Kabanata 4

2.7K 75 1
                                    

"Sigurado ka na ba, Rosalyn? May oras ka pa para magbago ang desisyon mo." hininto ko ang paglalagay ng dark make up sa mukha at tumingin sa gawi ni Carmina.

"Sigurado na ako, Mina, atsaka dadalo si Felix. Malalate lang siya ng konti dahil nagkaproblema ang isang section ng planta."

"Hindi ko alam kung magandang ideya ba ito. Bwisit kasi! Masyadong mabait si Felix sa'yo. E, hindi naman ganoon 'yon noong nag aaral pa kami. Mahangin 'yon." tumawa ako ng mahina at pinagpatuloy ang ginagawa.

Ayoko na sanang mag make-up pa. Dapat makapal na lang na lipstick ang ilalagay ko kaso ginatungan ako ni Carmina. I need to look stunning, according to her. Para wala ng masabi si Samson ani pa niya. Hindi naman ako mag papaimpress, dadalo ako dahil 'yon ang gusto ni Felix. Tulad nga ng sabi ko ay tapos na ako sa kanila.

"Nakita mo na ba si Jackson at Trixie?" tanong niya habang trinatry ang ilan kong sapatos.

"Si Trixie oo, pero hindi ko pa nakakausap. Si Jackson hindi pa."

"Hay, sabagay, e, laking Manila naman 'yon. Noong dumating siya ay nagkakalabuan na kayo noon ni Samson. Hindi ka na pumupunta noon sa house nila kaya hindi mo na siya nakita." hindi ako sumagot at inapply ang kulay maroon kong lipstick.

I'm wearing a gray fitted dress. Mahaba ang sleeve at pa V ang harap at likuran. Bagay na bagay sa dark make-up at lipstick ko. Nang saktong tapos na ako ay bumukas ang pinto at iniluwan noon si Kuya Ronnie. Naka pajama at itim na damit.

"Tapos na kayo? Dalian ninyo at ihahatid ko na kayo."

"Hindi ka pupunta?" bagkus ay sabi ko at kinuha ang purse kong kulay itim. I just love dark colors. Saktong sakto kasi sa balat kong maputi.

"Nope. Come on, may ginagawa pa ako sa kwarto." ani niya at tuluyan na kaming iniwan ni Carmina.

"Tss. Ba't bugnutin ngayon ang kuya ko? Grabe ah, parang tinotopak lang 'yan kanina at kumakanta pa." nagkibit balikat ako at sumunod kay Carmina.

Nang makasakay kami sa D-MAX niya ay mabilis niyang pinasibad ang sasakyan. Itinuon ko ang pansin sa labas. Alas otso na at 8:30 magsisimula ang party, sana lang at hindi kami malate. Malayo pa man kami sa Poro ay matinding kaba na ang nararamdaman ko. After one year, heto at bumabalik nanaman ako sa family house ng mga Ortega. Hindi ko alam kung paano kikilos sa harapan nila mamaya. I swear, hindi ako ready.

Linabas ko ang phone sa purse ko at tinignan kung may text si Felix. Napabuntong hininga ako ng makitang wala pa siyang reply. Sana lang talaga at makaabot pa siya. I need him beside me. Magiging komportable lang ako kung siya ang kasama ko ngayong gabi.

Kinalma ko ang sarili ko ng huminto ang sasakyan sa family house ng mga Ortega. Bumalik ang ala-ala ko noong panahong palagi ako dito. Na halos dito na ako tumira. Nabalik ako sa ulirat ng bumukas ang pintuan at lumabas si Carmina.

"Sunduin ko pa kayo mamaya?" umiling ako at nginitian si Kuya.

"Huwag na, Kuya, ihahatid na lang kami ni Felix." ginulo niya ang buhok ko at kinurot ang pisngi ko.

"Okay. Good luck kapatid, pakikamusta ako kay Samson, ah?" inirapan ko siya at lumabas na ng sasakyan niya. Rinig ko pa ang pagtawa niya bago ko sinara ang pinto.

Kaasar! Alam naman niyang ayokong kausapin ang gagong 'yon! And as if naman makakalapit ako sa kanya.

"Laki talaga ng bahay ng Ortega ano? Teka, kanino ba talaga ang bahay na 'to? Sa parents nila?" tanong ni Carmina habang papasok kami. Naguguluhan ang mukha niya.

"Yes. Pero ibinigay na ito kay Tito Francisco since siya ang panganay. Iyong bahay naman ng ilang Ortega ay malapit lang din dito. Pwedeng lakarin." napatango siya at hindi nag tanong pa.

To Be Only Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon