Kabanata 21

2.1K 49 3
                                    

Nagising ako ng maramdam ang tumatamang sinag ng araw sa mata ko. Minulat ko ang aking mata at umupo sa kama. Nasapo ko ang aking noo ng mapagtantantong hindi ko pala ito kwarto. Mahigpit ang pagkakayakap ni Samson sa bewang ko habang himbing na himbing parin siya sa pagtulog.

Nang dumako ang aking mata sa orasan ay halos mahulog na ang mata ko ng makitang pasado alas siyete na ang oras.

"God! Late na ako sa trabaho!"

Hindi ko na inabalang gisingin pa si Samson at kinuha ang bag ko sa upuan. Hindi na ako nag-ayos at lumabas ng kwarto. Bahala na kung makita ako ni Tita Marites! Bahala na kung ano ang isipin niya! Ang importante ay makauwi na ako. Nang makababa ako ay si Selene ang nadatnan ko sa kusina.

"Selene! Si Tita Marites?" nagulat siya ng makita ako. Siguro ay nagtataka siya sa mukha ko. Ni hindi man lang ako nag salamin… buhaghag na siguro ang buhok ko. It doesn't matter anyway!

"Rosalyn, ikaw pala." inirapan ko siya. "Hindi pa bumaba, e, kain-"

"Naku huwag na, Selene, late na ako sa trabaho. Pakisabi na lang na… uhm," sandali akong natigilan, hindi alam ang sasabihin. Alam ba ni Tita na natulog ako sa kwarto ni Samson? Probably not.

"Ako na ang bahala, sige na at mukhang nagmamadali ka. Nasa labas si Manong Baldo… kararating lang niya." ani niya. Nahalata siguro niya ang pagkakataranta ko. Nakahinga ako ng maluwag.

"Sige… maraming salamat!" paalam ko at tuluyan ng umalis.

Paglabas ko ay sakto namang tapos ng maglinis ng sasakyan si Mang Baldo. Nagpahatid na lang ako sa kanya since wala na akong pasensyang maghintay pa ng masasakyang tricycle. Hinilot ko ang sintido. Ano ang sasabihin ko kay Mama at bakit hindi ako nakauwi? Sana man lang nag paalam ako!

Nang malapit na kami sa bahay ay tumunog ang phone ko. May tumatawag galing kay ST. Shit. Si Samson 'to! Kinakabahan man ay sinagot ko parin ang tawag niya.

"Hello?" bungad ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nagsalita.

"Where are you?"

"Uhm… pauwi-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Paggising ko wala kana sa tabi ko. At least you wake me up, Rosalyn." kinagat ko ang ibabang labi ng iritado na ang boses niya.

"Late na kasi ako sa trabaho, pasensya ka na."

"Sino nag hatid sa'yo?" tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay. Kumabog ang dibdib ko ng nakabukas ang pintuan at kita ko si Mama sa loob na mukhang paalis na.

"Samson… I really need to go. Bye!"

Pinatay ko na ang tawag at nag pasalamat kay Mang Baldo bago lumabas. Wala na akong oras na magpaliwanag sa kanya. My time is running! Nanlaki ang mata ni Mama ng pumasok ako sa bahay.

"Rosalyn! Bakit ngayon ka lang… nag-alala ako." hysterical na si Mama ngunit binalewala ko ang sinabi niya.

"Mamaya na po ako magpapaliwanag. Late na po ako sa trabaho! Bye, Ma!"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pumanhik sa kwarto. Hinanda ko ang susuotin, linapag ko 'yon sa kama. Mabuti na lang at plinantsa ko ito kahapon ng umaga… kung hindi ay maghahabol na naman ako ng oras. Papasok na ako sa banyo ng tumunog nanaman ang phone ko. Tumatawag nanaman si Samson! Riniject ko ang tawag niya at tuluyan ng pumasok sa banyo. I have no time for him.

Halos pumadyak na ako kakahintay ng masasakyan. Pasado alas otso na! Baka naunahan na ako ni Dean sa pagpasok. Wala paring masasakyan at halos puno ang mga dumaraang jeep. Ito ang unang beses na malalate ako sa trabaho at kasalanan ito ni Samson! Nang sa wakas at may huminto sa tapat ko ay halos tumalon ako sa tuwa.

To Be Only Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon