Hello guys! Sana suprtahan niyo din to. Paalala lang don't judge me sa mga typos grammar huh??? Thankyouu!!
Enjoy Reading:).
CHAPTER ONE
South Korea ~
Katrina
"Ma'am Garcia, eto po ang mga schedule niyo ngayon" sabi ng secretary kong pilipino at saka niya pinakita at sinabi ang ilan sa mga gagawin ko ngayon."Wala po kayo masyadong gagawin sa araw na ito ngayon, Ma'am"
"Thanks Pia, you may leave now" sabi ko.
It's been 7 years, bago na ang buhay ko. May sarili na akong negosyo. Nagsumikap ako para lang makapag tapos lang ako ng pag-aaral. Simula kasi nang itakwil ako ng mga magulang ko, wala na akong yaman na nakuha sakanila maski isa, hinayaan lang nila ako. Si eonnie lang ang mahalaga sakanila kaya kinalimutan na nila ako.
Sa loob ng pitong taon na 'yon ay natuto akong humingi ng tawad, maging mahinhin, yung tipong hindi slut at bitch, natuto rin akong magparaya.
Lahat ng natatamo ko ngayon ay sarili kong sikap at tiyaga. Siyempre, kaya malakas ang loob ko, nandyan lang siya palagi para sakin, hindi niya ako kailanman iniwan.
"Mama!" Tawag sakin ng batang kakapasok lang, kasama niya ang pamilyar na mukha.
"Mama! Me and Appa, buy this for you! Look!" Sabay pakita sakin ng anak ko ng bulaklak.
"Happy Anniversary, babe." sabi niya, napangiti naman ako. Buti pa siya ay may regalo sakin, ako wala man lang maibigay sakanya, tanging pagbati lang ang magagawa ko. Nakalimutan ko kasi dala nang mga trabaho ko. Mapag-intindi naman siya hindi siya yung taong magsasawa pag wala ng time sayo.
"Happy Anniversary din babe, Sorry wala pa akong gift, naging busy kasi ako sa trabaho eh," sabi ko. Nilapitan naman niya ako at niyakap, ginantian ko rin siya ng yakap.
"Ayos lang kahit wala, importante ikaw," sagot niya.
"Hihihi! Ang s-sweet mo po appa!" Sabi ni Justin.
He's Justin Anz Garcia, 6 years old na siya. Ang baby kong napaka cute, sobrang bibo, at mapagmahal. Manang mana sakin.
"Haha! Ikaw talaga baby," sabi ni seph. Siya ay isang korean- filipino tulad ko. Yes, marunong siya mag tagalog. Ang sabi niya sakin ay tinuruan daw siya ng Daddy niya na mag tagalog. Filipino ang tatay niya, koreana naman ang nanay niya.
"Tara na, dinner tayo labas," saad ko sakanila tumayo ako at kinuha ko mga gamit ko. Masaya ako ngayon dahil kasama ko sila wala nakong mahihiling pa.
Ilan sandali lang nakarating nakami sa isang resto malapit sa office ko.
Agad naman kami umorder ng korean food. Tulad ng kimchi, ramen at iba pang favorite ko nung bata pa ko.
"Mama can i asked you a question?" Tanong ng anak ko.
"Oo naman ano yun anak?" tanong ko rin
"Diba sabi niyo po pupunta po tayo ng Philipines? Magtotour po tayo?" natigilan naman ako sa pagkain ko hindi ko inaasahan tatanungin niya about sa dati kong bansa marami akong iniiwasan at lalo na Siya
"Uh, maybe someday baby mama is busy pagwala nakong ginagawa baby ha?" saad ko
"Yes mama" sagot ng napaka cute kong anak.