Hi guys! Kamusta sorry if ngayon lang ako ng update, nagdadalawang isip nga ako kung ipopost koba ito or hindi kasi di ko alam kung kailan ba ulit ako maguupdate hindi pa talaga ako ulit bumalik pero itry ko parin ang best ko para talaga matapos na to. Anyway thankyou parin sa suporta keep safe always guys!
Ps. Don't mind the typo and grammar hehe
***
CHAPTER SIXTEEN
Trina
"Where have you been for all those years my baby?" tanong ni eomma sakin habang sinusuklayan ako
"I'm just in our hometown eomma" sagot ko sakanya
"What? All this time you we're just in korea?" gulat na sagot ni eomma
"Yes eomma" sagot ko sakanya
"You're not in your grandma house, so where in korea do you live?" tanong ulit ni eomma tinawagan siguro nila sila grandma kung umuwi ba ko sakanila kaya siguro alam niya wala ako ng korea.
"In anyang, eomma"
"Did you visit your grandma?"
"No because i know she will call you that's why i decided not to live with her"
"Okay let's not talk about it, ang importante nandito kana" my eomma smile
"Thankyou mama i love you" sabi ko at niyakap siya
"Baba na tayo baka hinihintay na tayo ng appa mo" sabi niya, napangiti nalang ako hanggang ngayon medyo bulol pa si eomma ng tagalog.
"MAMA!" sigaw ni justin ng makababa kami, yes kilala na siya nila appa at dito kami ngayon tumutuloy sa bahay namin almost 2 weeks na kami dito at sobrang saya ko kasi tangap na nila ang baby ko
"Mama lolo papa buy this for me" sabi ni justin pakita ng mga paper bag na naglalaman ng mga laruan
"Wow ang dami niyan!"
"Opo mama and i love all of this! Thankyou again lolo papa"
"Anything for you young man" sabi ni appa
"Appa may pupuntahan lang po ako baka mamaya nako umuwi kayo muna bahala kay justin" sabi ko kay appa pupuntahan ko kasi si joseph hindi ko macontact e nagaalala ako
"Osige anak kami na bahala dito" appa
"Thankyou appa una na po ako, bye eomma, bye baby ko" isa isa ko silang hinalikan sa pisnge. Nga pala hindi pa nila alam na may boyfriend ako ipapakilala ko kasi sana si joseph kaso ayon nga hindi ko macontact ano kaya nangyari doon? Sigurado nandon siya sa condo ko don ko muna kasi pinapatuloy.
Ang dami tumatakbo sa isip ko baka napano nga siya ang huli pagkikita namin nung sinabi ko na pinababalik kami sa bahay pagkatapos non hindi na siya nagparamdam pa. Mga ilang sandali lang nakarating nako sa condo pag bukas ko ng pinto bumungad sakin ang makalat na sala. Anong nangyari dito? Agad kong hinanap si joseph ayon na sa may bandang sulok naka upo habang may hawak ng boteng alak. Alak? Bakit tumingin ako sa palagi puno ng bote pinaginuman
"Seph? Seph? Babe? Anong nangyayari sayo?" tanong ko. May nagawa bakong mali?
"Kath" tawag niya at tumingala sakin, wala na yung babe nagtataka na talaga ako sa kinikilos niya
"Bakit anong nangyayari sayo seph? May nagawa ba ko bakit nagkakaganito ka?" umiling iling lang siya
"I'm sorry" naman oh bakit nagsosorry to! Naguguluhan nako!
"Tell me! Bakit ka nag kakaganyan anong nangyayari sayo! Look at yourself, you look like a mess now joseph!" sabi ko di ko na talaga siya maintindihan
"I saw her again" panimula niya, sino naman tinutukoy nito! Bakit di nalang niyako direstsahin
"Make it clear joseph ayokong manghula kung sino man yang nakita mo at nagkakaganito ka!"
"Rachelle. I saw her" fuck! Nakita lang yung ex-girlfriend nagkakaganito na? Kaya ba hindi niyako kinontact kasi busy siya sa ex niya? Kaya ba?!
"Kaya ba, kaya ba nagkakaganito kasi dahil sakanya? Ha! Kaya hindi ka nagpapakita sakin kasi nadoon ka kay Rachelle! Ha sagutin moko!" umiiyak na sigaw ko tumayo nako, handa ba ko malaman lahat bakit ganito nangyayari?
"Yes!" sigaw din niya sakin
"Tell me, mahal mo pa ba siya?!"
