III

1.3K 46 7
                                    


CHAPTER THREE

Katrina

Kasalukuyan kong tinitignan ang mga design na gawa ko na naka guhit sa isang long bandpaper. Mga damit pangkasal, pang prome night, at kung ano pa. Yun ang trabaho ko na naging successful naman at eto nga meron nakong 3 branch ng boutique ko. Yung isa ay sa Paris at ang huli sa Pilipinas. Ang pinak main branch ng boutique ko ay dito sa korea.

WoAnne's Designs

Yan ang pangalan ng boutique ko. Ewan ko ba kung bakit yan ang naisip ko basta ang alam ko maganda siya para sakin.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa pintuan agad ko naman ito pinapasok kaso hangang sa may pintuan nalang daw siya.

"Ma'am narito po si sir Joseph" sabi ni pia habang naka dungaw sa may pintuan ng opisina ko.

"Sige papasukin mo siya" sagot ko naman sakanyan

Mayamaya lang meron nanaman kumatok alam kong siya na 'to

"Come in" sagot ko habang nakatuon ang atensiyon ko sa mga papel na hawak ko.

"Good afternoon babe" sabi niya at napatingin naman ako dito.

"Good afternoon too babe" sabi ko at hinalikan ko nalamang siya, smack nga lang.

"Busy ka yata?" Tanong niya tumingin ako ulit sakanyan at nginitian

"Hindi naman masiyado" sabi ko sakanyan

"Yan ba talaga ang gusto mo?" Huh? Gusto ano pinagsasabi nitong babe ko?

"What do you mean by that babe? I don't get you" i said to him

"Hm, what i mean is ang pagiging sikat na fashion designer?" Yun pala yun kala ko ano na.

"Yes, bata pa lamang ako mahilig nako gumuhit ng mga damit at ano pang may kinalaman sa fashion" sagot ko sakanyan

"I'm so proud of you babe. You reached your goals" sabi nito sakin

"Hindi ko naman makukuha lahat ng ito. Tinulungan mo ko sa lahat. I love you babe and thankyou for accepting me and my son" sabi ko sakanyan nginitian naman niya ko.

"Ginawa ko 'yon kasi mahal kita mahal na mahal at mahal ko din ang anak mo babe" sabi niya sakin marami na nga naging sakripisyo ni Joseph samin ng anak ko tinuring na niyang anak ito.

"Tama na nga ang drama. Halika na sunduin nanatin si justin baka umiyak nanaman 'yong bata yun" sabi ko sakanyan

"Mana sa mama kasi iyakin ka, iyakin ka ba nung bata ka?" Tanong niya

"Hindi no! Ano kaba babe" sabi ko sakanya

"Hahaha" tanging tawa nalang ang naging sagot nito napailing iling nalang ako.

Pakatapos ng ilan minuto ay nandito na kami sa school ni Justin oras na ng uwian kaya marami ng mga estudyante lumalabas nagaabang nalang kami dito sa harap ng school niya, hangang sa natanaw nanamin siya kinawayan ito ni Joseph agad naman siya lumapit samin.

"Appa!! " tawag ni Justin habang tumatakbo.

"Don't run baby" sabi naman ni Joseph dito.

"Hello mama" sabi naman nito sakin.

"Hello my baby" sabi ko naman binuhat ko ito at pinaghahalikan ang mga pisnge niya

"hahahaha! Mama stop it!" Natatawang sabi nito kaya naman tumigil nako

"Appa?" Tumingin ito kay Joseph kinuha naman niya ito sakin pagkakarga.

"Yes? Anong gusto ng baby namin?" Tanong naman nito kay justin

"I want another toys appa! Can you buy me a new one??" Tanong ni justin sumosorba na itong bata to ha? Masiyadong spoiled kay Joseph.

"Okay i will buy you a new one, basta lagi kang good boy" sabi naman nito hindi talaga niya matitiis si justin mahalaga din kasi ito sakanyan tulad ng pagpapahalaga sakin.

