XV

463 10 9
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Dustin

Magkaharap kami ngayon ni trina, ang sabi kasi niya may kailangan kaming pagusapan, sakto may aaminin din kasi ako sakanya, basta masabi ko lang yon okay na.

"Anong paguusapan natin?" tanong ko sakanya ako na unang nag tanong.

"Ano kasi, okay lang ba na sabihin ko kay appa na.. Na ikaw ang tatay ni justin?" bakit kailangan niya pang itanong yon.

"Ayos lang naman, ako naman talaga ang ama niya" sabi ko sakanya

"Pero kilala mo si appa iba magalit yon baka anong magawa niya sayo dustin" sabi niya concern ba siya sakin? Ayaw niya kong masaktan? Wag kang assuming dustin.

"It's okay tatagapin ko ano man ang gawin sakin ni tito, after all i deserve it" sabi ko tangap ko naman talaga kung ano ang magagawa sakin ni tito baka nga mapatay niya ko sa ginawa ko sa anak niya

"Ayoko na masira yung pakakaibigan ng magulang natin dustin, dahil lang dito at ayokong mangyari yon ang tagal ng kaibigan ni appa si tita" sabi naman niya,

"Alam ko naman yon, gusto mo bang samahan kita sainyo?" tanong ko, gusto ko siya tulungan kahit na alam ko na baka magulpi ako ni tito sasamahan ko parin siya

"Anong sasamahan? Nababaliw kaba gusto mong mamatay?" sabi niya

"Gusto ko lang na maging maayos kayo ni tito, kasalanan ko naman din kung bakit kayo nagkasira"

"Ako ng bahala sumabi lahat kay Appa basta magtiwa ka lang sakin gagawin ko lahat para hindi magkagulo" sagot niya sakin, mabuti na siguro yon pero kapag hindi naging maganda yung kinalabasan tatangapin ko ano man ang mangyari.

"Sigurado kaba? Basta kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako" sabi ko sakanya.

Ngumiti siya bago sumagot "Oo naman"

"Sorry" bigla kong sabi sakanya

"Ha? Bakit ka naman nagsosorry?" tanong niya, bakit nga ba?

"Sa lahat, sa nagawa ko sayo at sa ngayon na hirap kang makalapit sa magulang mo"

"Wala na sakin yon ano kaba naman, wag mo nga isip yan. Okay naman tayo ngayon" sabi niya

"I still like you trina, i really do. No let me say i loved you before and still i love you" bigla kong sabi sakanya mabuti na to na malakas yung loob ko na sabihin sskanya yung nararamdaman ko matagal kong pinagisipan to kaya. Kaya mo to dustin.

"W-what?"

"Sorry for being jerk, sorry for not realizing that i have feelings for you, sorry for not being there when you were pregnant to our child, sorry for everything, i know this is too late but i just want to be honest for myself and to you" sabi ko at siya naman tahimik lang

"I don't know what to say" sagot niya naman, hindi naman niya kailangan na sagutin yon

"Don't worry. I'm not asking you to love me back i know you still in relationships and i respect that it's just sorry for everything, to what i did to you before" sabi ko nakatitig ako ngayon sakanya

"A-ano seryoso ka jan? You were in loved with danica that time so why are saying you loved me before?" naguguluhan na sabi niya

"I'm serious, at si danica? She's already know that i have a feelings to you that time pero hindi niya pinansin yon hangang sa.... Malaman na niya yung tungkol satin noon" sabi ko napahilot naman siya sa noo niya

"Pero kung dati mo pa sana narealize ang lahat hindi sana ganito yung nangyayari wala sana tayong problema Dustin, hindi ko sinasabi na sinisisi kita pero iniisip ko lang na hindi tayo magkakaganito kung sakali nakakapag hinayang lang, pero nandito na to kaya kayanin nalang natin yung problema" sabi niya

"Naiintidihan ko, ako naman talaga dapat sisihin kung sana nagpakatotoo ako noon hindi sana to mangyayari lahat" sabi ko sakanya

"Basta wag na natin balikan yon, ang importante okay na tayo ngayon" sagot naman niya sakin.

