Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga ako sa kama at tinalukbong ang kumot sa katawan ko. Nangiginig parin ang katawan ko sa galit. Tuyo na ang luha sa pisngi ko pero pakiramdam ko ay umiiyak parin ang puso ko. Ang kapal ng mukha niya. Ang kapal ng mukha niyang sabihing babalik at babalik ako sa kanya. Oo noon ilang beses ko iyong ginawa. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na.
Tumayo ako at nagdiretso sa banyo. Palalamigin ko muna ang mainit kong ulo. Samson is really a bastard. Pero sana naman ay sundin niya ang sinabi ko. Masaya na ako kay Felix. Ayoko na siyang balikan.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakababad sa ilalim ng shower. Kung hindi pa nagpatugtug ng pagkalakas lakas ang kapitbahay namin ay hindi na ako magigising mula sa malalim na pag-iisip. Nagbihis ako ng pambahay at nagdiretso sa kusina. Wala pa palang nalulutong pagkain.
Naghalungkat ako ng pwedeng lutuin sa ref. May mga gulay, karne at ilang frozen. Sa huli ay napagisipan kong magluto na lang ng afritada. Habang binababad ang karne sa tubig ay inabala ko ang sarili sa pagsasaing. Naghiwa ako ng spices at gagamiting pangsahog.
Good thing at tinuturuan ako ni Mama na magluto at ilang gawaing bahay. Oo may kaya kami pero ni minsan ay hindi nag hanap ng kasambahay si Mama. Miski ay ayoko noon. Mas gusto ko 'yong kami mismong nakatira dito ang mag-ayos ng bahay. Nang matapos akong magluto ay sakto namang may bumusinang sasakyan sa labas ng bahay. Pinatay ko ang stove at lumabas. Nang makitang Pajero iyon ni Papa ay maagap kong binuksan ang gate.
"Rosalyn, iha, kanina ka pa ba nakarating?" tanong ni Mama ng makalabas ng sasakyan.
Oo, Mama, hinatid ako ni Samson. Winiksi ko ang bagay na 'yon sa aking isipan.
"Opo, Ma, nakapagluto narin ako." linapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Ganoon din kay Papa.
"Hi Roshan!" ginulo ko ang buhok niya at hinalikan sa pisngi. Ngumiwi siya at sinimangutan ako.
"Sabi ni Kuya binata na ako kaya hindi mo na dapat ginugulo ang buhok ko, Ate."
"Nakinig ka naman kay Kuya Ronnie? Grade six ka palang, Rosh, huwag kang magpapaniwala sa lalaking 'yon." natatawa kong sabi na sinundan naman ni Mama at Papa. Si Kuya talaga!
"Makinig ka sa Ate mo, Roshan, bata ka pa, okay? Tara na at tikman natin ang linuto mo, Rosalyn." ani Papa at inakbayan ako papasok sa bahay. Nakasimangot parin si Roshan na sumunod saamin.
Ako na ang naglagay ng pinggan at kubyertos sa lamesa habang nagpapalit sila. Naglagay rin ako ng afritada sa mangkok at kanin.
"Hmm... mukhang masarap." ani Papa at umupo sa sentro ng lamesa. Nakaplaster naman ang ngiti sa labi ni Mama na umupo sa tapat ko. Si Roshan ay umupo sa tabi ko.
Nagsalin ng ulam at kanin si Papa sa kanyang plato. Pinapanood namin siyang tikman ang niluto ko na para bang sumali ako sa isang cooking contest.
"Masarap, anak, pwede ka nang mangasawa."
"Marlou!" pinanlakihan siya ni Mama ng mata sa biro niya ngunit tinawanan lang siya ni Papa.
Panay tungkol sa trabaho ko ang naging topic habang kumakain. Si Roshan ay tahimik lang sa upuan niya. Sumimsim ako sa baso kong may tubig at tinignan si Mama at Papa na may kung anong pinag-uusapan. Maganda ang mood nila. Kukunin ko ang pagkakataong ito para iopen ang birthday ni Tita Marites.
"Uhm... Ma... dadalo ka sa birthday ni Tita Marites?" tinignan ako ni Mama. Nakakunot ang noo niya. Kinagat ko ang aking dila. Kinakabahan ako.
"Sa Sabado 'yon hindi ba?" ani Mama at tumingin kay Papa.
"They invited us." nakahinga ako ng ng maluwag. At least may kasama ako!
"Pero, Rosalyn, hindi kami makakadalo ng Papa mo." nawala ang galak ko sa narinig. Nginitian ako ni Mama.
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
Ficción GeneralIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...