VI

923 23 8
                                    

CHAPTER SIX

Katrina

Tulala lang ako pagkauwi namin ni justin wala lumalabas na salita sa bibig ko hindi parin din ako makapaniwala na dito ko pa mismo siya makikita yung taong matagal ko ng pinagtataguan.

Parang bigla lahat bumalik lahat ng masasamang ngyari sa buhay ko, yung pagtangi niya sakin, yung pagtaboy niya lagi, malala ng dahil sakanya tinakwil ako ng pamilya ko sinira ko tiwala ng mga magulang ko dahil lang sakanya lahat binigay ko, pagmamahal, pati sarili ko binigay ko ng buong buo na kahit alam niya sa sarili niya na mali pero bumigay siya sakin, dahil alam niya sarili niya may mahal itong iba.

"Mama bakit ikaw iyak?" Tanong bigla ni justin doon nalang ako bumalik sa huwisyo.

"Wala to baby" sabi ko sakanyan niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Mama yung toy ko po" sabi niya habang naka simangot siya napangiti ako kahit kailan talaga ganito siya pag hindi mo nabili yung gusto niya.

"Kayo nalang bumili ng appa joseph mo ha?. Magiging busy si mama bukas kailan ko ng matapos yung mga design ko okay lang ba yun baby?" Tanong ko sakanya

"Okay po mama"

"Tska ayoko ng pinupuntahan mo ko ng office ko ng magisa kalang paano kung may kumuha sayo" sabi ko dito

"Eh, mama gusto ko ikaw puntahan miss ko na mama ko" sabi nito

"Okay basta magpasama sa mga nakakatanda sayo wag mo ng ulitan na ikaw lang pupunta magisa sakin maliwanag ba?" Sabi ko ulit tumango naman siya

"Okay po mama. Inaantok na po ako sleep nako" sabi nito gabi na rin kasi napagod siguro kakalaro namin, pauwi na rin siguro si Joseph late kasi ito lumalabas sa kumpanya nila. Inihiga ko sa kama si justin pagkatapos hinalikan ko siya sa noo kinumutan ko nadin. Pakatapos pumunta ako ng sala at doon nagiisip sa mga ngyari ngayon araw.

Anong gagawin ko ngayon? paano ko haharapin si Dustin, oo nga't hindi ako galit sakanyan pero yung masasakit na sinabi niya noon sakin hangang ngayon na sakin pa hindi parin hindi nawala sa puso ko yon naka tanim na nga yata yun sakin. Aminado naman ako yung may kasalan kung bakit ganon nangyari kaya nga lumayo ako dahil ayoko ng maka gulo pa sakanila, ayoko din masaktan ang anak ko na tinangihan ng ama niya noon na ngayon inaako siya nito. Hindi ko alam ang gagawin ko gulong gulong isip ko ngayon araw,

"Oh babe, okay ka lang bakit ka umiiyak?" shit hindi ko alam nadito na pala si joseph, and nakita pa niya ko umiiyak, teka ako umiiyak?

"Ah wala to naiisip ko kasi yung kdrama pinanood ko naiiyak  ako dahil namatay na si Eun tak sa Goblin" pagsisinungaling ko ayoko munang malaman niya andito sa korea si Dustin

"Ikaw talaga akala ko ano na pinagaalala mo naman ako" sabi niya at hinalikan ako sa noo

"Okay lang ako babe, kumain kana pala?" tanong ko sakanya

"Yeah, kasama ko si mom kanina nagyaya kasi sa mall" sabi pa niya

"Ah ganon ba, halika ka matulog na tayo anong oras na din" sabi ko tska hinila siya papuntang kwarto, siguro wag ko na munang isip ang mga bagay na ngyari ngayon mas mainam na yon.

***

Dustin

Hindi ko alam kung saan nakatira sina trina masiyadong malaki ang korea at hindi ko alam kung saan siya sa mga lugar dito sa Busan ba o sa gangnam, basta! Alam kong malapit lang sila dito ng anak ko masiyadong mailap si trina agad agad itong umalis kanina ng magkita kami sa isang mall kasama ang anak namin.

Hindi parin ako makapaniwala na dito ko pa siya talaga makikita, bakit hindi ko agad na isip na dito ko pweding makita si trina? Half korean ito malamang dito siya pupunta.

Sa ngayon kailangan ko munang mag isip ng paraan kung paano ko siya makakausap, dahil hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin.

Kamusta kaya ang naging buhay nila dito? Napalaki ba niya ng maayos ang anak namin? hangang ngayon hindi pa rin ako mapaniwala na nagkita na pala kami ng anak ko na siyang tinulungan namin ni Taejoon noon. He look like me when i still the same age with him, nakikita ko yung sarili ko sakanya noon wala man yatang nakuha kay trina ang anak namin.

hindi ko din alam kung totoo nga bang wala itong galit sakin, dahil sakin  muntikan ng mawala samin ang anak namin, aminado naman ako na hindi ko minahal noon si Trina dahil nga ginamit ko lang siya dahil sa pangangailangan ko bilang isang lalaki.
Noon kasi may mahal akong iba at alam yon ni trina alam kong mali pero noong panahon na kami pa ni danica nagkikita parin kami ni trina.

Si Trina mabait na tao yan pero pag siya na naagawan lumalabas ang other side niyang ugali. Pilit kong lumalayo sakanyan pero siya parin ang lapit ng lapit sakin kahit alam niya nakipaghiwalay na ko sakanya.

Nagalit lang ako kay Trina noong na huli siya, kami ni danica naghahalikan umiwas ako sakanya pero mapilit parin siya hindi ko alam ang gagawin ko noon kaya mas pinili kong lumayo na muna sakanila lalo na si Trina baka ano pang magawa ko sakanya noon,

Dahil alam ko sa sarili ko noon na mahal na mahal ko si danica, alam naman niya ito

Alam ko mali pero ano magagawa ko? Ayakong mawala sakin si danica kaya nagawa ko saktan si Trina, si Trina na childhood friend ko na ginamit ko lang para lang sa ika sasaya ko.

Itatama ko kung ano man ang nagawa ko dati, gusto kong makilala ako ng anak ko sana bigyan ako ng pagkakataon ni Trina kahit man lang maging isang ama sakanya.

Mistake in The PastWhere stories live. Discover now