Hindi ako kumikibo at tanging malakas na ulan lamang ang naririnig. Hindi rin naman ako iniimik ni Samson kaya nanatili akong tahimik. Kinamot ko ang braso ko at leeg ko ng mas lalo itong kumati. Kung sana nakinig ako kay Daniela kanina ay hindi ito mangyayari at hindi ko sana kasama ngayon si Samson. It's so nostalgic. Parang kailan lang noong lulan ako ng sasakyan niyang ito at masaya kami. Lagi niya akong hatid sundo. Ni wala siyang nakakaligtaan araw. Sa isang iglap ay nagbago ang lahat
Oo, heto at sakay nanaman ako ng Navara niya after one year. Pero iyong pakiramdam ay kakaiba. Parang may matayog na pader ang namamagitan saamin at para kaming estranghero sa isa't-isa. What is he doing anyway? Bakit niya ako binalikan? Nasaan si Talia? Bakit hindi siya ang kasama niya instead of me? Confusion. Iyon lamang ang bumabagabag sa isipan ko ngayon. Samson is confusing me.
"Fuck!" mabilis akong napatingin sa kanya. Matapang ang anyo ng mukha niya. His jaw is clenching. Mariin ang pagkakahawak niya sa manibela habang ang isa niyang kamay ay nakapatong sa may bintana. Napabuntong hininga ako.
Sa paglipas ng taon ay madami ang nagbago sa kanya. Mas lalo siyang tumangkad at lumaki ang katawan niya. Mas lalo itong nahubog. Mas kumisig siya sa paningin ko. Ang clean cut niyang buhok noon ay gulo gulo na ngayon. Ano pa nga bang aasahan ko, e, halos ako naman ang nag-aayos ng buhok niya noon. Pati ang pag shave sa balbas niya ay ako ang gumagawa.
Ang mata niyang kulay itim na namana niya kay Tita Marites. Mahahaba ang pilik mata. Ang ilong niyang matangos at ang labi niyang namumula. Nang mapatingin ako sa cup holder ay kumunot ang noo ko ng makita ang pakete ng sigarilyo. He's smoking again? Tinigil na niya ito noong kami pa. What happened? Bakit binalik nanaman niya ang bisyo niya?
"You're smoking again?" wala sa sarili kong sabi. Tumingin siya saakin. Dumako ang mata niya sa sigarilyo bago umiwas ng tingin.
"Kapag naistress lang."
"Why?"
"Hinahanap ko ang lasa ng sigarilyo, Rosalyn. Stop asking non sense."
Kinagat ko ang ibabang labi. Umiwas ako ng tingin. Short tempered narin siya ngayon? Ba't ang dali yatang uminit ang ulo niya? Nang ipasok niya ang sasakyan sa garahe ay mabilis siyang lumabas. Nagulat na lang ako ng pagbuksan niya ako ng pinto at binuhat. Nanlaki ang mata ko at pumiglas.
"Samson! Ibaba mo ako!" binigyan niya ako ng malamig na tingin at umiling.
"Shh... stop freaking out." ang iritado niyang boses kanina ay bigla na lang umamo. Mas lalo akong naguluhan sa kilos niya. From mad to calm. What is really happening?
Nang makapasok siya bahay ay mabilis siyang dumiretso sa hagdanan. Nang pababa si Kuya ay nanlaki ang mata niya ng makita kami ni Samson.
"Anong nangyari?" pinanlakihan ko siya ng mata. Ang lakas na nga ng ulan at malamig ay nakuha pa niyang mag boxer lang.
"Fucking allergies... pakikuha naman 'yong gamit niya sa sasakyan ko." hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Kuya at linagpasan na niya ito. Nalaglag ang panga ni Kuyang sinundan kami ng tingin.
Kinagat ko ang ibabang labi. Mannerism ko na yata ang bagay na ito kapag kabado ako. Mabilis ang tahip ng dibdib ko. Nagwawala nanaman ang mga tigre sa sikmura ko sa tinuran niya. Ganitong ganito si Samson kapag inaatake ako ng allergies ko noon. He's so sweet na animo'y isa itong malubhang sakit.
"Ibaba mo na ako." tugon ko ng makarating kami sa tapat ng kwarto ko ngunit hindi naman niya pinakinggan ang sinabi ko.
"S-Samson," umiwas ako ng tingin ng titigan niya ako. Shit. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at malalagutan na yata ako ng hininga. God! Ano bang nangyayari saakin! Bakit apektado ako sa titig niya.
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
General FictionIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...