"Babe, last na iyan ha? Nagiging spoiled na si justin dahil ibinibigay mo lahat sa kanya" sabi ko sakanyan

"Opo last na po to, hindi ko kasi matangihan itong baby natin na cute na cute!" Sabi niya. I can't lose this man.

***

Dustin

"Ma, i told you, hindi ako makakapunta tambak ang trabaho ko sa opisina" kasalukuyan kong kausap si mama ngayon nasa mini office ako ng bahay namin.

"Please lang naman ngayon lang ako humiling sayo anak naman" sabi ni mama ang kulit naman nitong nanay ko eh no? Hays.

"Ma, naman bakit hindi nalang si papa ang pumunta doon" sabi ko rito hindi naman gaano ka busy si papa e.

"No! Hindi pwedi may gagawin kami ng papa mo kaya ikaw ang pupunta sa conference meeting sa korea tapos ang usapan!" Sabi nito wala na nagtaas na ng boses si mama kapag kasi nagtaas na ito boses seryoso na siya.

"Okay ma, calm down okay? Ako na pupunta" sabi ko dito. Wala na hindi ko na ito matatangihan kasi nga baka hindi ako pansinin ng one week ganon katindi ang mama ko

"Good bukas na flight mo, don't forget my pasalubong pagkauwi mo my son" sabi ni mama, what anong sabi niya! bukas na bukas rin aalis ako ng bansa? Eh hindi pa nga ako nakakakuha ng ticket papuntang korea tapos bukas na agad?!

"Ma akala ko po ba sa linggo palang alis ko ano to bakit biglang bukas agad?" Sabi ko sakanya pinaningkitan naman niya ko ng mata

"Fine!" Sabi ko susundin ko nalang kung anong gusto nito dahil patay ako kay papa pag nagsumbong 'tong nanay ko ubod ng ganda kahit nasa 40's na ito.

"Mas mabuti na ang maaga anak para agad ka narin makauwi dito okay? Sumunod ka nalang and nakuha na kita ng ticket" sabi nito at tumayo na.

"Where are you going ma?" Tanong ko dito

"Mall magdadate kami ng papa mo sama ka??" Sabi ni mama grabe ang tanda na nila nagdadate pa? Grabe 'tong magulang ko.

"No need ma, magiimpake nalang ako" sabi ko dito

"Okay i need to go, bye baby ko" sabi ni mama kinawayan pa ko, baby? Ano ako bata pa.

"Ingat po ma" sabi ko nalang dito

"I will" sabi ni mama at tuluyan ng umalis at sinara ang pintuan naiwan ako dito.

Bigla ko lang naisip at naalala si Trina kamusta na kaya siya galit parin ba siya sakin? Yung anak namin kamukha ko ba? Ang dami kong tanong sa isipan ko pero wala naman akong makuhang sagot.

Ang tagal ko silang hinanap pero hangang ngayon wala parin, siguro nga karma ko na ito napakasama ko kasi. Ako kasi ang dahilan kung bakit umalis siya. Tanging sulat lang ang naabutan ko sa hospital kung saan ko siya dinala noon pakatapos non ay wala nakong naging balita sakanyan.

Pero pinagdarasal ko din na sana makita ko na sila kahit lang sa anak ko makabawi ako sa pagkukulang ko sakanyan gusto kong makilala niya ko bilang ama niya, ipinakilala kaya ako ni trina sa anak namin? Sana man lang ipinakilala niya ko kahit sa pagpapakita lang ng mga litrato ko, alam kong galit siya sakin malabo na ipakilala niya ko kaya gusto kong itama lahat ng pagkakamali nagawa ko. Sana hindi pa huli ang lahat... Sana nga.

-

Vote and Comment! Thankyou, pwede kayong magtanong. Kung may mali man ako you can PM me okay?.

Mistake in The PastWhere stories live. Discover now