XIV

328 7 0
                                    


CHAPTER FOURTEEN

Katrina

Hangang ngayon iniisip ko parin yung sinabi ni danica sakin hindi na mawala sa isip ko yon at ngayon naguguluhan naman ako. Iniisip ko kung maniniwala ba ko o hindi. Bakit ba kasi sinabi ni danica yon ano bang Intesyon niya.

"Babe, kailangan ko nga pala puntahan si lolo may pinapagawa siya sakin" bigla sabi ni joseph.

"Ganon ba sige ingat ka ha" sabi ko nalang. Bakit masiyado akong lutang ngayon

"Bye babe see you later" sabi niya at humalik sa noo ko pakatapos non lumabas na siya ng condo.

Apat na araw ng makausap ko si danica hangang ngayon ginugulo parin ako ng mga sinabi niya at apat na araw nadin ako lutang at iniisip yon na dapat hindi ko naman iniisip na dapat na wala kong pakialam. Tama dapat hindi ko na iniisip yon!

"Mama pupuntahan ba natin si daddy?" biglang sulpot ni justin.

"Yes, anak ihahatid kita sakanya" sabi ko may aasikasuhin kasi ako kaya walang bantay ngayon si justin. Tinawagan ko na rin naman si dustin, nag okay naman siya.

"Yehey another day with my daddy" masayang sabi ni justin, napangiti naman ako close na talaga sila kahit na bago bago lang silang magkasama ng daddy niya.

"Halika na magayos na tayo" sabi ko at iginaya siya sa kwarto at nagsimula na kami mag ayos. Ng matapos na kaming mag ayos bumyahe din kami agad. Agad din naman kami nakarating sa company nila dustin pinapasok kami ng guard at nag tungo sa floor kung saan yung office niya. Well pinagtitinginan nila kami pero wala naman ako pakialam don, kanya kanya pa silang bulungan. Ng malapit na kami sinalubong  kami ng lalaking naka suite, secretary siguro to ni dustin.

"Good Morning ma'am kanina pa po kayo hinintay ni sir, this way ma'am" sabi niya sinundan naman namin siya

"Sir, nandito na po sila" sabi niya, nauna siya binuksan niya ang pinto ng office ni dustin at eto naman si justin bumitaw sakin at tumakbo papasok ng office.

"Daddy!" sigaw niya, sinalubong naman siya ni dustin, ito namang secretary niya mukhang nagulat pa sa sigaw ng anak ko sabagay hindi naman nila alam na may anak na siya.

"My son" bangit naman ni dustin at kinargar niya si justin

"Ahh, sir maiwan ko na po kayo" sabi ng secretary niya. Nakapasok narin kasi kami kaya ayon, siya lumalabas na.

"Daddy sabi ni mommy dito muna ako while she was away" sabi naman ni justin

"Wow talaga baby!?" masayang sabi ni dustin. Well alam naman niya na ihahatid ko si justin dito. Ang sabi kasi niya wala daw si Tita Sandra kaya dinala ko siya dito, hindi ko naman dadalhin si justin dito kung nandito magulang niya or si kuya alexis, nakakatanda niyang kapatid.

"Yes daddy!" masayang sabi din ni justin

"Dustin maiwan ko na si justin sayo ha? Ikaw ng bahala ito narin mga gamit niya" sabi ko sabay abot ng gamit ng anak namin kinuha naman niya yon

"Thank you trina, don't worry i will take good care of him while you are away" sabi niya kaya napangiti ako dahil don, well wala namang masama don

Mag sasalita sana ako ng biglang bumukas ang pinto, ako naman hindi makagalaw sa kinatatatyuan ko "Anak nasaan yung secretary baki-- KATRINA?!" gulat na sabi ni tita sandra na hindi makapaniwala nakikita niya ko ngayon.

"Mom-my" nauutal na sabi naman ni tita napatingin naman ito sa anak at nakita niya na kargar ng anak niya si dustin.

"Oh my gosh! What is the meaning of this? What are you doing here katrina? Who is this little boy?" tuloy tuloy na sabi ni tita ako naman hindi makapag salita

Mistake in The PastWhere stories live. Discover now