Sinend ko ang mensahe kay Isaiah at tumuwid ng tayo. Nang matanaw ko si Carmina palabas ng bahay nila ay sinalubong ko na siya.
"Tara na?" tango lamang ang sagot ko at sinukbit ang kamay sa braso niya.
Nang malaman kong isa din si Carmina sa abay ay tinext ko na kaagad si Isaiah na huwag na niya akong sunduin. Hindi siya pumayag noong una ngunit napilit ko rin sa huli. Ngayon naman ay tinatanong niya kung nasaan na daw kami.
"Naku! Parang kailan lang noong College pa kami nila Trixie. Hindi pa niya naipapakilala saamin si Jackson, ngayon ikakasal na sila." anas ni Carmina habang nag hihintay ng masasakyan.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ay oo nga pala at mag-kaiba tayo ng school noon. Nag transfer lang kasi si Trixie sa school ko noon. Alam mo na, gusto niyang makalimot, eh, nakataon namang Ortega pala si Jackson tapos iyong kaibigan niya sa Manila e pinsan ni Eyrone na kaibigan ni Jackson." napatango na lang ako kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.
Sa totoo lang ay wala akong masyadong alam sa history ng pagkakaibigan nila. May naikwento saakin noon si Felix ngunit ganoon ka detalyado.
"Ayan na!" nagpahila na lang ako sa kanya ng may humintong jeep. Umupo kami sa tabi nang driver.
Buong biyahe papuntang bahay ng mga Ortega ay dada ng dada si Carmina, napapa-oo na lang ako at tango kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil iba ang laman ng isipan ko.
Dalawang araw simula ng malaman kong nangibang bansa si Samson. Hindi ko alam kung nang goo-goodtime lang si Isaiah pero sa tingin ko naman ay totoo ang sinabi niya dahil wala na akong natatanggap na pagkain at mga bulaklak mula kay Samson. Pati text ay wala.
Noong araw na 'yon ay bumuhos nanaman ang luha ko at nag kulong sa kwarto. Hindi ako matigil sa pag-iyak kahit pa pinapatahan ako ni Kuya. Ang kaisa-isahang lalaking minahal ko ng sobra sobra ay bigla na lang akong iniwanan ng walang pasabi.
Kaya naman dalawang araw akong hindi pumasok sa trabaho. Mag reresign lang din naman ako kaya wala ng silbi pa kung papasok ako. Hanggang ngayon ay mabigat at mahapdi parin ang mata ko. Gabi gabi na lang akong umiiyak at hindi nauubusan ng luha.
Habang papalapit ng papalapit sa distinasyon ay pabilis naman ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Ang huli kong punta dito ay noong araw na isinuko ko ang pagkababae kay Samson. Isa iyon sa mga magagandang ala-alang hindi ko makakalimutan. Ang ibigay ang sarili ko sa lalaking pag-lalaanan ko ng buhay, ang lalaking mahal na mahal ko.
Pero ngayon, hindi ko alam kung makakayanan kong tumapak sa lugar ng mga Ortega. God. Hindi ko yata kaya. Bumabalik lamang saaking isipan ang ala-ala namin ni Samson. Wala akong narinig na balita sa kanila, ni kompirmasyon sa pag-alis ni Samson ay wala akong narinig mula kay Tita Marites dahil pati sila ay nangibang bansa rin sabi ni Mama.
Ang tanging pinanghahawakan ko lang ay ang sinabi ni Isaiah.
"Trixieeee!" tumakbo si Carmin palapit sa kaibigan ng madatnan namin siya sa may sofa kasama ang ilang pinsan nila Samson. Binati nila ako ngunit tipid na ngiti lamang ang sagot ko.
Ayokong ibuka ang labi sapagkat baka iba ang masabi ko. Kahit ngayon lang, kakalimutan ko muna ang pag-alis ni Samson at ituon ang pansin sa talagang sadya ko dito.
"Hello." bumeso saakin si Trixie ng makita. Isa ito sa nagustuhan ko sa kanya. Napakabait niya na kahit hindi kami ganoon ka close ay parang ang tagal tagal nanaming magkakakilala.
"Hi. Cogratulations." ganti ko. Tumingin sa umbok sa tiyan niya.
I wonder kung anong nararamdaman niya ngayon. Ang ikasal habang ang magiging baby nila ay nasa sinapupunan pa lang niya.
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
General FictionIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...