"Kath"
"Don't kath me! Sagutin mo ko! Mahal mo paba si Rachelle!" sigaw ko
"Oo mahal ko pa siya! Tangina parehas ko kayong mahal!" fuck him anong klasing pagmamahal yon dalawa kami? Tangina naglilimos nanaman pala ako pangalawa nalang lagi! Ano yon bumabalik nanaman ulit sakin
"How dare you!" sigaw ko at tuluyan nakong napaupo ang sakit tangina talaga!
"Kinalimutan ko na siya e, pero ng makita ko siya.... At yung anak niya alam kong akin yon e! Ang sakit lang kasi tinago niya! Wala akong alam, ginawa na nga niya kong tanga noon nung iwan niya ko itatago niya pa sakin yung bata! Ang sakit lang tapos ayaw pa niyang ipakilala sakin! Ayaw niya I'm tired of chasing her! Gusto ko makilala ako ng anak ko kaso pinagdadamot niya sakin ayaw niyang makilala ako ng anak namin! Ano bang ginawa kong mali? Wala naman diba? Bakit ayaw niyang ipakilala, siya yung nangiwan e bakit ako yung nagmumukhang masama, pero bakit ganon sa kabila ng nagawa niya bumabalik lahat sakin? Yung sakit, yung pagmamahal ko sakanya lahat lahat! Hindi ko maintindihan sarili ko! Ang sakit sakit ng nararamdaman ko!" hindi ako makapagsalita naka tingin lang ako sakanya kita ko yung sakit s a mata niya katulad ng I kwento niya yung kay Rachelle sa ex niya na iniwan lang siyang bigla.
" Joseph" bigkas ko sa pangalan niya lumapit ako sakanya at niyakap siya at doon siya lalong umiyak
"Mahal din naman kita eh" iyak niya sa balikat ko
"Alam ko wag kanang umiyak" kailangan intindihin ko siya kahit masakit hindi naman niya kasalanan kusang bumalik lang sakanya
"I'm sorry"
"shhss tama na" sabi ko, tama ba talaga to? Okay lang ba sakin na parehas niya kaming mahal ng ex niya? Sinong mas matimbang?
"Fix yourself first then maguusap tayo, maglilinis muna ako" sabi ko at tinayo siya
"Hintayin moko" sabi niya
"Go maligo kana ambantot muna e" biro ko sakanya at ayon tumawa rin. Tangap ko nga ba talaga? Bakit paulit ulit ako? Dapat talaga magusap kami ni joseph para malinaw lahat.
Ng matapos siya maligo umupo siya sa tabi ko halos kakatapos ko lang din maglinis at nagpapahinga ako
"I'm sorry" unang bungad niya sakin, huminga ako ng malalim tska ako humarap sakanya
"Now tell me everything, ano bang ngyari paano mo nalaman lahat?"
"Galing ako sa office ng old friend ko at nagtratrabaho siya don nung makita ko siya bumalik lahat sakin paano ko siya habulin at mag makaawa na wag niyakong iwan gusto lang naman tanongin kung bakit niya nagawa yon at anong nagawa ko sakanya pero di ko akalain na may nararamdaman parin ako sakanya, inisip ko na mali to may girlfriend na ko pinipilit ko sa sarili ko na iwasan nalang siya at nagawa ko naman pero pagkaraan ng isang araw nakita ko siyang may kasamang bata at kamukha ko yung bata may mga similarities kami nung kinausap ko siya itinatangi niya yon masakit wala naman akong ibang gusto kung hindi makilala ko yung bata kahit na ayaw niya na ko kahit man lang sa anak namin ipakilala niya ko" mapait akong ngumiti sakanya
"So you want her back" sabi ko
"It's not what you thin--"
"Joseph gusto ko magpakatotoo ka sa sarili mo if you want her back then chase her"
"How about you i still love you" hinawakan niya yung kamay ko pero bumitaw ako, hanggat maari ayokong umiyak sa harap niya
"Joseph kompletuhin mo yung pamilya mo. you even have a child with her, may habol ka sakanya. Okay lang ako tanggap ko na, tulad ng pagtanggap mo samin ng anak ko, napauwi ka kasama namin maybe dahil kailangan mong malaman ang lahat ng 'to. Our fate is to be separated."
"No i can't break up with you please"
"Ano yon pagsasabayan mo kami? Mali yon Joseph naranasan ko na yan alam mo yan"
"No please"
"Magkakasakitan lang tayo Joseph this is the only choice" wala na bumigay na ko tuluyan nakong naiyak.