Just The Way You Are by: Camille CHAPTER 13

1.3K 33 1
                                    

  "Anong meron?" Kunut-noong tanong ni Vicky ng makapasok na sa cafe sina Chad at Carla. Kanina pa siya nalilito sa mga pangyayari. Ang alam lang naman niya ay nagpaganda si Carla dahil iyon ang kondisyon ng binata nilang amo. Pero laking gulat niya ng halikan nito ang kaibigan at ipakilalang girlfriend nito sa isang bisita nila.

"A-Ano kasi--"

"She's my girlfriend now."sabat naman ni Chad sa sasabihin ni Carla. Umakbay pa ito sa dalaga.

"H-Ho?"gulat at nanlalaki ang mga matang sabi ni Vicky.

"Tumigil ka nga dyan!"naiinis na saway ni Carla sa binata pagkatapos ay hinarap ang kaibigan. "Ganito kasi yon, nagpapanggap lang kami na mag-nobyo."

"Ha?" kunut-noong sabi nito na tila di sila maintindihan.

Naging maagap naman ang binata at agad ipinaliwanag ang lahat, mula sa arrange marriage nila Chad at Emily hanggang sa pagpapanggap nila ni Carla.

"Sa palagay ninyo po ba naniniwala yung Emily na yun Sir?"hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Vicky.

Napakibit-balikat naman ang binata. "I dunno. But i hope naniwala siya kahit papaano."

"Eh papaano po kung manggulo siya sa inyo?"tanong pa rin nito sa kanila.

Napangiti naman ang binata. "Don't worry. Ako na ang bahala doon. Hindi ko hahayaang saktan niya si Carla. Although sa tingin ko si Emily pa ang masasaktan sa lupit makipag-away ni Carla."

Napahagikgik naman si Vicky sa sinabi ng binata. "Ay naku sir sinabi ninyo pa. Pero Sir, may posibilidad ba na magka-inlove-an kayo ni Carla?"

"H-Hoy Vicky! Magtigil ka nga dyan!"saway ng namumulang si Carla. "Kung anu-ano ang sinasabi mo dyan. Ikaw kayang saktan ko?"

Napairap naman ito sa kanya. "Nagtatanong lang naman eh."

"Hey guys, mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ah."

Napatingin naman ang tatlo sa pinto ng Cafe ng makitang dumating si Marissa.

Si Marissa naman ay agad napatingin kay Carla. "Carla? Oh my God you're so beautiful today."tuwang-tuwang sabi nito at nilapitan pa ang dalaga at inikot-ikot ito para tingnan ang itsura nito.

"Sila na ni Sir Chad, Ma'am."sabat ni Vicky.

"Whaaat?!"gulat na gulat na sabi ng dalaga. "Tama ba iyong narinig ko?"tanong pa nito kay Carla.

Alanganin man ay napatango na lamang si Carla.

"Oh my goodness."napasapo sa noo si Marissa. "Ano ba talagang nangyayari sa inyong dalawa?"

Chad obliged to explain everything to Marissa. At gaya ng reaksyon ni Vicky kanina ay gulat na gulat din ang dalaga.

"My God Chad! You are really crazy! Pati si Carla idinamay mo sa problema mo kay Emily!"inis na sabi nito na parang gustong kutusin ang binata.

Napakamot naman sa ulo ang binata. "I have no choice. Ginugulo ako ni Emily. And nangako naman ako kay Carla na pagkatapos nito, hindi ko na siya guguluhin pa."

"Mabuti naman kung ganun."nakairap na sabi nito sa binata. "Sana lang huwag na kayong guluhin pa ni Emily."

*****

Pero ng hapong iyon ay may mga di inaasahang bisita si Chad na dumating.

"Mom? Dad?"di makapaniwalang sabi ng binata. It's been two years simula ng umalis siya sa poder ng kanyang mga magulang. Pinandigan niya ang pag-alis at maging ang pangungumusta sa mga ito ay hindi niya ginawa.

Just The Way You AreBy Camille Belmonte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon