"M-Magandang hapon po, Ma'am, Sir."magalang ngunit kinakabahang bati ni Carla sa mag-asawang Yuan.
Abot-abot ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon lalo pa't kaharap na niya ang mga magulang ni Chad. Hindi niya maiwasang makaramdam ng panliliit dahil kitang kita niya sa mga postura ng mga ito na galing ang mga ito sa mayamang pamilya.
"Napaka-pormal mo naman hija."nakangiting sabi ni Milda. "You can call me 'Tita' and you can call Chad's daddy as 'Tito'."sabi pa nito saka hinawakan ang kamay niya.
"S-Sige ho,T-Tita."nag-i-stammer na sabi ni Carla.
"So ikaw pala ang ipinagmamalaking kasintahan ng suwail kong anak?"
Napakagat-labi si Carla ng marinig na nagsalita ang ama ni Chad. Labis siyang kinakabahan sa Papa nito. Sa tindig at kilos nito ay makikita mo na tila istrikto itong tao. Hindi rin ito ngumingiti sa kanya at laging matiim kung tumitig sa kanya.
"Ang sabi sa akin ni Emily ay galing ka lamang sa isang mahirap na pamilya. Tapatin mo nga ako hija, kaya ka ba nakikipagrelasyon sa anak ko ay para perahan siya?"
"Papa!"saway ni Chad sa pagiging prangka ng kanyang ama.
Napayuko naman ang dalaga. Kahit pala ganitong nagpapanggap lang sila ng binata ay nasasaktan siya sa pagmamaliit at pang-iinsulto ng Ginoo sa kanya.
"I just want this young lady to be honest. Maganda nang ngayon pa lang ay nalalaman na natin kung ano ang intensyon niya sa pagpasok sa pamilya natin."
"Ricardo don't be so cruel to her."sabi ni Milda na lumapit sa asawa at hinawakan ang braso ng asawa. "Give her the chance to prove herself."
Marahas namang binawi ng matandang lalake ang braso mula sa pagkakahawak ng asawa. "I'm not asking for your opinion,Milda."
Tila napahiyang dumistansya ang Ginang at tumahimik sa isang tabi.
Napatiim-bagang naman si Chad sa nasaksihan. Kahit kailan talaga ay hindi sila nagkasundo ng kanyang ama. Sa tuwina kasi ay gusto nitong maging sunud-sunuran siya sa mga nais nito gaya ng ginagawa nito sa mama niya. Ipinagkasundo lang din ang kanyang mga magulang. At noon pa man ay sunud-sunuran na ang kanyang Mama sa lahat ng gusto at desisyon ng kanyang Papa. At ng siya na ang subukang manipulahin ng kanyang ama ay hindi siya pumayag. Instead, he made his way to be free and to live independently.
"Walang dapat patunayan sa inyo si Carla. Yes, mahirap lang siya but she's a nice person. She has a good heart. And i love her for who she is."
Agad na napalingon si Carla sa sinabing iyon ni Chad at nakita niyang nakatingin ito sa kanya at hindi maipaliwanag kung anong emosyon ang nasa mata ng binata. Hindi rin siya nakahuma ng sabihing mahal siya nito.
Napapalatak naman ang matanda. "Hindi ka aasenso kung puro pag-ibig ang paiiralin mo. Si Emily ang dapat mong mapangasawa. Mayaman siya katulad natin.Siya lamang ang nararapat na maging bahagi sa pamilya ng mga Yuan at hindi ang babae ito!"litanya ni Ricardo na dinuro pa si Carla.
"Stop it, Papa!"galit na sabi ni Chad na agad nilapitan at niyakap si Carla na halatang natakot sa Papa niya. "I think it would be better if you leave now."
"Yes, aalis na nga kami. It was just a waste of time coming here just to see you. You're so pathetic, Richard. You can have your girlfriend all you want but i won't consider you a Yuan anymore. Halika na,Milda. Umuwi na tayo."sabi nito at nauna ng lumabas ng Cafe.
Susunod sana agad ang Ginang ngunit tumingin ito kay Chad. Nag-aatubili siyang umalis agad at nilapitan silang dalawa ni Carla.
"I'm very sorry,hijo."apologetic na sabi nito. Bakas sa mukha nito ang lungkot sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Just The Way You AreBy Camille Belmonte
HumorBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...