CHAPTER TENKatrina
Ngayon araw ko na ipapaalam kay Justin ang lahat. Yung tungkol kay Dustin alam ko maiintindihan niya ko kasi simula palang alam na niya na hindi si Joseph ang tatay niya sinabi ko lahat sakanya pero nalang yung ngyari noon, hindi na dapat pa niya malaman yon at ang bata pa niya para sa bagay na iyon.
"Baby come here" sabi ko agad naman niya iniwan ang ginagawa niya at tumabi sakin niyakap ko naman siya
"Bakit po mama may problem ka?" tanong naman niya.
"No baby may paguusapan tayo" sabi ko siya naman nabigla
"Mama wala po ako bad nagawa ha" sabi niya si justin talaga.
"No baby is not that" sabi ko naman
"Ano po ba mama?" tanong niya
"Hm, diba alam mo naman na hindi mo talaga daddy si appa Joseph mo? Tanong ko sakanya
"Yes po mama bakit po?" tanong niya naguguluhan na siguro siya huminga ako ng malalalim bago magsalita
"Kasi baby, your real dad is back and he wants to meet you" sabi ko. Matalino si Justin kahit bata pa kaya alam ko magkakaintindihan kami
"Really mama? Kailan pa siya bumalik?" tanong niya. Alam ko na gustong gusto nang makita ni justin ang tatay niya kaya lang hindi ko lang magawang umuwi ng pilipinas at ayoko pang makipag usap sa lahat noon pero kahit ganon never kong siniraan si Dustin kay Justin hindi naman kasi ako ganon klasing tao para manira.
"Actually baby, you already know him" sabi ko
"Po mama?" takang tanong niya
"The guy who helped you back then baby, your tito Dustin he's your real dad" sabi ko kita ko naman na nagtutubig na yung mata niya tanda na paiyak na siya at ganon din ako.
"Sorry baby hindi ko nasabi agad you know my reason right?" sabi ko naiiyak. Oo na kasalanan ko na pati anak ko na bata palang pinaintindi ko na sakanya lahat ayoko lang talaga mag sinungaling na wala na kami ng tatay niya na tapos na kami.
"It's okay mama i understand po naman e, but he's really my dad? Kaya po pala parehas kami ng name" sabi niya. Natameme namam ako yes baby sakanya ko kinuha ang pangalan mo
"Your not mad at me baby?" tanong ko naman
"No mama like i said po i know your reason, i know you and daddy is not okay back then tska mama im not baby anymore mag seseven nako kaya stop calling me baby kanina ka pa po e" itong bata talagang to napaka talino. Natawa naman ako sa sinabi niya
"But now we're okay now. And he really wants to meet you" sabi ko totoo naman na okay na kami ni dustin.
"I want to meet him again mama can you call him and tell him to meet me tomorrow?" sabi niya kitam tangap niya agad napaka talinong bata at mapagintindi hindi na siya nagtanong tanong pa ng kahit na ano.
"Sure baby anything for you" sabi ko siya naman napa simangot naman
"Mama namam e!" maktol niya natawa nanaman ako sakanya
"I love you my big boy" sabi ko sakanya
"I love you too mama!" sabi niya at hinalikan sa pisngi. Nagpapasalamat talaga ako nag karoon ako ng anak katulad niya siya talaga kayamanan ko sa lahat. Gagawin ko lahat para sa anak ko maging masaya lang siya.
***
DustinHangang ngayon iniisip ko parin yung naging paguusap namin ni danica alam kong wala na sakanya yung ngyari noon pero ng itanong niya kung minahal ko ba si trina noon naging masinsinan ang pag uusap namin. Minahal ko naman talaga si danica noon kahit na naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko at naging padalos dalos ako sa mga kilos ko siguro tama nga siya naging confuse nga ako sa nararamdaman ko
Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na hindi ko minahal noon si Trina pero iba parin talaga pag iba na nagsabi at nag kumpirma na mali talaga ang mga ginawa ko pati sarili ko niloko at pinaniwala na hindi ko minahal si trina todo tangi pa ko noon ayaw ko lang talaga masira kami ni trina dahil mahalaga siya sakin kahit naman ganon ang setup namin ayoko mapahiwalay sakanya pero ng mali na talaga ako na mismo tumatapos siya lang may ayaw. Aaminin ko attracted nako kay danica noon high school palang alam ko sa sarili ko na may pagtingin ako sakanya pero lahat ng yon naguluhan ako ng umamin si trina sakin na gusto niya ko. Hindi mahal na pala niya ko noon pa kaya hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko noon.
Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko ano to? Bakit naguguluhan nanaman ako. Simula ng umalis si trina noon naging magulo na kung ano ano iniisip ko kaya hindi ko alam kung may nararamdaman pa ko sakanya yung kay Danica kasi wala na talaga tska matagal ko ng tanggap na hindi ako para sakanya kaya nga ngayon naguguluhan ako sa nararamdaman ko kay trina nag simula nanaman to ng magkita kami pero mali e. Mali talagaa!
"Oh anak, hindi kapa papasok sa office?" Si mommy pala hindi ko napansin na pumasok na siya ng kuwarto ko
"Ikaw pala mom, paalis na rin naman ako baka doon nako mag breakfast okay lang po ba?" tanong ko naman
"Okay lang sige basta sa sususnod sasabay kana samin ng daddy mo" sagot naman ni mommy
"Okay mom see you later" sabi ko hinalikan ko muna si mom sa pisngi bago ako umalis. Mga ilan sandali lang nakarating na ko ng company namin agad naman ako binati ng mga empleyado at ganon din ako sakanila hangang makarating nako ng office ko wala naman ako masiyadong gagawin kaya okay na to ayoko sumabay pa ang mga meetings sa mga iniisip ko ngayon. Uupo na sana ako ng mag ring ang cellphone ko. Number lang
Sino naman kaya to?
"Hello?" sagot ko sa kabilang linya
"Is this Alexander?" tanong naman niya parang nabobosesan ko na kung sino to
"Yes, who's this?" tanong ko naman kahit may ideya nako kung sino ito
"Si trina to. Dustin" dustin? Hindi na xander? Dati kasi yon ang tawag niya sakin naiinis ako don ha. Wait? What? No!
"Oh, trina kamusta? Nasa pilipinas na ba kayo?" tanong ko sakanya excited na ko makilala ang anak ko hindi na ko makapag hintay pa
"Oo nung isang araw pa pasensya na hindi agad ako nakatawag may important akong ginawa. Anyway alam na ni Justin ang lahat he wants to meet you" sabi niya anong sabi niya? Gusto na ko makita ng anak ko?
"Talaga? Kailan ko siya pwedi makita?" masyang sabi ko sakanya
"Bukas na kung gusto mo?" balik na tanong niya
"Sure! Sure saan tay- i mean saan kami pwedi magkita?" tanong ko muntik ko ng masabi kami. Sabagay kasama siya nanay siya e
"Sa condo ko nalang. Alam mo pa naman diba? Para na din magkasolo kayong dalawa" Ah sa condo niya? Sa condo niya?! Talaga naman ayoko don pero okay naman para magkasolo kaming dalawa. Ng anak ko, oo ng anak ko.
"Okay tatawagan nalang kita bukas ayos ba?" sabi ko, hindi na talaga ako ako makapag hintay gusto ko ng mayakap at makasama ang anak ko.