"Rosalyn, anak, bumangon kana diyan at handa na ang pagkain."
Nagising ako ng katukin ni Mama ang pintuan ng kwarto ko. Inaantok pa man din ay minulat ko ang mata at nag-inat. Inayos ang pinaghigaan at dumiretso sa banyo. Nag-ayos ako ng sarili bago tuluyang lumabas.
Pagkalabas ay sumalubomg saakin ang amoy ng pagkain galing sa kusina. Bigla tuloy akong nagutom imbes na mag kakape na lang ako ngayong umaga.
"Good morning po." bati ko. Humalik sa pisngi ni Mama at Papa, ganoon din kay Roshan na ngayon ay pinapapak ang chicken.
"Good morning din, anak. Umupo kana at kumain." sinunod ko ang sinabi ni Papa at umupo sa tabi ni Roshan. Naagaw ng pansin ko ang lamesa naming punong puno ng pagkain galing sa Pancake House.
"Ma, kaninon galing 'to? Ba't ang dami? Mahal sa Pancake House, ah." anas ko. Hindi makapaniwala sa nakikita.
Tulog pa yata ang diwa ko at nananaginip. Nagkatinginan si Mama at Papa, nag ngisian at hindi sinagot ang tanong ko. Sakto namang dumating si Kuya at umupo sa tabi ko.
"Morning, kapatid." ani niya at hinalikan ang ulo ko.
"Kuya, kanino galing 'to?" nguso ko sa mga pagkain. Tinawanan niya ako at dumampot ng chicken.
Naibagsak ko ang balikat ng hindi rin siya sumagot. Umagang umaga ay nasira na ang mood ko dahil lamang sa pagkain. Unang una ay hindi kami magsasayang ng perang bumili ng ganito kadaming pagkain sa mamahalin. Pangalawa ay mas gusto naming kainin ang mga luto ni Mama. Pangatlo ay, hindi sila Mama ang bumili nito. There's someone behind these. Pang-apat ay hindi nila sinasagot ang tanong ko.
"Galing kay pareng Samson 'yan, nagkataka kapa, kapatid. Kumain ka na lang."
Nagtawanan sila. May kung anong kinuha si Mama at binigay saakin. Naka paper bag iyon ng red at may nakalakip na sulat.
"'Yan daw ang kakainin mo." kinikilig na sabi ni Mama. Napatapik na lang ako sa noo at binuksan iyon.
Bumungad saakin ang tatlong rosas. Kinuha ko iyon. May naksabit pang papel sa tungkay niya. Hinawakan ni Kuya at binasa.
"To the most beautiful girl in the world." humagalpak ng tawa si Kuya at napailing.Tumawa rin sila Mama ngunit halatang kinikilig parin sa sulat ni Samson.
"Dami talagang ek-ek nang tukmol na 'yon. Hindi pa lang sabihin "Oh Sinta ko, Sinasamba kita'." sa inis ay hinampas ko si Kuya ngunit mas lalo lang lumakas ang tawa niya.
Nagpigil ako ng ngiti at linabas ang tatlong lunch box. May nakadikit nanamang sulat doon na binasa ulit ni Kuya.
"Eat well, Rosalyn." muling humagalpak ng tawa si Kuya. "What the fuck?"
Sa inis ay bintukan ko na. Kaasar! Hindi naman niya sulat, nakikibasa na nga tatawanan pa! Hinimas niya ang ulo at tinaasan ako ng kilay.
"Kanina ka pa!" talagang bwinibwisit ako ni Kuya dahil ginaya ng bibig niya ang sinabi ko ngunit wala namang lumabas na boses niya.
"Kayong dalawa, tama na 'yan at kumain na kayo." suway ni Papa saamin. Muling tumawa si Kuya at hindi na ako pinansin.
Binuksan ko na lang din ang lunch box. Napangiti ako wagas ng makita ang laman, puro paborito kong pagkain na may strawberry pa at chocolate. Binalik ko ang takip at kinuha naman ang sulat sa paper bag. Akmang bubuksan ko 'yon ng mas lumapit saakin si Kuya.
"Hep hep! Huwag ka ng makibasa!" sinimangutan niya ako at lumayo. Binuksan ko na at binasa ang nakasulat.
Rosalyn,
Kung binabasa mo man ito ngayon, marahil ay kumakain kana.
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
General FictionIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...