"Okay, ah. Are you sure na kaya mong harapin magisa sina tito?" tanong ko ulit sakanya

"I'm sure" sagot niya sakin, tapos nginitian niya ako

"Hatid na kita, uuwi din kasi ako sa bahay" yaya ko sakanya

"Okay let's go" sabi niya at tumayo na kami nauna siyang maglakad samantala ako nagkatitig sa paglakad niya. Hindi ko maiwasan isipin talaga na bakit ko siya sinayang? Bakit nagkaganito? Ang daming tanong na nabubuo sa isip ko, yes naghihinayang ako. Aaminin ko mahal na mahal ko siya, pero alam ko sa sarili ko hindi na kami pwedi at kailangan ko ng tangapin yon.

Katrina

Kababa ko lang sa kotse ni Dustin at ngayon nakatingin ako sa mataas na bahay sa harap ko, katabi ng bahay nila Dustin. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ko o hindi, natatakot ako baka galit parin si appa, pero ang sabi nila hindi na daw, pero adon parin yung kaba sakin, tska sasabihin kona din ba agad na si dustin ang nakabuntis sakin noon? Iniisip ko talaga si tita baka masira talaga yung pagkakaibigan nila. Ano ba yan ang dami kong problema dumagdag pa si Dustin, bigla ko nanaman naalala yung inamin niya kanina, bakit ngayon pa? Shit bahala na mamaya ko na iisip yon. Huminga ako ng malalim at sabay pindot ng doorbell. Kaya mo yan Trina go lang!

"Sino po sila?" tanong ng kasambahay na kalalabas lang

"Yaya beth, it's me trina" sabi ko sa yaya ko nandito parin siya, yaya ko si yaya beth simula bata pa ko di akalain nandito parin siya

"Trina, jusme! Ikaw nga bata ka" sabi niya at binuksan ang gate

"Yaya beth, i miss you po" sabi ko at niyakap siya

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang hinahanap ka ng appa mo? Lalo ng eomma mo saan, saan, ka naman nag pupunta bata ka ha?" yaya beth

"Di sila galit sakin yaya?" tanong ko

"Ano kaba kaya nga hinahanap ka diba halika, tiyak na matutuwa sila pag nakita ka" sabi ni yaya at hinila ako papasok

"Khristof hijo! May naghahanap sainyo" sigaw ni yaya beth ako naman natatakot hindi ko alam ang gagawin ko tumakas nalang kaya ako? Takot parin talaga ako kay appa eh.

"Wag kang magalala, hindi ka sasaktan ng appa mo okay?" sabi ni yaya nginitian ko nalang siya

"Sinong naghahanap mama be--" appa ng makababa siya ng hagdan natigilan siya at hindi makapag salita

"A-appa" nauutal na sabi ko, hindi parin siya nagsasalita

"Jagi, who-- trina?! Oh my daughter!" sigaw niya at lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit

"Eomma, eomma" iyak ko at niyakap ko rin siya ng mahigpit

"My baby, we're not mad anymore please comeback to us, please, sorry baby i miss you" sabi ni eomma habang umiiyak, napatingin ako kay appa umiiyak din siya

"A-appa" tawag ko sakanya, lumapit siya samin at siya na man ang yumakap sakin, kaya lalo akong napaiyak

"I'm sorry anak" iyak ni appa umiling iling ako

"No, appa ako dapat humingi ng sorry. I'm sorry appa for everything" iyak ko

"Wag ka nang umiyak, ang mahalaga nandito kana, okay na tayo, bumalik kana at hindi ko kayang hindi tayo kumpleto pamilya, mahal na mahal ko kayo, at salamat bumalik ka ulit samin anak" sabi ni appa

"Di kana talaga galit sakin appa?" tanong ko baka may galit parin siya sakin. Ngumiti muna si appa at pinunasan ang luha ko

"Hindi na kaya bumalik kana ha?" sabi ni appa ako naman napayakap ulit sakanya at sumali naman si eomma samin. Ang saya ko kasi nakabalik na ko, ang problema ko nalang kung paano sasabihin kina appa na si Dustin ang tatay ng anak ko. Bahala na i-enjoy ko muna ang araw nato kasama ang magulang ko miss na miss ko na sila.

Mistake in The PastWhere stories live. Discover now