"Hoy, Rosalyn, anong naisipan mo at sumama ka kay Mamita aber?" napatigil ako sa pagpupunas ng salamin at napatingin kay Cielo. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Uhm... bawal na bang bumisita sa negosyo ni Mama? Atsaka wala akong kasama sa bahay. Si Kuya at Roshan lumabas." sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa.
Sabado naman at walang trabaho. Wala naman akong gagawin sa bahay kaya napag-isipan kung tulungan nalang si Mama dito sa salon namin. Bukas pa ang day off ni Felix at mag dadate kami.
"Ay! 'Yon pa oh sa taas tanggalin mo 'yong dumi. Naku, Rosalyn, gamitin mo kasi 'yang upuan." tinuro niya ang dumi sa taas ng salamin na parang nadikitan ng bubble gum. Tumawa ako at sinunod ang ginawa niya. Itong baklang 'to, kung makapagutos ay parang siya ang boss.
"Ikaw na kaya ano? Mas matangkad ka!"
"Ay! Ayoko, bes, ayos na ako dito sa ginagawa ko." ani niya at inispreyan ang Bonsai sa tabi ng sofa.
Lumipas ang isang oras at natapos na kami sa paglilinis. Wala pa namang customer pero batid kong mamaya lang ay magsisidatingan na sila. Nakikinig lang ako sa usapan nila Cielo kasama ang dalawa pang baklang kasama ni Mama dito sa salon.
"Rosalyn!" inangat ko ang mukha mula sa pagbabasa ng magazine at tinigan si Cielo. "Nasaan dyowa mo?"
"Si Felix? May trabaho, e, bakit?" naghagikhikan sila at umiling.
"Wala. Matagal na kasing hindi siya pumupunta dito. Si Ronnie? Ay! Miss ko na si fafa." ako naman ang tumawa at linapag ang magazine sa lamesa. Tumayo ako at kinuha ang walis tambo.
Ewan ko ba diyan kay Cielo at patay na patay kay Kuya kahit puro mura ang natatanggap niya sa lalaking 'yon kapag pumupunta siya dito. Nakikitawa na lang ako sa kwentuhan nila ng biglang bumukas ang pintuan. Tumuwid ako ng tayo at nanlaki ang mata ko ng iniluwa noon si Tita Marites.
"Tita!"
"Iha," linapitan niya ako at bumeso. Nakapagtataka at nandito siya? Hindi man lang sinabi ni Mama. Kapag kasi malalapit na kaibigan ni Mama ang customer namin ay nagpapaschedule sila. Eh sa hindi ko naman nakita ang pangalan ni Tita sa mga nag paschedule para naman naihanda ko ng maayos ang VIP room namin.
"Good morning po." ngumiti ako at tumingin sa dark glass door namin. Kinabahan ako ng makita ang Navara ni Samson.
Huwag niyang sabihing kasama niya ang lalaking 'yon? Shit. Hindi ako handa! Kinalma ko ang sarili ko. Ano nanaman ba itong iniisip ko. Eh ano naman ngayon kung kasama niya si Samson? Baka magpapagupit lang.
"Nandiyan na ba Mama mo? Naku, mukhang malalate pa ang ilan kong amiga."
"Uhm... nasa opisina po niya. Magpapagupit po kayo?" umiling siya ng nakangiti. Napakaganda talaga ng mga lahi ng Ortega. May edad man ay ang bata parin ng mukha.
Muling dumako ang tingin ko sa pintuan. Ba't hindi pa pumapasok si Samson? Mukhang napansin naman ni Tita ang humahaba kung leeg kaya napatingin rin siya sa labas. Sakto namang umalis na ang sasakyan ni Samson. Napabuntong hininga ako. Bakit parang dismayado ako na hindi ko siya makikita ngayon? And as if naman kakausapin ko siya kung sakaling nandito siya. Anong sasabihin ko? Matapos ang nangyari noong isang araw ay minsan ko na lang siyang nakikita sa school.
"Rosalyn," natigilan naman ako ng hawakan ni Tita ang kamay ko. "Don't worry, hinatid lang ako ni Samson. I know what you're thinking." kinagat ko ang ibabang labi. Masyado bang halata ang kilos ko? Eh sa kinakabahan ako atsaka may gusto akong tanungin sa kanya.
"Eh saan po ba siya pumunta, Madam?" sinamaan ko ng tingin si Cielo ngunit nginisian niya lamang ako. Syempre at may alam din siya sa nakaraan namin ni Samson.
BINABASA MO ANG
To Be Only Yours
General FictionIsang taon na simula noong nag hiwalay si Samson at Rosalyn. Ngunit hindi maintindihan ni Samson ang nararamdaman niya kung bakit hindi parin maalis sa isipan niya ang babaeng minsan ng naging parte ng buhay niya. Rosalyn got a new boyfriend, ganoon...