XI

343 12 0
                                    


CHAPTER ELEVEN

Dustin

Nandito ako ngayon sa labas ng pinto ng condo ni trina, tinawagan ko siya sabi ko sakanya malapit na ko at eto na nga kinakabahan naman ako. Nag doorbell naman ako at ilan sandali lang binuksan naman niya agad ko siyang binati.

"Hi! Good morning" pag bati ko

"Morning din, halika pasok ka kanina ka pa niya hinihintay" sabi niya, ako naman natuwa dahil hinihintay pala ako ng anak ko. Agad naman ako pumasok at nakita ko agad yung anak ko nasa may sala busy sa mga nilalaro niya hindi niya ako agad napansin

"Baby" pag tawag sakanya ni trina agad naman siya tumingin sa gawi namin, nagulat pa siya ng makita ako, ng maka bawi agad siya tumakbo papunta samin

"Daddy!" tawag niya ng makalapit sakin nakayakap na siya sa mga binti ko agad naman ako lumuhod at niyakap siya ng mahigpit. Parehas kaming umiiyak ngayon hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko ngayon basta ang alam ko masayang masaya ako.

"My son" tanging nasabi ko lang, napakalaki ng kasalanan ko sakanya pero ngayon babawi ako sakanya

"I miss you daddy" sabi niya at don naman ako lalo naiyak

"I miss you too baby, babawi si daddy sayo ha" sabi ko sakanya tumango naman siya. Napatingin ako kay trina umiiyak din siya ngayon para sa anak niya. Nginitian niya ko then i say thank you pero pabulong lang, tumango naman siya, tumingin ako ulit sa anak ko at pinunasan ang mga luha niya at kinarga siya.

"Maiwan ko muna kayo magluluto lang ako ng tanghalian" sabi naman ni trina at pumunta na ng kusina ako naman umupo sa sofa pinaupo ko si Justin sa lap ko magkaharap kami ngayon.

"Ikaw po pala daddy ko kaya po pala kamukha kita" sabi niya sabay hawak ng mukha ko kaya naman napapikit ako pero agad din ako dumilat at hinawakan ang mga kamay niya.

"Kamukha nga kita, syempre anak kita eh" sabi ko napangiti naman ako

"Ang tagal kita hinintay daddy" sabi niya

"Sorry baby kung ngayon lang ako, ang dami kong kasalanan sayo pero babawi ako okay?" sabi ko sakanya

"Okay lang po daddy naiintindihan ko po kayo hihi" sagot naman niya sabagay 6 years old na din siya pero kahit na bata parin siya para makaintindi sa lahat ng problema, pero wala ako magagawa masiyadong matalino anak ko mana talaga sakin.

"Hmm, what is your full name baby?" tanong ko sakanya, hindi ko pa kasi alam ang buong pangalan niya justin lang ang pagkakaalam ko.

"Justin Anz Garcia po daddy kayo po daddy?" he's not using my name. Oo nga pala tinalikuran ko siya noon kaya hindi niya gamit ang apelyido kaya hindi na dapat ako magtataka.

"Alexander Dustin Vasquez baby" nasabi ko na yung pangalan ko dati sakanya pero hindi naman buo binigay ko.

"Bakit hindi po kita ka apelyido daddy?" natahimik naman ako, anong isasagot ko sakanya. Oo nga nakakaintindi siya pero hindi lahat maiintindihan niya bata parin siya

"Baby kasi ano-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla lumabas si trina

"Hey, anong pinaguusapan niyo jan dalawa?" sabi niya samin

"Mama bakit hindi ko ka apelyido si daddy?" tanong agad ni justin napatingin naman sakin si trina, agad naman niya hinarap si Justin

"Ganito kasi yan anak, kami ng daddy mo hindi kami kasal at naipaliwanag ko naman sayo lahat hindi ba?" sabi niya

"Ganon po ba mama" sagot naman agad niya

"Pero kung gusto mong maging ka apelyido ang daddy mo okay lang, kung gusto rin din niyang palitan" nagulat naman ako sa sinabi niya

Mistake in The PastWhere stories live. Discover now