CHAPTER THIRTEENKatrina
Nasa super market ako ngayon ng mall. Wala na kami kasing stock ng pakain sa condo kaya mamimili ako ngayon pati narin kailangan ni justin bibili na ko. Kukuha na sana ako ng cart ng may naka sabay ako kumuha non, kaya napatingin ako sakanya. Gulat siyang naka tingin sakin ngayon.
"Trina" she said then ng makabawi na nginitian niya ko, ako naman napatingin sakanya tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, pero napako ang tingin ko sa bilog niyang tiyan, she's pregnant, maybe 5-6 months na ang tiyan niya. Anak ba ni dustin tong pinagbubuntis niya?
"Danica" nasabi ko nalang. Lalo siyang gumanda bagay niya yung maikling buhok niya, hindi rin siyang matabang buntis yung sakto lang nakikita.
"Hi! How are you?" tanong naman niya nginitian ko naman siya bago ako mag salita
"I'm fine, how about you? Gumanda ka lalo" sabi ko sakanya napatawa naman siya
"I'm doing well too, gumanda? Baka lumobo ba kamo, you see ang taba ko because of this little angel inside me" natatawa parin niyang sabi sabay haplos sa tiyan niya
"No you look good, sakto lang naman" sabi ko naman ulit sakanya.
"Really? Thanks" simple sagot naman niya
"Oh! Is this your baby?" tanong niya at napatingin sa katabi ko, muntik ko ng kalimutan kasama ko nga pala si justin.
"Ah, yes he's justin, baby she's your tita danica" sabi ko naman sa anak ko lumapit naman siya kay danica at nagmano
"Shocks! He really looks like his father" bulong niya nginitian ko siya hindi niya nalang siguro nilakasan kasi nanjan si justin
"And this is my daugh-- shit where's janie? Janielle! Where are you?! Janie!" sigaw niya, she's looking for someone at ngayon umiiyak na siya na tumitingin tingin sa paligid.
Linapitan ko siya "What happened?" tanong ko hindi parin siya tumitigil sa pag iyak, she's pregnant bawal sakanya ang maging emotinal.
"My daughter! My daughter is missing" umiiyak na sabi niya. Daughter? May anak pa siyang babae? Anak rin ba ni dustin? Teka bakit ko ba iniisip to dapat wala nako pakialam kung may na anakan pa siyang iba tska girlfriend niya si danica at siguro kasal na sila, pero hindi ko naman napapansin yon kay Dustin. Ano ba yan trina tigilan mo yang kakaisip mo na yan ah.
"Don't cry makakasama sayo yan, i will help you to find your daughter let's go to customer service" sabi ko inilalayan ko naman siya baka natumba pa siya nanginginig kasi siya.
"Justin kumapit ka sa damit ko" sabi ko sumunod naman siya, mahirap na baka mawala rin siya. Baka hindi ko rin kayanin yon
Attention! Princess Janielle parents please come to the customer service area, i repeat princess janielle parents come to the customer service area thankyou.
"That's my daughter name" umiiyak na sabi parin niya habang papunta kami sa custom service.
"Shss wag kana umiyak na don na pala anak mo, makakasama sayo yan eh" pag alo ko sakanya.
"Thankyou trina" she said then niyakap niya ko niyakap ko naman din siya pabalik at hinihimas ko likod niya humihikbi parin kasi.
"MOMMY!" sigaw ng batang babae at tumakbo para salubungin kami
"Baby ko" sabi ni danica ng makalapit ang anak niya samin at niyakap ito ng mahigpit, karga niya ngayon ang bata. Wait hindi ba masama na buhati ang anak niya buntis siya at medyo mabigat ang anak niya
"Mommy! Mommy, mommy" Paulit ulit sabi ng bata
"Ano bang sinabi ko na wag kang aalis sa tabi ko ha? Hindi ka nanaman nakinig! I'm sure pag nalaman to ng papa mo magaaway nanaman kami non!" sermon niya sa anak binaba na niya ito sa pagkarga. Magaaway sila ni dustin?