya ng paraan para makatakas sa babaeng ito.

"Emily, hija, huwag mong gawin iyan. Please hija, mali iyang nais mong gawin."sigaw ni Ronaldo na tila gustong kumbinsihin ang dalaga na tigilan na ang lahat ng nangyayari at sumuko na lamang.

"Shut up!! Wala kang karapatang diktahan ako kung ano ang gagawin ko! Papatayin ko ang babaeng ito hangga't gusto ko!"hiyaw ni Emily.

Carla needs to do something. Kaya nga mariin niyang kinagat ang braso nito na nakapulupot sa leeg niya. Halos mapasigaw ito sa sakit at lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya. At dahil doon nagawa niyang mahablot dito ang baril. Pero naging maagap ito at mabawi sa kanya iyon. She decided not to give up at nakipag-agawan ng baril rito. Pwersa sa pwersa ang labanan. She needs to get that gun or else mapapatay siya nito. Alam niya maaagaw na niya ito rito ang baril hanggang sa...

BANG!

Kapwa nanlaki ang kanilang mata ni Emily. Napatingin si Carla sa bandang tiyan niya at nanlambot ang kanyang tuhod ng makitang umaagos doon ang dugo. Sapo ang nabaril na bahagi ng kanyang katawan ay tumumba siya sa lupa.

"CARLAAA!"

Nahintakutan naman si Emily sa nakita. Napaatras ito. "N-No. W-Wala akong kinalaman dyan. S-Siya ang may k-kasalanan kaya nakalabit ko ang gatilyo. I-I have n-nothing to do with this. Wala!!!"saka ito tila hinahabol ng sampung aso na takot na umalis.

Parang gustong gumuho ng mundo ni Chad ng makitang bumagsak sa lupa ang kanyang kasintahan. Mabilis niya itong nilapitan at binuhat. "Carla..Diyos ko po, Carla hold on please."hindi niya malaman ang sasabihin ng mga oras na iyon. Namalayan na lamang niyang umiiyak na lamang siya.

"B-Baby..."paanas na sabi ni Carla at hinaplos ang kanyang mukha gamit ang duguang kamay.

"H-Huwag ka na munang magsalita...D-Dadalhin na kita sa ospital."at habang sinasabi iyon ay tumutulo ang kanyang luha.

"I...I-I love you..."

Napalakas ang iyak niya sa sinabi nito. "B-Baby please hold on! H-Huwag mo akong iwan please!! Mahal na mahal kita!"

But his world stop ng ang duguang kamay nitong humahaplos sa mukha niya ay unti- unting bumabagsak. Nakita niyang nakapikit na rin ang dalaga. "Carlaaaaa!!!"hagulgol niya.

A/N: abangan ang last chapter po nito. Ü —  

Just The Way You AreBy Camille Belmonte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon